Chapter 13

1210 Words
Kahit nahihirapan ay pinilit lumabas ng kuweba ni Jackie para sundan ang binata. Subalit nang makalabas na siya ay hindi niya mahagilap ng tingin ang binata. "Saan ka siya nagpunta?" bulong nito sa kanyang sarili habang inililibot ang paningin sa buong paligid. Napakatahimik rin ng buong paligid kaya biglang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hanapin ko kaya siya?" wika niya sa kanyang sarili. Baka nariyan lang 'yun sa malapit nagpapahangin," dagdag pa nito at sinimulang ihakbang ang mga paa. At habang naglalakad siya ay hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng buong kapaligiran. May mga paru-paro siyang nakikita na iba't-ibang ang kulay habang nakadapo ang mga ito sa naggagandahang mga bulaklak. May mga kakaibang ibon din siyang nakikita habang nakadapo sa taas ng mayayabong na punong kahoy. Kakaiba rin ang mga d**o sa paligid na kanyang nakikita. Pakiramdam niya ay isa ngang paraiso ang lugar na napuntahan niya. Maya-maya ay may narinig siyang tila rumaragasang tubig. "Sapa? Tama, sapa nga 'yon!" napangiti siya at kaagad na hinanap kung saan galing ang umaagos na tubig na naririnig niya. Papilay-pilay siyang naglakad para hanapin ang sapa na naririnig niya. At makalipas ang limang minuto ay natagpuan na niya ito. Kaya halos mapanganga na naman siya dahil sa pagkamangha. Kulay asul kasi ang tubig ng sapa at talagang napakalinis. May mga malalaking bato rin sa gilid nito at ang iba ay kulay ginto. Napakaganda ring pagmasdan ang agus nito, at pakiramdam niya ay tila inaakit siya nitong maligo. "Pwede kaya maligo diyan?" tanong nito sa kanyang sarili. Subalit isang tinig ang sumagot sa kanyang likuran. "Oo, pwedeng maligo diyan. Isa yang mahiwagang batis na nakakapagpagaling ng kahit na anong karamdaman," wika ng tinig sa dalaga. Napatingin ang dalaga sa tinig mula sa kanyang likuran. "Ikaw pala, Zyros. Kanina ka pa ba diyan?" Ngumiti ng pilit ang binata at tumango. "Nais mo bang maligo?" "Totoo ba na nakakagamot ang tubig na 'yan?" Hindi makapaniwalang usal niya sa binata. Tumango ulit si Zyros at pilit pa ring ngumiti sa dalaga. Natuwa naman si Jackie sa sinabi ng binata at tila gusto na niyang tumalon sa ilog. Subalit naalala niya na masakit pa pala ang paa niya kaya nagdahan-dahan lang siyang bumaba sa ilog. At nang makababa na siya sa tubig ay may kung anong bagay siyang naramdaman sa kanyang sarili. Bigla ring umilaw na kulay dilaw ang tubig na naaapakan niya at pakiramdam niya ay may gumagalaw sa sugat sa kanyang paa. Kaya nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat at bahagyang napaatras. "A-anong nangyayari sa sugat ko?" gulat na tanong niya habang panay pa rin ang atras niya. At wala siyang kaalam-alam na nasa likod lang pala niya ang binata nakasunod lamang sa kanya, kaya bumangga ang likod niya sa matipunong dibdib ng binata. "B-bakit, umilaw ang tubig?" nahihintakutan niyang tanong sa binata nang harapin na niya ito. Subalit imbes na sagutin ay binuhat siya ng binata at unti-unti siyang dinadala sa malalim na parte ng ilog. "H-hoy! A-anong gagawin mo? I-ibaba mo ako!" asik niya sa binata na may halong takot. Nagpupumiglas din siya subalit malakas ang binata kaya hindi siya makaalis sa mga bisig nito. Napangiti naman si Zyros dahil naririnig na naman niya ang malakas na kabog ng dibdib ng dalaga na alam niyang natatakot na naman. Ngunit kailangan niyang pakalmahin ang dalaga kaya huminto siya at tinitigan niya ito sa mata saka nagsalita. "Hindi ba, nais mong gumaling?" tanong niya na may pilyong ngiti. "O-oo. P-pero, mukhang hindi naman ako gagaling dahil lulunurin mo ako, e!" katwiran niya sa binata. "Magtiwala ka lamang, Jackie. Hindi kita pababayaan," usal