Chapter 5

682 Words
Third Person's POV Hindi napansin ni Hestia na tapos na pala ang kanilang pagpupulong. Wala sa pagpupulong nila ang isip niya kundi nasa Hearth niya. Hindi niya lubos akalain na ang binabantayan niyang liwanag sa loob ng ilang libong taon ay bigla nalang nawala noong nakaraang labin-walong taon. Akala niya ay isa lang itong karaniwang liwanag na binibigay sa kanyang Hearth pero hindi, dahil ito'y kulay bughaw at bigla nalang itong naglahong parang bula. Kinakabahan siya sa maaring gawin ng liwanag na iyon. “Kapatid, kanina ko pa napapansin na hindi ka nakikinig sa amin.” Puna ni Zeus ng sila'y papalabas na ng kuwarto kung saan sila nagtitipon lahat. “Wala ito Zeus, maaring nangangamba lamang ako sa mga susunod na mangyayari.” Pag-iiba ni Hestia. Ayaw niya munang sabihin sa kapatid ang gumugulo sa kanyang isipan dahil baka maalarma ito nang walang dahilan. “Kung ganoon wala ka dapat ikabahala dahil kami na ang nag-aasikaso noon alam ko namang ayaw mo ng g**o,” ani ni Zeus sa kapatid na ni minsan ay hindi sumali sa anumang digmaan mula pa noon magpahanggang sa ngayon. “Hindi sa ayaw, gusto ko lang naman ng kapayapaan,” buntonghiningang wika ng Dyosa sa kanyang kapatid. Tinapik ni Zeus sa balikat si Hestia, assuring her that nothing worst gonna happen. Hestia nodded. “Mauna na ako Hestia, tandaan mo walang mangyayaring masama.” Pagpapaalala pa ni Zeus at nauna ng maglakad papaalis ng Throne Room. "Sana nga, Zeus, sana nga…" Bulong ni Hestia sa kanyang isipan habang nakatingin sa papalayong kapatid. Apollo POV Gaya ng utos sa akin ni Lord Zeus, pumunta ako sa Pilipinas upang mag-imbestiga kahit na pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sa misyon kong ito. May hinala din si Hermes na maaring isa lamang itong Demigod na anak ng Big Three-Zeus, Poseidon at Hades pero pagtungtong ko sa paaralang kung saan nanggaling ang kapangyarihan na iyon. Iba ang naramdaman ko, isang malakas na kapangyarihan mas nakakatakot pa kay Lord Zeus. Nakakatakot, tila may kung ano sa puso ko na nais nalang tumakbo at magtago gayong hindi ito maari dahil isa akong immortal. Wala dapat akong katakutan. Nilakasan ko ang aking loob at pumasok doon nang hindi napapansin ng mga mortal habang abala sila sa kanilang mga gawain. Nagmasid-masid ako ng mabuti mula dito sa mataas na gusali ng paaralan. Naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng nakaupo sa lilim ng puno ng laurel-ang puno ko. She's alone. Walang tangkang lumalapit sa kanya. Ang iba'y dumadaan lang at nagbubulungan na parang may nakakahawang sakit ang babae mas lumapit ako pero nagtatago pa rin sa isang puno na malapit sa kanya. I have this feeling na may kakaiba sa kanya. Unti-unti akong sumilip. Nabigla ako ng napatingin siya sa puwesto ko, natigilan ako at agad ding nagtago. “For the sake of Cupid's Arrow! I just laid my eyes on the most beautiful woman in the World!Walang makakapantay kahit na si Aphrodite, Goddess of beauty.” Turan ko sa aking isipan habang paulit-ulit na binabalikan ang kanyang mukha sa aking balintataw. Tumigin ako sa kanya ulit. Tumayo kasi siya kanina naramadaman niya sigurong may nagmamasid sa kanya. Nakaupo pa rin siya doon ay waring nag-iisip. Nakita ko mula sa kanyang mga mata ang lungkot at pangungulila. Biglang may kumirot sa aking dibdib nang makita kung may tumulong luha mula sa kanyang magagandang mata. Sinasabi ng puso ko na puntahan siya at patahanin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil na rin nasa anyong Diyos ako. Ngayon naman ay bigla siyang ngumiti nang mapait mas lalo siyang gumanda dahil sa ngiti niya kahit alam kong hindi ’yon ngiti ng kasiyahan. Buong sistema ko nagsasabing kailangan ko siyang pasayahin. Gusto kong makita ang mga ngiti na masaya siya because I know in my heart kahit una ko siyang nakita. I just found myself loving the girl even if I just saw her for the first time. My heart is beating fastly and my system is screaming for her attention… “Holy Ambrosia! I’m already deeply, madly and irrevocably in love with her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD