Buong gabing hindi nakatulog si Niccolo. Tama nga marahil si Shannon, nagiging alcoholic. Mahal na siya. Sa tingin niya ay nakaubos siya ng kalahating case ng beer bago makaramdam ng antok ng gabing iyon. Mahal na mahal niya si Shannon. Gagawin niya ang lahat para dito, maliban lang sa pakawalan ito. Ngunit kung iyon ang hinihiling nito, wala na siyang magagawa. Kung may mahal itong iba, ano ang silbi ng paglaban niya? Tama si Shannon, parehas silang hindi magiging masaya. Magiging miserable lamang ang kanilang pagsasama. Isa pa, wala namang ibang mahalaga para sa kanya kundi ang kaligayahan ng asawa, kahit na ang kaligayahan na iyon ay sa piling ng iba. Pero, hindi siya papayag na iwan siyang simpleng talunan ni Shannon. Hindi pwedeng maiwan siya nito na parang basura lamang na basta n