nito sa dalaga habang nakatitig pa rin sa mata ng dalaga. Nakaramdam naman ng kakaibang saya si Jackie dahil sa salitang binitawan ng binata. Pakiramdam niya ay kapag kasama niya talaga si Zyros ay nasa mabuting kamay siya. Kaya tumango na lamang siya habang nakatitig din sa mga mata ng binata na tila nangungusap. Maya-maya ay nagsimula na ulit ihakbang ni Zyros ang kanyang mga mata patungo sa medyo malalim na party ng ilog na hanggang baywang lamang ang taas. Pagkatapos ay muling tinitigan si Jackie sa mata. "Handa ka na ba?" "Hmmm," sagot ng dalaga. "Kung gano'n, ipikit mo ang iyong mga mata." Pinikit din ng dalaga ang kanyang mga mata at dahan-dahan na silang lumubog sa tubig. At pakiramdam ni Jackie habang nasa ilalim sila ng tubig ay biglang gumaan ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay biglang nawala ang sakit ng buong katawan niya. Hanggang sa may maaninag siyang tila umiilaw sa ilalim ng tubig. Kaya bahagya niyang idinilat ang kanyang mga mata at kitang-kita niya ang kakaibang ilaw na nasa bandang paa niya. Pakiwari niya ay ito ang nagpawala ng bigat at sakit ng kanyang katawan. Pakiramdam niya rin ay ginagamot nito ang kanyang sugat dahil nararamdaman niya na gumagalaw ang sugat niya sa paa. Makalipas ang ilang sigundo ay umahon na ang binata kasama si Jackie. At nang i-angat ni Jackie ay kanyang paa kung saan banda ang sugat ay laking gulat niya dahil wala na nga ito. "T-totoo nga!" hindi makapaniwalang usal niya sa binata. Napangiti na naman si Zyros dahil kitang-kita niya ang pagkamangha ni Jackie. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito habang naglalakad na sila pabalik sa mababaw na parte. Bumaba na rin kasi ang dalaga dahil nais na niyang subukang maglakad ng hindi na sumasakit ang paa. "Grabi, hindi talaga ako makapaniwala," wika ulit nito. "Kahit sino ba, napapagaling ng ilog na 'yan?" "Hindi, Jackie. Dahil marunong magbasa ng damdamin ang ilog na ito. Kapag mabuti at malinis ang iyong pagkatao ay pagagaling ka niya. Pero kapag madumi ang buo mong pagkatao ay pasakit lamang ang ibibigay niya sa 'yo na maari mong ikamatay." "Talaga? Kung gano'n, malinis ang aking kalooban dahil pinagaling niya ako?" "Gano'n na nga," sagot naman ng binata. Binalingan ng tingin ni Jackie ang tubig at hinawakan niya ito. "Maraming salamat, ha," pagkakausap niya sa tubig. "Pwede ba ulit maligo?" pilyang tanong nito sa tubig. Napangiti naman si Zyros dahil sa tinuran ng dalaga sa tubig. Maya-maya ay nakita na niya na lumalangoy na ang dalaga at tinatawag na siya nito para maligo. Kaya naman ay mabilis na tinanggal ng binata ang suot niyang damit pang-itaas kaya lumabas ang napakaganda nitong katawan na may abs. At nang makita iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang makaramdam ng hiya. Napalunok din siya ng kanyang laway at napakagat ng kanyang pang-ibabang labi. Bahagya din siyang natulala ng mga oras na iyon kaya hindi niya masyadong napansin na nasa harap na niya pala ang binata. Nagulat na lang siya ng bigla itong magsalita sa harap niya. "Okay ka lang ba, Jackie?" Napailing-iling muna siya bago sinagot ang binata. "P-pasensya na," tanging sambit na lamang nito. Napangiti na naman ang binata dahil kakaibang kaba ang nararamdaman ni Jackie. At dinig na dinig niya ito. Alam niyang hindi iyon kaba ng isang takot na puso. "Maligo na tayo," sambit ng dalaga habang napapasulyap pa rin sa abs ng binata. Tumango naman ang binata at sinabuyan niya ng tubig ang dalaga. Kaya gumanti rin ang dalaga kay Zyros. Para silang mga bata na hindi completo ang pagligo sa ilog hangga't hindi nagsasabuyan. Masaya at kapwa nag-eenjoy ang dalawa ng mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD