Kabanata 1

1157 Words
“GOOD morning, honey!” bati ni Niccolo sa asawang si Shannon. Since they got married, there was no morning without a smile every time he sees her beside him. Ginawaran niya ito ng halik sa noo. “Good morning!” tugon ni Shannon. “May meeting ako today. I have to come to my office early.” “Can you stay in bed kahit five minutes lang? I want cuddles for breakfast.” Kinabig niya ang asawa at niyakap nang mahigpit. “Hindi pwede. I can’t be late. Ang alam ko may meetings ka rin today, kaya bumangon ka na riyan,” anito. Umalis ito sa pagkakayapos ni Niccolo at bumaba sa kama. Naturingang lalaki si Niccolo, ngunit sa kanilang dalawa ni Shannon ay siya ang clingy at madalas na umaaktong parang baby. Kabaliktaran naman si Shannon. That’s what he got by marrying a strong and independent woman. Iyon ang iniisip na dahilan ni Niccolo kung bakit hindi gaanong affectionate at vocal si Shannon. Ayos lang iyon sa kanya dahil pakiramdam niya ay hindi magiging boring ang kanilang pagsasama dahil sa kanilang pagkakaiba. “Do you forget what day it is today?” tila batang nagtatampong wika ni Niccolo. Kumunot ang noo ni Shannon. Napanganga siya at napatakip ng kamay sa bibig nang maalala kung ano ang mayroon sa araw na iyon. “I’m sorry! Nawala sa isip ko. Masyado kasi akong maraming iniisip sa trabaho.” Bumalik siya sa higaan upang alayan ng halik ang asawa. “Happy anniversary!” Pagkatapos ay tumayo rin ito. “Susunduin kita mamaya, okay?” wika ni Niccolo bago makalabas ng kwarto ang asawa. Lumingon si Shannon at nakangiting tumango. ANO pa ba ang mahihiling ng isang Niccolo De Monte? Nasa kanya na ang lahat. Ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig, at pinakasalan siya ni Shannon- ang babaeng kanyang pinangarap. It’s been three years since they got married in California. It was the happiest day of his life. Pakiramdam niya noon, siya ang pinakamaswerteng lalaki sa balat ng lupa. Kung may kulang man sa kanyang buhay, iyon ay anak. Kung siya ang tatanungin, handa na siyang maging ama, ngunit si Shannon ay hindi pa. She’s just twenty-eight kaya hindi naman siya dapat mag-alala. Besides, they are still enjoying each other. Si Niccolo ang CEO ng De Monte Logistics, ang isa sa pinakamalalaking freight company sa bansa. Ang Frayalde Leather Goods Corporation (FLGC) naman na pag-aari ng pamilya ni Shannon ay isa sa mga pinakaunang partner nila sa negosyo. Sa pamamagitan nito ay nakilala niya ang asawa. Si Shannon ang nag-iisang anak ng mga Frayalde. Ngayon si Shannon na ang humahawak ng negosyo ng pamilya nito. Proud na proud siya sa kanyang misis. “THANK you, Callie!” Halos lumuwa ang mata ni Callie nang bigla siyang yakapin ng kanyang boss na si Niccolo. Para siyang lumutang sa ulap sa loob ng tatlong segundo. “Thank you! Siguradong matutuwa nito ang asawa ko,” maluwag ang ngiting wika ni Niccolo. Si Callie ang hiningan niya ng tulong sa paghahanap ng magandang panregalo sa araw ng kanilang pangatlong anibersaryo ni Shannon. He can only imagine Shannon’s smile kapag matanggap na nito ang regalo niyang kwentas. “You’re always welcome, Sir!” nakangiting tugon ni Callie. “Ang swerte talaga ni Ma’am Shannon sa inyo. Mabait nanga kayo, responsable, sweet at