Chapter 2: Tropa

1362 Words
Muling isinandal ng binata ang kanyang likod sa upuan, saglit niyang nasulyapan ang paninitig sa kanya ng piloto na kanyang bagong hire. Ngumiti ito sa kanya na agad niya namang sinuklian. Maingay ang tunog ng makina ng chopper kaya kung makikipag-usap siya sa piloto ay siguradong hindi rin sila magkakarinigang dalawa. Ipinikit niya ang mga mata, nang lumitaw sa kanyang balintataw ang fiancee ay wala sa sarili siyang napakagat sa kanyang labing bahagyang namumula-mula pa. Hindi na siya makapaghintay na muli itong maikulong sa kanyang mga braso at mahigpit na yakap. Tumagal ng ilang oras bago tuluyang lumapag ang chopper ng binata sa helipad ng isa pang hotel na pag-aari ng kaibigang si Jason, katabi ito ng isa sa pinaka-malaking mall ni Zach. Patalon siyang bumaba, bitbit ang kanyang backpack. Bahagyang nagulo ang kanyang maayos na buhok ng malakas na ihip ng hangin mula sa itaas. Kunot-noo niya iyong inayos, humakbang palayo sa chopper pero agad din siyang lumingon sa mga piloto nito. “May sky diving ako bukas after lunch, ite-text kita kung anong oras tayo aalis.” saad niyang nakatingin sa pilotong nagtanggal na rin ng earmuffs, “Pwede ka munang umuwi sa inyo if you have a relatives here. Ayos lang ba? Anong pangalan mo?” nilakipan niya iyon ng mapagkaibigang ngiti. Ngumiti sa kanya pabalik ang piloto at pumanaog na rin ng chopper, nakauniporme ito na sagisag ng agency na sa kanila ay humahawak. Humakbang siya palapit sa binata. Magka-singtangkad lang ang dalawa, at ang pagiging masculine ay hindi nalalayo sa isa't-isa. “Ayos lang po Sir Giordano,” tugon nitong ngumiti pa lalo sa bago niyang amo, “Tawagin niyo nalang po akong Dens, may pamilya na rin po ako sa Laguna kaya uuwi muna ako." “Alright, Dens, kukunin ko ang number mo sa secretary ko para matawagan kita.” Yumukod ang piloto sa kanya, kagaya ng isa pang piloto nitong kasama. Humakbang na palayo sa kanila ang binata. Tinatalunton na nito ang daan patungong elevator na sarado pa. Sa salamin sa loob ng elevator ay inayos ng binata ang kanyang nagulong ayos ng buhok, nag-spray ng alcohol sa kamay at kapagdaka ay saka pinindot ang button na patungo sa lobby ng hotel. “Bro, we missed you!” Pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ng elevator ay nakita na niya ang buong tropa na matamang naghihintay sa kanyang pagdating. Bagama't nakangiti ay halata pa sa mukha ng mga ito ang puyat at hangover na kanilang pinagdaanan sa nakalipas na buong magdamag. Saglit siyang napanganga sa gulat. “Anong ginagawa niyo dito?!” tanong ng binata na sinipat sila isa-isa, “Hindi ba ang sabi ko--” “Hindi mo ba kami na-miss bro?!” si Maximo na mahigpit na yumakap pa sa kanya, sumunod dito si Roch. “Kasi kami na-miss ka na namin!” Agad napangiwi si Giordano nang maamoy ang alak sa hindi pa nila naliligong katawan. “Bitaw!” masungit niyang saad, “Dadaan muna ako sa condo ng fiancee ko.” ulit niya na bahagyang itinulak palayo sa kanya ang katawan ng kanyang dalawang kaibigan. “Alam namin, hindi ba pwedeng gusto ka lang naming makita?” si Pariston na sabog pa ang buhok katulad ni Roch at Zach, “Oh, nakita na natin siya balik na tayo sa suite ko.” Malakas na humalakhak ang binata sa agaran nitong pagtatampo, padamba niyang inakbayan si Jason at Octavo. “Kayo naman hindi mabiro.” aniya habang patuloy sa pagtawa, “Babawi ako sa inyo