Chapter 3

847 Words
Amea POV Kainis naman na araw ito. Boring talaga wala bang subjects ang School na ito na hindi boring?! Mas masarap pang turuan ang sarili ko dito. Mas masarap pang inisin ang mga Dyos dito. Yumuko nalang ako sa desk ko. One piggy, two piggy, three piggy, fou – “Ms. Alvarez! Why are you sleeping in my class?! Late ka na nga matutulog ka pa?” Paborito talaga ako ni Prof. Paboritong pag-initan. Isumpa ko kaya ito halos lahat ng sinasabi niya puro basic lang ng Greek Mythology. “Sa wala namang kainteres-interes ang klase niyo.” Naghihikab kong sagot sa kanya. Inaantok talaga ako sa araw na ito, sana pala hindi nalang ako pumasok at nag-self-study nalang. Namula naman ang mukha niya. Hala?! Galit na siya. Napatawa ako ng mahina. “Ms. Alvarez, kung sino kang matalino! Bakit kaya mo bang pumasa ng hindi kailangan ang mga inuturo ko?!” Sigaw niya. “Ofcourse, I can.” Buong kumpiyansa kong sagot sa kanya sabay ngisi pa. Bumalahaw ng tawa ang mga kaklase ko. Tss, hindi siguro sila makapaniwala, ngumisi din si Ma’am. “How confident are you Ms. Alvarez, siguro nga matalino matalino sa pagtulog,” sabi niya sabay palakpak. Hell! Sinusubukan ako ng Professor na ito. Sarap niyang ipakain sa mga harpies ko sa bahay. Tignan lang natin kung ’di mamuti ang itim mong kilikili. “Wow, so let me ask some question Ms. Alvarez, kung talagang matalino ka.” She smiled evilly. Akala niya siguro mapapahiya niya ako. “Bring it on,” poker face kong sabi. Ang mga kaklase ko naman parang nanood ng movie may nakita pa akong kumakain ng pop corn. Sinehan lang?! Tumango-tango pa si Maam at inilagay ang hintuturo sa labi na parang nag-iisip. Pwe! Hindi bagay. “Ms. Alvarez, who's God of Love?” Inumpisahan niya na ang pagtatanong. Akala niya! Tumayo ako at sinagot siya. “Cupid is the God of Love, also known as Eros-son of Aphrodite the Goddess of Beauty, his wife is Psyche the Goddess of Love and Soul.” Sagot ko. Sila nganga! Basic palang ’yon. Nagulat si Maam at tumikhim, pahiya siya ng konti pero ayaw niya yata talagang magpatalo pra ako naman ang mapahiya. “Very well said Ms. Alvarez, then why Persephone is in the Underworld when she is the daughter of Demeter the Goddess of Harvest?” What a tricky question simple lang naman ’yon. "Persephone is Hades wife. She's in the Underworld because her father Zeus helps his brother Hades to abduct Persephone to become his wife. Hades fell in love with Persephone at his first sight so that's why she became the Queen of Underworld.” Sagot ko ulit. Namilog ang mata ng Professor namin kaya mas lalo ata niyang pinahirapan ang tanong marahil hindi inaakala na masasagutan ko ang mga ’yon. “Paano naging hari ng mga Diyos si Zeus?” For Tartarus sake! Sa lahat ng tanong bakit ’yan pa?! Ayaw na ayaw ko nga na naririnig ang pangalan nila. “Can you change the question, Ma’am?” Walang emosyon kung sabi. “Bakit hindi mo alam?” Nang-aasar na sabi niya. Pinaiinit niya lalo ang ulo ko. “I know the answer but I can say it especially when this question is all about Zeus,” madiin kung sabi. Alam kong dumidilim na ang aura ko ngayon. “Nagmamarunong ka kasi,hindi mo naman pala talaga alam.” She pushed me beyond my limit! Ginagalit niya ako matagal na akong nagtitimpi sa kanya mula noong freshman pa ako ngayon umapaw na ito hindi na ako nakapagpigil pa. “Just change the d*mn question or I rip your body into pieces!” Galit kong sabi. Sumabay kaagad sa galit ko ang dagundong ng kidlat na hindi ko nalang pinansin. Third Person POV Narinig ng mga Diyos ang pag dagundong ng kidlat hindi ito basta-basta dahil mas malakas ito sa pinakakawalan ni Zeus. Lahat natigilan, lahat nag-aalala bakas sa mukha ni Zeus ang pagka-inis may nais na subukan siya. “Is it the Lightning Thief again?” Out of nowhere na tanong ni Ares habang matalim na tumitig kay Poseidon. Sa loob ng throne room naroon ang labing-dalawang Diyos at nagpupulong para sa paparating na Winter Soltice. “Seriously, talagang pagbibintangan mo ang anak kong si Percy, where in the first place, it's Hermes son who stole it,” naiinis na sabi ni Poseidon. “Woah, huwag pikon,” nakangiting sabi ni Ares sabay taas ng dalawa niyang kamay. Napa-tsk lang si Poseidon. “Walang nagnakaw ng kidlat ko hindi ko alam kung ano ito,” nagtatakang sabi ni Zeus. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. “Ibig sabihin Ama, kalaban siya?” Tanong ni Athena. Nagkatinginan ang lahat, lahat napaisip sa sinabi ni Athena. “Pwedeng oo at pwedeng hindi.” Maikling pahayag ni Zeus. “So, we must find it then or worst baka matulad ito dati,” Artemis seriously said. Lahat umayon sa sinabi nito. Harphies-are sucker’s of souls. Credits to Rick Riordan for mentioning Percy Jackson: The Lightning Thief
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD