Fancy POV NAKATULALA ako habang nakaupo sa kama ko. Hindi ako makakilos. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makaiyak dahil halos maubos na ang luha ko kakaiyak kanina mula pa nang makauwi ako dito sa mansyon. Ilang ulit nang tumunog ang cellphone ko pero hindi ako nag-abalang tingnan iyon. Alam kong si Sydd iyon. Alam ko... at alam kong nag-aalala na siya. Mula sa hospital kung nasaan si Blake hanggang makauwi ako dito ay hindi ko pa sinagot ang tawag niya. Awtomatiko akong nag-angat ng tingin nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Mas kinabahan ako. Baka kasi si Sydd... Ilang segundo lamang pagkatapos nang pagkatok ay bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Sydd. He hurriedly came to me and hugged me. Without any words, I felt confort from him. From his hug, from his pre