mapagmahal na asawa pa. Higit sa lahat, sobrang gwapo!” “Binobola mo na naman ako, Callie.” “Sir, four years na akong nagtratrabaho sa inyo bilang secretary. Mambobola pa rin ba ang tingin ninyo sa akin?” Niccolo chuckled. “Hayaan mo, pagkauwi namin galing Alaska sa susunod na buwan, bibigyan kita ng pasalubong. Anong gusto mo?” Balak kasi ni Niccolo na magbakasyon kasama ang asawa para kapwa naman sila makapagpahinga sa kani-kanilang trabaho. “Naku, Sir, okay lang ako. Makita ko lang kayong masaya, okay na ako,” sinserong tugon ng dalaga. “Of all the men I know, you most deserve happiness.” “Of all the men you know?” Mapang-uyam siyang tiningnan ni Niccolo. “Niloloko mo naman ako, e. Ako lang yata ang kilala mong lalaki,” natatawa pang dugtong nito. “Sir naman!” Lumabi ang dalaga. “May iba naman akong kilala. Porke ba wala kayong nakikita, wala na agad akong kilalang ibang lalaki?” “Sa tagal mo na kasing nagtatrabaho sa akin, wala ka pang ipinapakilalang boyfriend sa akin.” “Tatay ba kita, Sir?” pigil ang tawang wika ni Callie. “Pwera biro, Sir, kapag ako nagka-boyfriend, uunahin pa kitang sabihan kaysa nanay ko. Promise!” “Promise iyan, ha?” “Promise, Sir!” Ngumiti si Niccolo. He paused for a while. “Salamat! Salamat sa lahat lahat ng tulong mo sa akin. What would I do without you?” “Aw, Sir! You’re welcome!” nakangiting tugon ng dalaga. It lasted seconds that they just stared, smiling at each other. Mariing napapikit si Callie nang mapagtanto iyon. “By the way, Sir, okay na rin po ang surprise dinner para kay Ma’am Shannon. Just call me for the signal.” Akala niya ay mauutal pa siya sa pagsasalita. Tila tinangay siya ng ilang segundong iyon sa kung saan. “Okay sige. Thank you again, Callie.” “You’re most welcome, Sir!” Nakangiting lumabas ng opisina ni Niccolo ang dalaga. Ang ngiting iyon ay hindi nakatakas sa pansin ng kanyang matalik na kaibigan at katrabaho na si Stella, ang natatangi sa mga kaibigan niyang may alam sa damdamin niya kay Niccolo. “Girl, iyong labi mo, mapupunit na,” tukso nito kay Callie. Umikot ang mata ng dalaga at tumuloy lang sa paglalakad. “Aba! Aba! Anong mayro’n, ha, Callie? May something na ba sa inyo ni Sir Niccolo?” Napahinto si Callie sa paglalakad at saka masamang tiningnan ang kaibigan. “Manahimik ka nga! Anong something ang pinagsasasabi mo? Sira! Masaya lang ako kasi masaya si Sir.” “Ang dakilang secret lover!” Napahagikhik si Stella. “Ah, basta masaya na ako na napapasaya ko si Sir sa maliliit na bagay. Masaya na ako na itinuturing niya akong kaibigan at hindi secretary lang.” “Ingat ka, baka bigla ka na lang bumigay,” paalala ni Stella. “Hindi iyan mangyayari. Ang tagal ko na itong ginagawa. Nasa tama akong pag-iisip. Hindi ako magkakamali,” nasisigurong tugon ni Callie. “Itataga ko iyan sa bato, ha, Callie?” nang-uuyam na wika pa ni Stella. Dahan-dahang tumango si Callie. “Itaga mo sa bato.” Totoo naman, malinis ang intensyon niya sa kanyang boss. Sapat na sa kanya ang nabuong pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Hindi man umabot sa puntong inibig siya nito katulad ng pag-ibig niya rito, masaya na siyang nakakasama ito araw-araw. Masaya na siyang mapaglingkuran ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD