Kabanata 2

1079 Words
MAAGANG tinapos ni Niccolo ang kanyang trabaho para masundo si Shannon. Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Shannon nang makita siya nito. "Come on, don't give me that look!" wika ni Niccolo. Alam niyang disappointed ang asawa sa maaga niyang pagsundo rito. He drove his wife home first para makapagpalit ito ng damit. Wala pa ring nagbabago, si Shannon pa rin ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa tanang buhay niya. "Where are we going?" tanong ni Shannon habang nagmamaneho si Niccolo. "It's a surprise," tugon ni Niccolo. Inalis niya ang isang kamay sa manebela upang mahawakan ang kamay ng asawa. He smiled at her. How much he wanted to kiss her that time kung hindi lang siya nagmamaneho. Niccolo took her to a fancy restaurant that Callie chose. Sinalubong si Shannon ng nagkalat na mga talulot ng paborito niyang bulaklak na pulang rosas. Napangiti siya. Kailanman ay hindi pumalya sa paghuli ng kanyang kiliti ang sandamakmak na rosas. It was a candlelit dinner. Inalalayan ni Niccolo ang asawa pag-upo. Hinalikan niya ito at muling binati. "Happy anniversary, honey!" Nakangiting tumango si Shannon. “Happy anniversary!” Kinuha ni Niccolo ang isang maliit na box sa kanyang pantalon, at isinuot ang kwentas kay Shannon. Saka siya umupo. "Don't you like it, honey?" nag-aalalang tanong niya nang hindi makita ang inaasahan niyang reaksyon sa mukha ni Shannon. Hawak nito ang pendant ng kwentas at matamang pinagmamasdan. "I liked it," mabilis na tugon ni Shannon. "Kaya lang ganito rin ang binili ko last week. Ganitong ganito," anito. “Hindi mo pa iyon nakita kasi hindi ko pa isinusuot.” "Really?" Napabuntong hininga si Niccolo. "But, it's okay. I appreciate it. Salamat!" Ngumiti ng tipid si Shannon. "Babawi ako sa susunod, hon," wika ni Niccolo. Hindi niya maiwasang malungkot, ngunit hindi niya iyon ipinahalata. "How about the food, do you like it?" Marahang tumango si Shannon. "Mabuti naman. Actually, nagpatulong ako kay Callie para i-surprise ka. Siya rin ang namili ng kwentas. Sayang lang at nakabili ka na pala ng kaparehas." Napahinto si Shannon sa pagkain. "You know what? You gave me a wonderful idea," anito. Inalis nito ang kwentas sa leeg. "Why don't you just give this necklace to Callie?" Iniabot nito ang kwentas kay Niccolo. Napatitig si Niccolo sa asawa. "Hindi ko rin naman iyan magagamit. Ibigay mo na lang kay Callie. I'm sure magugustuhan niya iyan. Di 'ba matagal na siyang nagtatrabaho sa iyo? She deserves it. Sa kanya na iyan." "But—" "Sige na, hon. Ibigay mo na lang kay Callie. Hindi naman mahalaga ang regalo, e. Ang mahalaga magkasama tayo ngayong nag-si-celebrate. Right?" Wala ng nagawa pa si Niccolo kundi ang tumango. At least Shannon enjoyed their dinner. Dapat na siguro siyang makontento roon. Kaagad nagyayang umuwi si Shannon pagkatapos lang nilang kumain. "This day is so tiring," wika ni Shannon habang nagpapahid ng lotion sa buong katawan pagkatapos mag-shower. Lumapit si Niccolo sa asawa at nagtungo sa likod nito. Hinawi niya ang buhok sa leeg nito at saka iyon hinalikan. Niyapos niya nang mahigpit ang asawa. "I'm tired, hon," mahinang anas ni Shannon. "Hindi ka ba pagod?" "Hindi," mabilis na tugon ni Niccolo. "Kaya kong pawiin ang pagod mo. Just let me." Pinaharap niya ang asawa sa kanya at saka inangkin ang mga labi nito. Hindi ito tumutugon kaya mas pinag-igihan niya ang paghalik. Ilang saglit pa ay tumigil siya upang titigan ang maganda nitong mukha. "I love you, Shannon," wika niya. "I love you so much!" Ngumiti lang si Shannon at saka tumango. "Hon, please, matulog na lang muna tayo. Pagod talaga ako, eh,” anito. Bilang maunawaing mister, nakangiting tumango si Niccolo. Kinarga niya ang asawa at saka marahan itong inilapag sa kama. "Sleep now, my Queen." Inalayan niya ito ng halik sa noo. Pinagmasdan niya ito hanggang sa makatulog. "GOOD morning, Sir!" bati ni Callie kay Niccolo kinabukasan. Binati siya pabalik ni Niccolo. "Kumusta ang celebration, Sir? Naku, sigurado akong walang pagsidlan ng tuwa si Ma'am Shannon sa regalo at surprise ninyo," nakangiting dugtong niya pa. "May ibibigay ako sa iyo, Callie," iyon ang iwinika ni Niccolo imbes na sagutin ang tanong ng dalaga. "Po?" Biglang kinabahan si Callie. "Ano po?" "This is yours already," wika ni Niccolo sabay abot ng box na may lamang kwentas na dapat sana ay ibibigay niya sa asawa. "Ha? Ito po iyong dapat regalo ninyo kay Ma'am Shannon, hindi po ba? Bakit ibinibigay ninyo sa akin? Hindi ba niya nagustuhan?" "Nagustuhan. Ang kaso mayroon na siyang ganyan." Napatakip ng bibig si Callie. "Hala, Sir Niccolo, sorry po!" "It's not your fault. Nagkataon lang naman," nakangiting wika ni Niccolo. "Ipinabibigay na sa iyo iyan ni Shannon. Sabi niya salamat daw, at deserve mo iyan. You earned it." "Nakakahiya naman po, Sir. Regalo n'yo ito dapat sa inyong asawa. Hindi ko po ito matatanggap." Akmang ibibigay niya pabalik ang kwentas kay Niccolo ngunit pinigilan siya nito. "Hindi mo iyan pwedeng tanggihan. Or else, I will fire you!" Napabuntong hininga si Callie. "Ano pa ba ang magagawa ko, Sir? Alam naman ninyong mahal na mahal ko ang trabaho ko, at loyal ako sa inyo. Sige po, akin na ito." Ngumiti siya. "Salamat po, at pakisabi na rin kay Ma'am Shannon salamat." "I should see you wearing that always, okay?" "Sige po, Sir. Sabi ninyo eh." "Wear it now," utos ni Niccolo sa dalaga. "Okay," anang dalaga. Kinuha niya ang kwentas mula sa box. Nahirapan siyang isuot iyon dahil sa namamasang palad at daliri. Nangyayari iyon sa tuwing tensyonado siya. Napalunok siya nang lumapit sa kanya si Niccolo upang tulungan siyang isuot ang kwentas. Naramdaman niya pa ang paghawi ni Niccolo sa nagkalat niyang buhok sa leeg. Napapikit pa siya nang maramdaman ang paglapat ng mga daliri ni Niccolo sa kanyang balat. "Salamat, Sir!" Halos mautal siya sa kabang nararamdaman makaraang maisuot ni Niccolo sa kanya ang kwentas. "Bagay sa iyo," nakangiting wika ni Niccolo. Naramdaman ni Callie ang pag-init ng magkabila niyang pisngi. Napaka-wholesome lang talaga ng kanyang Sir Niccolo. Wala itong malisya sa katawan para sa ibang babae. Lalo tuloy siyang napapahanga rito. Nagkataong bago siya lumabas ng opisina ni Niccolo ay papasok naman ang isa niyang katrabaho na si Bernice na tanyag na chismosa sa kanilang workplace. Baka nga kanina pa iyon naroroon at pinagmamasdan sila ni Niccolo. Naroroon ang mga mapanghusga nitong mga tingin ngunit hindi niya na iyon inintindi. Isipin na nito ang gusto nitong isipin, basta alam niya sa sarili niyang wala siyang masamang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD