Laglag ang balikat ni Zyros ng pumasok ito sa loob ng kuweba. Sunod-sunod rin ang malalakas na buntonghininga na pinapakawalan niya na tila kay bigat-bigat ang dinadalang problema. Kaya't napansin iyon ni Jackie. "Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" nagagalit pa man ito sa asawa dahil sa ginawa nito sa kanya ay hindi niya pa rin ito natiis. Pilit nginitian ni Zyros ang asawa bago ito nagsalita. "Wala naman," pagsisinungaling nito. Subalit ang totoo ay labis-labis ang pag-aalala na nararamdaman niya. Sinabi kasi sa kanya ni Zyros na hindi na siya maaaring kumitil ulit ng buhay ng mga mortal dahil tuluyan ng mawawala ang pagiging isang tagapagbantay niya ng kagubatan. Mawawala na rin ang pagiging immortal niya kapag ginawa niya ulit iyon. At kapag nagkataon ay hindi na niya m

