Chapter 1

1391 Words
Amea POV I am six years old now, it's my birthday today. Anim na taon na ang nakalipas mula nang makita ako at inampon ng mga taong itinuring ko ng mga magulang ko. Binigay nila sa akin ang lahat, ini-spoil nila ako. They were throwing me a children's party. Imbitado lahat ng classmates at schoolmates ko sa eskwelahang pagmamay-ari ng mga magulang ko. An International School. Tsk, wala namang akong kaibigan sa kanila kahit isa so, why bother invite them? Wala din naman akong pakialam sa party na ito! I don't need friends nor company to be with me pero dahil mahal na mahal ko ang umampon sa akin, pumayag ako. “Princess, are you not happy with your own party?” Nagtatakang tanong sa akin ni Daddy. His name is Eduardo Alvarez, a well-known business tycoon. Marami silang business na pagmamay-ari- Restaurants, Hotels, Malls, Schools and Resorts. Hindi pa kasama doon ang pagmamay-ari ni Mommy na minana nito sa mga magulang nito. Pareho silang nag-iisang anak kaya lubos daw silang nagpapasalamat ng dumating ako sa buhay nila mas naging maswerte daw sila at mahal na mahal nila ako. “Honey, you know that our Princess is not a sociable person and besides mas gusto niyan na kasama tayo,” nakangiting sabi ni Mommy kay Daddy, pinisil pa nito ang matambok kong pisngi. Her name is Esmeralda Alvarez, a famous super model and fashion designer. She owned a Clothing line. Kung saan ang dini-design niya ang inilalabas sa Clothing line. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Alam nilang hindi ako pala-salita gaya ng ibang bata. “Kasi naman honey, gusto ko lang ipakilala ang napakaganda nating anak,” nagdadramang sabi ni Daddy. Ngumuso pa ito na parang batang inagawan ng kendi. Napangisi naman si Mommy, nagdadabong na parang bata ang kinilala kong ama. “Kahit hindi natin ipakilala ang ating nag-iisang prinsesa siya naman mismo nagpapakilala sa sarili niya in her own unique ways,” sabi ni Mommy sabay kindat sa akin. Yes, kilala ako ng lahat dahil sa aking katalinuhan at kagandahan. Ayokong may lumalapit sa akin, sabi pa nga ng iba maldita daw ako. Pakialam nila! Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang magkabilang dulo ng gown ko. “Princess, where do you think you’re going?” Nagtatakang na tanong ng Daddy ko nang makita niya akong tumayo. I am tired of this party, hindi naman ako mag-e-enjoy. “Upstairs.” Maikli kong sagot at naglakad papasok sa Mansion namin. “But Princess, your party is not over yet.” Narinig kong sigaw ni Daddy pero ’di ko siya pinakinggan. Matigas na kong matigas na ang ulo pero wala akong pakialam! Hindi nila sinabi na ampon ako dahil tinuring nila talaga akong anak habang naglalakad ako papaakyat ng hagdanan namin. Hinarangan ako ni Ethel and her mean friends. Hsh! Parang bahay nito 'ah! Kung harang-harangan nito ako parang ’di kami ang may-ari. “Stay away from my sight,” walang emosyong sabi ko mas brat pa ito sa akin. Nakakapikon ang isang ito gusto nito yatang ihagis ko siya sa kailaliman ng Tartarus. “Ayoko nga, porket bahay niyo ’to at pretty ka ngayon ’di na kita aawayin?” Mataray nitong sagot. Naka-cross arms naman ang mga friends nito. Aba, naghahanap ng away ang panget ng away. Akala nito yata ay aatrasan ko siya. “I'll repeat stay away from my sight now!” Matigas kong sabi pero cold pa rin. “No!” Sigaw nito sabay tulak sa akin. Napatingin ako sa kanya na para bang pinapatay ko siya sa utak ko. “Don't you know that I am powerful than you or anyone in this World?” Sabi ko sa kanya sabay tayo habang nanlilisik ang aking mga mata. I know the aura around me when I am angry that’s why she’s afraid. Nakita kong natakot siya at nanginginig, tinulak ko siya ng napakalakas. Tumilapon siya sa pader na may display na mamahaling vase. Nabasag ang vase dahil sa impact, umiiyak ang dalawa niya friends. Dapat lang ’yon sa kanya. Don't mess up with me or else, I’ll ruin you and everything you hold dearly. “Empress Amea! Anong ginawa mo?!” Histerikal na tanong ni Mommy nang makita nito ang ginawa ko. Tumingin lang ako sa kanila ni Daddy na parang walang nangyari. Humahangos pa sila marahil ay napatakbo sila rito sa loob nang marinig na may nabasag. I shrugged at them. “Amea, don't look at us with that expression. Answer your mom.” Kalmadong tanong ni Dad pero ramdam kong galit siya. Binaling ko ang tingin sa umiiyak na mga kaibigan ni inggitirang Ethel. “Talk,” malamig kong sabi sa dalawa, lalo silang naiyak. Ayoko pa naman sa lahat ang kinakawawa ako hindi ako makakapayag sa bagay na 'yon. "Princess –” Pinutol ko ang sanang pagsasalita ni Mommy. “Talk! Explain what you three did to me!” Sigaw ko sa dalawa, dumagundong naman ang kulog. Psh! Kapangyarihan ko naman ’oh ‘di nakisama. Natahimik sila, minsan lang kasi ako sumisigaw dahil nga kinikontrol ko mga kapangyarihan ko. “Kami po talaga ang ang may kasalanan tinulak po siya ni Ethel,” sabi ni Faye habang umiiyak. “Opo.” Sagot din ni Missy."Now you know," sabi ko sabay akyat sa taas papuntang kwarto ko. Tinatawag ako nila mommy pero hindi ko sila pinakinggan, sila na ang bahala sa mga malditang ‘yon. Hindi naman ito ang unang beses kung nagawa ito. Masisi niyo ba ako kung iba ako sa kanila? Minsan noong nasa Park kami ni Mommy. Two years old ako noon may nakita akong flower na hindi nasisikatan ng araw kaya ang ginawa ko. Gamit ang kamay ko inilipat ko siya sa bandang may sinag ng araw. Nagulat nga si Mommy tinanong niya ako kung pano ko iyon ginawa pero ang sabi ko hindi ko alam iyon nalang ang sinabi ko upang walang makaalam sa kung ano pa ang mga kaya kong gawin. Ang sumunod naman noon ay nang nalunod ang pusang bigay sa akin ni Daddy noon. Persian Cat ang pusa at mamahalin. Iyon ‘yong kauna-unahang bagay na may buhay na pinahalagahan ko ng sobra-sobra except for my parents. Kaya ang ginawa ko binuhay ko siya hanggang ngayon nasa poder ko pa rin ang pusa ko. Papatayin ko talaga kung sinuman gumalaw ng pusa ko. Nakarating ako sa kuwarto ko, ito ang pinakamalaking kuwarto dito sa Mansion. Humiga ako sa queen size bed. Tumingin sa kisame. Alam kong nasa akin na ang lahat ngayon pero bakit hindi ko maramdamang kumpleto ako palaging may kulang palaging may hinahanap ang puso ko na hindi ko mahanap-hanap dito. Tumabi sa akin ang pusa ko. Kinikiskis niya ang mukha niya sa aking pisngi. Naiintindihan niya ako. “Alam mo, Reine, ikaw lang nakakaintindi sa akin mula ng dumating ka sa buhay ko at mula ng ibinigay ka sa akin ni Daddy. You are my greatest possession that I will be the meanest person in the world if something will happen to you,” sabi ko sa pusa ko habang hinahalikan siya sa ulo. Ngumiyaw naman siya bilang tugon ibig sabihin noon naiintindihan niya ako. Tumingin ako sa kawalan. In just a snap nakatingin na ako sa kanila. Masaya silang nag-uusap, kumakain, nagkukwentuhan, at nagtatawanan. What a sight to see! May kirot sa aking puso habang nakatingin sa kanila mas lalo pang tumindi ito ng nakita ko siya at si –hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Magkatabi sila. Nakaramdam ako ng inggit at matinding selos! Bakit siya lang?! Bakit siya lang ang nasa tabi niya? Paano naman ako? Paano naman akong hindi yata nag-e-exist sa mundo nila? Walang gana kong iwinagayway ang aking isang kamay at nawala agad ang tanawing ‘yon. Nakakasuka ang tanawing ’yon para sa akin. Nakakamuhi silang panoorin dahil wala man lang silang ginawa para sa akin at upang maramdaman ako. Ilang beses akong nagparamdam at ilang beses ko ipinamalas ang aking kapangyarihan ngunit hindi nila ako nakita. Hindi nila ako naramdaman. Ang tanawin ‘yon lang naman. Ang tanawing kinaiinisan ko ilang libong taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Ang tanawing hindi nakakaalam kung sino ako. Ang tanawing palaging nakatanim sa utak ko habang masaya sila at heto ako nagdudusa sa kakulangan dito sa puso ko. Ang tanawing kinapupuotan ko. Ang Mt. Olympus!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD