If only, kagaya ni Callie si Shannon. Malungkot na napangiti si Niccolo. Pero hindi kagaya ni Shannon si Callie na tahasang nagpapakita sa kanya ng pag-aalala at concern. Ate iyon ay dahil hindi naman talaga siya mahal ng kanyang asawa. Napabuntong hininga na lamang siya habang nagmamaneho. Sinubukan niyang ipayapa na muna ang kanyang isip dahil naaapektuhan na ang kanyang trabaho dahil sa personal na problema niya. "Where did you go, Kuya? Kanina pa kita hinahanap. Sabi ng mga empleyado, kasama mo raw si Callie. Saan kayo nagpunta?" nagtatakang tanong ni Noah. Sinalubong niya si Niccolo nang makita niya ang sasakyan nito. "You don't have to know where we went," tugon ni Niccolo. Napakunot ang noo ni Noah. "Kuya, there is something you're not telling us. What is it?" "Let's go back to

