Chapter 14

1072 Words
Habang lumilipas ang araw na kasama ni Zyros ang dalaga ay lalo lamang lumalalim ang pagtingin niya dito. Magkahalong lungkot at takot ang nararamdaman niya dahil anumang oras ay maaari na siyang iwan ng dalaga. Magaling na kasi ang sugat sa paa ni Jackie kaya wala ng dahilan pa ang dalaga para manatili sa lugar ng binata. "Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob? Malamig na dito sa labas, ha," basag ni Jackie sa katahimikan ng binata habang nakaupo sa b****a ng kuweba. "Ikaw pala," wika naman ni Zyros at nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga. Naupo si Jackie sa tabi ng binata at tumingin sa kalangitan. "Napakaganda naman ng buwan ngayon. Kay gandang pagmasdan," saad niya sa binata. Bakas rin sa kanyang mukha ang tila mabigat na pakiramdam dahil sa mabigat nitong paghinga. "Tama ka, napakaganda niya ngang pagmasdan," sagot rin nito sa dalaga at huminga ng malalim. "May tanong ako," misteryosong usal ng dalaga sa binata. Napabaling ng tingin ni Zyros sa dalaga dahil sa sinabi nito. Malungkot pa rin ang kanyang mga mata na tila may nais ding sabihin sa dalaga. "Ano 'yun?" wika ng binata na bakas ang ningning sa kanyang mga mata habang nakatingin sa dalaga. "Ilang taon ka na bang nabubuhay ng mag-isa dito? Saka paano mo nakakaya na mabuhay ng mag-isa dito?" Bahagyang ngumisi ang binata sa tanong ni Jackie bago sumagot. "Baka hindi ka maniwala kapag sinabi ko sa 'yo kung ilang taon na akong naninirahan dito," pabirong sambit ng binata. Humaba na naman ang nguso ni Jackie at mabilis na nagsalubong ang kanyang kilay. "Seryoso nga ako!" asik nito. Alam niya kasi na binibiro lang siya ng binata. Muling nagpakawala ng isang malakas na buntonghininga si Zyros dahil sa tinuran ng dalaga. "Seryoso rin ako, Jackie. Siguro naman na napansin mo na kakaiba ang lugar na ito, hindi ba?" Napaisip naman si Jackie sa sinabi ni Zyros. "Tama ka, kakaiba nga ang lugar na ito. Pakiramdam ko nga ay nasa loob ako ng isang paraiso, eh. Ano ba tawag sa lugar na 'to?" pagtatanong na nito. Narito pa ba ako sa Sorsogon, o nasa ibang lugar na ako?" Muling tumingin si Zyros sa kalangitan bago nagsalita na puno ng lungkot ang boses. "Gusto mo ba talagang malaman kung anong lugar ito?" "Maaari ba?" tanong ng dalaga. "Ito ang lugar na tinatawag nilang Death Forest," serysong wika nito. Namilog ang mga mata ni Jackie sa pagkagulat dahil sa narinig mula sa binata. "A-anong sabi mo? D-death forest? N-nagbibiro ka ba?" sunod-sunod na tanong niya habang may panginginig na ng kanyang boses. Hindi kasi siya makapaniwala sa kanyang narinig. "Oo, Jackie. Nasa loob ka ng bundok ng Death Forest." Halos masiraan ng bait si Jackie dahil sa narinig. "K-kung gano'n, hindi isang paraiso ang napuntahan ko kundi isang impyerno?" gulat pa rin nitong sambit. Nagsimula na ring kumabog ang kanyang dibdib dahil sa sinabi ng dalaga. Alam niya kasi ang mga haka-haka sa lugar ng Death Forest dahil maski ang kaibigan niyang si Farhana ay nabanggit na ito sa kanya. Napahalakhak naman si Zyros dahil sa sinabi ng dalaga. "Hindi ito isang impiyerno. Isa itong mahiwagang bundok. 'Yon lamang iyon." "P-pero paano ako nakapasok dito ng wala man lang akong nalalaman?" "Hindi ko rin alam, Jackie. Basta natagpuan na lamang kita noon dahil narinig kita." "Ikaw ba, katulad rin ba kita? Isa kang tao, hindi ba?" lakas loob nitong tanong habang may takot na nararamdaman. Muling tumingin na may lungkot sa mga mata ang binata kay Jackie. Bahagya rin siyang napakuyom ng kamao at napatiim bagang. "Kung sabihin ko ba sa 'yo ang totoo kung pagkatao, lalayuan mo na ako, Jackie?" Bahagyang nangulap ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa tanong niya sa dalaga. At pakiramdam niya ay hindi siya handa sa magiging sagot ni Jackie sa kanya. Napailing-iling ang dalaga sa sinabi ng binata. Nagsisimula na ring tumulo ang kanyang luha dahil tila hindi rin siya handa sa posebleng ipagtapat ng binata. Ngunit naisip niya rin na wala naman kakaiba sa binata kaya kahit isang mahiwagang lugar ang tinitirahan nito. Kaya pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata at pinilit na ikalma ang sarili. "Ano ba tong naiisip ko," bahagya siyang ngumisi dahil sa kanyang mga naiisip. "Alam ko naman na tao ka rin, hindi ba? Wala naman kakaiba sa 'yo, kaya kalimutan mo na lang ang tanong ko." Lalong nalungkot si Zyros sa tinuran ni Jackie. Iniisip niya na baka kamuhian siya ng dalaga kapag nalaman na nito ang buo niyang pagkatao. Kaya napangiti na lamang siya ng pilit at yumuko. "Malalim na ang gabi, magpahinga ka na," pagputol na lamang nito sa usapan nila habang bakas ang bigat at lungkot sa kanyang mga mata. "Ikaw rin, magpahinga ka na," sambit din ng dalaga na wala pa rin tigil ang mga katanungan sa kanyang isipan. Subalit nangingibabaw pa rin sa kanya ang pag-asa na sana nga ay katulad niya ang binata. Lumapit siya kay Zyros at hinawakan ang kamay nito. "Alam ko na may kakaiba sa 'yo, Zyros. Kung ano man 'yan, handa akong tanggapin ka, tandaan mo 'yan," madamdaming wika nito. Pagkatapos ay tumayo na siya at kaagad na pumasok sa loob ng kuweba. Naiwan naman ang binata na tila biglang nabuhayan sa sinabi ni Jackie. Ngunit hindi pa rin siya lubos na umaasa dahil hindi pa nakikita ni Jackie ang buo niyang pagkatao. May takot pa rin siyang nararamdaman dahil baka sinabi lang 'yon ng dalaga para hindi siya malungkot. Hindi nakatulog ng maayos si Jackie ng gabing iyon. Iniisip niya pa rin kung ano nga bang klaseng tao si Zyros. Nangangamba pa rin siya dahil pakiramdam niya ay nagugustuhan na rin niya ang binata. Nalulungkot na rin siya dahil baka anumang oras ay pwede na niyang iwan ang binata. At kapag iniisip niya ang ganoong bagay ay tila biglang naninikip ang kanyang dibdib. "Talaga bang nagugustuha na rin ba kita, Zyros?" bulong nito. "Tumigil ka nga, Jackie. Kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip mo!" asik niya habang nakahiga pa rin. "Mabuti pa, bumangon ka na lang at baka hinintay ka niya!" dagdag pa nito. Kaya bumangon na siya at hinagilap agad ng tingin ang binata. Subalit hindi niya makita ang hinahanap ng kanyang mata. "Maaga ba siyang umalis? Nasaan na naman kaya siya? Naku, makakatikim na talaga sa 'kin ang lalaking 'yun. Palagi na lang niya akong iniiwang mag-isa dito!" himotok nito sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD