Prologue

676 Words
“Be ready Lord Zeus, gagawin ko na ito!” Hephaestus shouted at Lord Zeus. Gamit ang kanyang palakol, hahatiin nito ang ulo ng Hari ng Olympus sa kadahilanang ilang araw na itong sumasakit. Si Zeus mismo ang nagbigay ng permiso kay Hephaestus upang gawin ito. “Handa na ako!” Ani ni Zeus. Nakapikit ang mga mata ng Dyos nais malaman ng Dyos kung ano itong nasa kanyang ulo at tila bakit hindi siya mapalagay sa bigat at sakit nito. Huminga ng malalim si Hephaestus at buong lakas na hinati ang ulo ni Zeus. When Hephaestus did it, isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas dito kasunod nito ay ang paglabas ng bulto ng isang nilalang. Zeus can handle the pain but then when he opened his eyes, he was shocked. Infront of them was a beautiful lady dress in full-armor. “How did this happened?” Nakaawang ang bibig na sabi ni Hephaestus. Ngunit hindi lamang ang dalaga na nasa harapan nila ang nakalabas mula sa ulo ni Zeus. Sa kabilang dako ng mundo, isang rumaragasang liwanag ang bumagsak sa isang panig ng mundo kung saan ay hindi pa masyadong sibilisado. Ilang daang libong taon muna ang lumipas hanggang sa tuluyang nahulma ang bulto ng liwanag. Ilang daang libong taon bago nasilayan ang kanyang mukha sa kailaliman at lamig ng gabi. Isang musmos ang batang ito na naglalakad habang iniisip kung bakit siya napunta sa sitwasyong iyon hindi katulad ng kanyang kapatid. Ang daming butuin at lahat sila kumikinang pati ang buwan sa langit napakaliwanag. Nagsasaya yata ang mga Diyos. Samantalang ang musmos nandito sa isang katawan ng batang sanggol hubo't h***d, umiiyak at nagugutom. Isa lamang siyang bunga ng utak ng kanyang ama...kasabay ng babaeng balot ng baluti. Iyak nang iyak ang bata. Kung may makakakita lang sakanya iisipin nilang hindi siya normal na bata. Oo, totoo ’yon. Ilang daang libong taon ding siyang lumulutang lang sa alapaap. Isang puting liwanag lang siya noon, hindi alam kung bakit hindi siya nagkatawang tao noon. Samantalang kontento nalang ito sa paglutang-lutang noon sa alapaap at kamalas-malasan ay naging tao na ito at isang sanggol pa. ‘Bakit ako naging sanggol o kung bakit kailangan ko pang pagdaanan ang mga bagay na ito?’ tanong nito sa kanyang sarili. ‘Samantalang ang kasabay ko na isinilang nasa kanya na kaagad ang bagay na kailangan niya hindi niya hinihingi kusang binibigay sa kanya.’ Dagdag pa nito. Napakakumplikado! Sa sobrang pagod ng bata ay napaupo ito sa gitna ng kalsada. Napatingin ito sa harapan may liwanag na palapit sa kanya kasabay noon ay ang pagkahimatay ng bata dahil sa gutom at pagod. “IS SHE okay, honey?” Tanong ng babae sa kanyang asawa. Unti-unting iminulat ng bata ang kanyang mga mata nang maulingan niya ang mga boses na nag-uusap. Nakahiga ang bata sa isang kama sa isang napakagandang kuwarto. “Gising na siya, honey,” Sabi ng lalaki sa babae. Tinignan niya ang mag-asawa. “Sino kayang walang hiyang mga magulang ang nagtapon sa sanggol na ito. Ang ganda pa naman niya,” wika ng babae habang hinahawakan ang kamay ng bata. “You're right, honey. Tayo nga, ’di binayayaan ng anak tapos sila itinapon lang nila? Mga walang puso!” Naiinis na sabi ng lalaki. “Honey, kung walang naghahanap sa kanya pwede bang atin nalang siya? Tutal naman itinapon lang siya sa gitna ng daan,” malungkot na sabi ng babae, hindi sila binayayaan ng anak. Kawawa naman. “Sige, honey, i-pa-pa-check ko lang mga informations at documents niya saka natin siya aampunin kapag wala na talagang naghahanap sa kanya,” sagot ng lalaki sa babae kapagkuwan ay niyakap nito ang kanyang asawa. Tama, walang hiya sila tutal naman Wala siyang mapupuntahan mananatili muna siya dito. At isa pa, nakakulong siya sa katawan ng isang sanggol! Ilang linggo din nakatira ang bata sa bahay nila hanggang sa tuluyan nila itong inampon. They named her Empress Amea Alvarez, she’s no good to everyone not a bit, she’s ATHENA'S TWIN SISTER, DAUGHTER OF ZEUS AND AN UNKNOWN GODDESS!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD