"Callie, may bisita ka," wika ni Aling Rosa. Iba ang tono ng boses nito. Halatadong hindi natutuwa. "Sino ho, Ma? Kung si Ma'am Shannon ulit, paalisin n'yo na lang. Ayaw ko na ng gulo," wika ng dalaga. "Si Niccolo," tugon ni Aling Rosa. Bumilis kaagad ang t***k ng puso ni Callie. "Pinapasok ko na. Nasa salas." Lumabas ng kanyang kwarto si Callie. Matamlay siyang lumagos sa sala. Naroroon si Niccolo, hinihintay siya. "Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. Alalang-alala ako sa iyo," wika ni Niccolo. Napansin nito ang lungkot sa mukha ng dalaga. "What happened?" Nagbuntong hininga si Callie at umupo sa tabi nito. "Pinuntahan ako ni Ma'am Shannon dito." Kaagad na nag-alala si Niccolo sa dalaga. "Sinaktan ka ba niya?" "Nagkasakitan kami," pag-amin ni Callie. "I'm sorry, Niccolo. Ayaw ko

