Kabanata 29

1968 Words

Panay ang ring ng cellphone ni Shannon ngunit hindi niya iyon pinapansin. "Sino ba iyan? Ba't ang kulit? Sagutin mo kaya," wika ni Amber. Nagkibit-balikat lang si Shannon at ipinagpatuloy ang pag-inom. Lasing na lasing na ito at mukhang hindi na makakatayo at makakapaglakad nang deretso. Mabigat na rin ang talukap ng mga mata nito. "Akin na nga iyan," wika ni Amber at saka hinablot ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog. Kaagad niyang pinindot ang green button at itinapat sa tainga ang cellphone. "Love?" "Love?" kunot ang noong ulit niya sa wika ng lalaking nasa kabilang linya. "Shannon, nasaan ka ba? Tawag ako nang tawag, hindi mo sinasagot. 'Tang*na naman. Lagi na lang ganito. Ano? Ano ba ang plano mo sa ating dalawa? May plano ka pa ba?" Napalunok si Amber. Halos tulalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD