"Bakit ngayon ka lang?" bungad agad ni Jackie kay Zyros nang makabalik na ito sa kuweba nila. Napangiti habang napapakamot na lang sa ulo si Zyros dahil itsura ng asawa. Nakacross-arm pa ang dalawang braso nito na bakas ang pagkabagot sa mukha. "Kanina pa ako naghihintay, halos tumulo na ang laway ko habang iniimagine ang dala mo, e! Tapos ngayon ka lang?" naiinis nitong turan sa asawa. Natatawang lumapit si Zyros sa kanya. "Pasensya na po, asawa ko. Nahirapan kasi ako sa paghahanap nitong pinya na gusto mo, e. 'Wag ka nang magtampo. Nakahanap naman ako ng gusto mong pinya, e. Ito, oh." Iniabot nito ang dalawang pinyang dala. Agad namang sinipat ng tingin ni Jackie ang pinyang dala ng asawa. Pero bakas pa rin ang inis sa kanyang mga mata. Subalit nang makita niya na iyon ang gusto n

