Chapter 4

926 Words
Amea POV Galit na galit ako. Gusto kong ibalibag ang lahat ng madaanan ko sa mukha ng Gurang na teacher na ’yon. Pagkatapos nang sagutan namin ng letseng guro na ’yon nag walk-out ako nang wala sa oras kung hindi lang siya tao at kung hindi lang ako Dyosa sinapak ko na siya! Promise! Pasalamat siya may respeto pa ako sa kanya kahit katiting nalang. Lahat tuloy ng madaanan ko inaaway o binabangga ko pati katulong napagdiskitahan kong gawing palaka. Badtrip na badtrip ako! Ayoko pa naman sa lahat ay binabanggit ang pangalan nila. Tss, I need entertainment hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nababaling ang atensyon ko sa ibang bagay. I smiled evilly ng may naisip ang matalino kong utak. Tama, tama ’yon ang gagawin ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa espesyal na upuan na pinagawa ko pa mula sa Greece. Andito kasi ako sa veranda ng aking kuwarto. Nagmadali akong bumababa papunta sa dungeon dito sa palasyo ko. Oo, palasyo! Mukha kasing hindi bagay maging Mansyon lang ito atsaka itong dungeon ko hindi basta-bastang kulungan lang dahil kulungan ito ng mga halimaw! Tsk, tsk, tsk, tsk at may espesyal akong nilalang dito. VIP kung baga kasi alam kong magagamit ko siya laban sa kanila lalong-lalo na sa kanya. “How are you, my dear Medusa?” Nakangiti kong tanong sa kanya. Tinignan niya ako ng masama, humalakhak ako. “Huwag mo akong tignan nang gany an dahil hindi tatalab ang kapangyarihan mo sa akin,” sabi ko sa kanya. “What do you want from me, Unknown Goddess?” Nang-aasar na sabi niya sa akin. Natigilan ako kailangan ba talagang araw-araw nilang ipamukha sa akin ito?! “Watch your words Witch or else I will burn you myself.” Naniningkit ang mata ko sa galit dahil sa mga tinuran niya. Namutla siya at napipi. Sa maraming beses siyang narito, alam na alam na niya ang kung ano ang kaya kong gawin. “You should know where's your place.” Nagkibit-balikat ako at nagsalitang muli. “Hey, what’s your decision about you helping me,” I seriously said. She stared at me. “No,” she answered firmly. Bwis*t! Hard-headed b*tch! Okay, madali lang naman akong kausap. “Fine, but you will stay here as long as I want as long as I'm not done with you, my toy,” sabi ko at umalis. Hindi naman talaga siya at pinunta ko dito. Dumaan lang talaga ako baka sakaling pumayag na siya. Tss, hindi pa rin pala. Bahala siya, hindi naman ako ang mabubulok dito. Naglakad ako lang ako. Pinagmamasdan ako ng mga naglalaway na mga halimaw na nasa mga kulungan nila. Tanga talaga itong mga muchacha ko. Oras na ng pagkain ng mga alaga ko hindi pa pinapakain. Haist, sigurado masasaktan na naman sila sa pag papakain sa mga ito. Nakarating din ako sa pinakadulo ng kulungan na ito. Mahaba-haba din ang nilakad ko nasa pinakaunang kulungan si Medusa kaya medyo sumakit din mga paa ko. Tinignan ko ang kulungan. Wow, lalong gumaganda ang mga alaga ko. “Hello babies, long time no see.” I smiled when I saw them recognized me. Masaya silang lumilipad sa kulungan nila kung saan alam kung komportable sila. “Babies, I have favor. Help me naman. Promise, all of you will have a prize from me.” Third Person POV Sa isang palengke nagimbal ang lahat ng sumalakay ang mga nilalang na hindi mo aakalaing nag-e-exist pa sa modernong panahon na ito. Lumilipad sila na naglalaway sa mga nakikita nila marami silang kaluluwang makakain. Isang bata ang nakapansin sa mga ito. “Waah! Mommy, there are monsters up there they are scary,” umiiyak na sabi ng batang babae. Nagulat ang ina nito ng tinignan niya ang tinuturo ng bata. “Ha-li-maw.” Nauutal na sigaw ng Ginang at binuhat ang anak habang tumatakbo.Napansin ito ng lahat. Nagulat sila hindi nakagalaw ang iba, ang iba'y nagsitakbuhan agad. Mapabata man o matanda, babae o lalaki walang pinalalampas ang mga Halimaw na ito. Mga halimaw na kalahating ibon at babae. Nakangiting nagtatago ang kanilang amo, tuwang-tuwa sa kanyang pinapanood. Samantala.. “Anong ginagawa ng mga Harphies sa Pilipinas.They are supposed to be Greek Monsters!” Galit na galit na sabi ni Zeus. Napahawak pa siya ng madiin sa upuan habang hinihimas ni Hera ang kanyang kamay upang kumalma. “We don't know Lord Zeus, we don't know.” Naiiling na sagot ni Hermes, ang mensahero ng mga Diyos. “May kakaiba akong nararamdaman sa mga mangyayari hindi ko ito maipaliwanag,” seryosong saad ni Apollo, ang Diyos ng propesiya at araw. “What is it, brother?” Tanong ni Artemis, ang Dyosa ng pangangaso sa kanyang kakambal na si Apollo. “I don't know yet.” Umiiling na sagot ni Apollo sa kapatid. Nakatingin sa kanya ang lahat. Alam nilang ang mga pangitain at hula ni Apollo ay dapat seryosuhin dahil ang mga sinasabi niya ay nagkakatotoo. “Si Apollo ang nakakaramdam at nakakita sa mga mangyayari. Si Apollo din ang inaatasan kong mag-imbestiga ukol dito,” ani ni Zeus na bumuntonghininga pa. He wants to know what’s happening and by allowing Apollo to investigate. Alam niyang magkakaroon agad ng sagot sa mga tanong nila. Tumango lang si Apollo. Sumang-ayon naman ang mga Diyos. “Apollo, pag may nalaman kaagad mong ipaalam sa amin,” dagdag pa ni Zeus. Tumayo si Apollo at umalis pero bago siya sumakay sa liwanag ng araw nakatayo lang siya dito. “I smell chaos,” sabi sa isip ni Apollo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD