Chapter 2

916 Words
Amea POV Everything happened so fast. Namatay ang parents ko still they didn't know what really I am. Upang makalimot, lumipat ako ng bahay kung saan magagawa ko ang lahat ng naisin ko ng hindi kinapupuutan ng iba. Dito sa mismong tuktok isang burol ako nag patayo ng Mansion. I even add the details of Greek Architecture kung saan ako nanggaling. Bawat parte ng bahay na ito may materyales na ginto sa labas naman ng bahay makikita mo ang napakalaking gate na gawa sa ginto dahil sa mga yaman ipinamana sa akin ng mga umapon sa akin nagawa ko ang lahat ng ito. I even have all their wealth which leads me to be the wealthiest woman alive. Pumapasok pa rin ako sa kolehiyo katulad ng pangako ko sa kanila. Narinig kong kumkatok ang katulong sa pintuan kasama ko ang tatlong maid dito sa bahay at isang butler. Alam nila kung ano ang kaya kong gawin kaya naman minsan takot sila sa akin pero bilang gantimpala binigyan ko sila ng immortalidad na gusto nila. “Goddess, your breakfast is ready,” the maid said. Tumayo ako sa pagkakaupo ko upuan dito sa veranda at bumababa para mag-agahan. Isang mahabang mesa kung saan ako lang mag-isa ang kumakain. How sad! Ngumiti ako ng mapait habang tinitignan ang lamesa. Nawalan na ako ng gana marami ngang pagkain pero malungkot kumain nang mag-isa. Tumayo nalang ako at pumunta na sa chopper na maghahatid sa akin sa School. Nakahilera na ang mga katulong ko para magpaalam. Hawak ng isa si Reine. “Take care of Reine. Pag may masaman gnangyari sa kanya. I'll throw you in the deepest part of Tartarus.” Banta ko sa kanya na ikinaputla niya sa takot. Umingos ako sa katulong at kinausap na lamang ang pusa ko. “Bye, baby. Huwag masyadong malikot, okay?” Bulong ko kay Reine at agad sumakay sa chopper. Ilang minuto lang nasa himpapawid na kami, tumingin ako sa labas ng chopper ko. Paano kaya kung baliktad ang sitwasyon namin ni Athena? Ako kaya ang nasa tabi ng mga Olympians? Ako kaya ang paborito ng aming Ama? Ako kaya ang mahal nito? Mga tanong na imposible. Mga tanong na noon ko pa naman dapat sana kinalimutan. Mga tanong na dapat binaon ko na sa kailaliman ng Tartarus. Gaya ng mga normal na tao, ako ay dumaan sa proseso katulad ng mga mortal. Ang paglaki ko ay gaya ng mga mortal na siya naman ipinagtataka ko ngunit isinawalang-bahala ko nalang. Ang importante naman sa akin narito ako, buhay at magkakaroon ng pagkakataong makitang bumagsak ang mga nilalang na kinamumuhian ko. “Young Lady, andito na po tayo.” Napukaw ang pag-iisip ko dahil sa sinabi ng Piloto. Tinignan ko siya, tumango at bumababa. Babalikan niya lang ako dito pagkatapos ng klase ko. Naglakad ako papuntang classroom ko pinagtitinginan na naman nila ako. Ganito talaga sila sa tuwing papasok ako sa tuwing dumadaan ako araw-araw dito sa hallway. “Andyan na siya.” “Mangkukulam talaga.” “Sayang ang ganda pa naman niya.” “Ganyan talaga basta makukulam lahat sila maganda.” Araw-araw ang mga salitang din nila ang mga naririnig ko hindi ko na pinapansin kahit na masakit sa dibdib. Wala din naman akong mapapala kapag sasagutin ko sila. Baba lang ang pagtingin ko sa aking sarili at hindi ako obligado para ipaliwanag sa kanila ang sarili ko. Pagdating ko sa klase ko, lahat sila nakatingin sa akin dito sa pintuan. Ang galing! Late ako! “Wow! Miss Alvarez, you’re too early, too early for the next subject,” inis na sabi sa akin ni Ms. Dimauto. I smiled evilly. “Wala naman kasing ka-excite-excite dito sa subject niyo,” I said while smirking mas lalo yata siyang nainis. Ako na ang bastos! Tss, wala naman talaga akong nirerespeto bukod sa sarili ko. "How could you say that, Ms. Alvarez?! Bakit marami kabang alam sa Greek Mythology?"Galit niyang sigaw sa akin. Yeah, you heard it right. I mean you read it right. Greek Mythology! Of all subjects ito pa! Ano namang kinalaman ng Greek Mythology sa pag-aaral ko ng Business Management? “Talagang ako pa ang tinatanong mo Ms. Dimauto? Nagtataka nga ako kung bakit ikaw ang Prof ko dito gayong wala naman kayong kaalam-alam,” nakangisi kong sabi. Namumula naman siya sa galit. Ang mga kaklase ko naman nganga! Ang sarapmang-inis ng taong pikon.“Talaga lang ha? Bakit, ano bang alam mo sa Greek Myth?” Asik niya sa akin. Namumula siya sa inis at pagkapahiya. “Mga, kaalamang hindi mo alam, Ma’am! Did you know why Hera throws away her own son Hephaestus?” I asked grinning at her. Namutla siya, hindi niya alam ’yon? Muntanga! Prof ba talaga siya ng Greek Myth? “Hindi mo alam? How pathetic! Hephaestus was thrown away by his own mother Hera because his ugly. Satisfied now?” Taas-kilay kong sabi niya, hindi siya umimik. Nakakangawit. “Now, can I sit or gusto niyo pang mag story telling ako dito?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot, umupo ako agad. Psh. Natulaley ako Prof ko ’di pa naka-move on. “Ano ba magtuturo ka dyan o tutunganga. Okay lang sana kung ako lang ang tuturuan mo pero sila na walang mga alam, sila nalang turuan mo,” kibit-balikat kong sabi. Tumikhim lang siya at pinagpatuloy ang pagtuturo mabuti naman. Tsk, palagi talaga akong pinag-iinitan ng Professor na ito. Nakakaantok naman ang klase niya. Alam ko naman iyan lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD