Sydd POV AYOKONG lumabas ang bad side ko. Ayokong maging masamang tao para sa taong nananakit sa damdamin ng babaeng mahal ko dahil baka mabasag ko ang pagmumukha niya. Nang makalapit ako sa kinatatayuan niya ay sinuntok ko siya ng isa. Isa lang naman. "Bakla ka ba?" Tanong ko. Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. Kulang pa 'yan sa pagpapaiyak niya sa prinsesa ng buhay ko. "Hindi ikaw ang gusto kong makausap, Sydd." Aniya. "At ano? Kakausapin mo na naman si Fancy para piliting mahalin ka? Damn you, man! Sardinas ka ba, ha? Bakit kailangan mong ipagpilitan ang sarili mo sa kanya? Hindi ka na niya mahal. Gaano kahirap intindihin iyon?" "Mahal nya ako." Pinigilan ko ang kamao ko bago pa ulit ito dumapo sa mukha niya. "Ilang beses bang dapat sabihin ni Fancy sa'yo na hindi ka na niya