mamaya.” “Baka naman mamaya ay umasa lang kami sa'yo,” may himig ng pagtatampo sa tinig ni Zach, “Bukas ka na magpapakita sa amin kung kailan nagmamadali ka ng sumakay ng chopper upang mag sky diving sa kung saang himpapawid Giordano.” “Hindi ah, tutuparin ko ang pangako ko sa inyo mamaya." anitong siguradong-sigurado, "Sige mag bar hopping tayo mamayang gabi at sagot ko na ang lahat ng gastos doon." Malakas silang naghiyawan na bumalot sa kabuohan ng lobby ng hotel, ang mga babaeng napapadaan sa kanilang banda ay hindi pwedeng hindi lilingon sa kanila upang suriin ang kanilang itsura. Karamihan sa mga kaibigan ay naka-short na animo nasa bakasyon, mayroon na silang imbakang cabinet sa suite ni Pariston. In case na magkaayaan silang mag-inom at mag-bar. Asul ang suot na six pocket short ni Octavo, na may partner na puting fitted t-shirt. Sa laki ng kanyang katawan ay bakas na bakas sa suot ang pumuputok niyang pandesal sa tiyan. Ganundin si Roch na itim na short, si Zach na kulay gray, si Jason na light green, at si Pariston na kulay pula. Maliban kay Giordano na siyang bihis na bihis sa kanila ng pang-alis ay si Maximo na naka jogger pants at malaking itim na t-shirt. Bagay na nakasanayan na ng binata sa kaibigan. Hindi na iyon bago pa sa kanyang paningin. Dinumog ng mga kaibigan ang binata na hindi sa kanila nakapaghanda. Walang kahirap-hirap na binuhat siya ng mga ito at pabirong inihagis nang mahina sa ere. Mariing napapikit ang binata sa labis na inis, ngunit hindi niya iyon ipinakita sa mga kaibigang tawang-tawa sa kanyang hitsura na ang turing na sa kanya ay kadugo at kapatid na mula sa ibang magulang. Magkakaiba man sila ng pamilyang pinanggalingan, pinagdugtong naman sila ng relasyon na tinatawag na pagkakaibigan. “Mga walanghiya kayo!” bulalas niya na susuray-suray at muntik ng matumba kung hindi naalalayan agad ni Roch, “Nahihilo pa ako sa biyahe ko sa himpapawid tapos inihagis niyo pa ako sa ere!” Malakas silang muling nagtawanan, animo ang bawat isa sa kanila ay walang mga suliranin na pinagdadaanan. Inalalayan nila ang binatang hindi na halos ma-hitsurahan. Sabog ang buhok na masugid niyang inayos sa salaming dingding ng elevator. Halos matanggal ang suot niyang gray coat. Gusot-gusot na rin ang kanyang puting kamiseta na pang-ilalim, na maingat na plinantsa ng isa sa kanyang kasambahay nang nagdaang gabi. Wala siyang palag, at hina na makapagreklamo pa. “Mahal ka namin Giordano!” bulalas ni Octavo na sinang-ayunan ng mga kasamang kaibigan, “Huwag kang mapipikon dahil mayroon kang lovelife!” ngumisi si Giordano sa kanila. "Oo na, magpapasensiya na ako dahil wala kayong lovelife." diin niya pa sa salitang lovelife. Muli silang nagtawanan na humalay sa maingay ng lobby ng hotel. Walang kahirap-hirap na inalalayan siya ni Pariston at Zach palabas ng lobby ng hotel, patungo sa parking lot kung saan naghihintay sa kanya ang nakaparadang pag-aari niyang white bugatti. Katabi nito ang iba pang mga bugatti na pag-aari ng kanyang mga talipandas na kaibigan. Dito ang safe parking nilang lahat maliban sa parking lot ng malaking mall ni Zach. Dito nila iniiwan ang sasakyan na safe pa rin nilang nababalikan. “Paano?” ang binata na binuksan na ang front door ng kanyang sasakyan, ipinasok sa shotgun seat ang kanyang bag na dala, nakangiti niyang hinarap ang mga kaibigan. “Later nalang mga bro?” Sumakay na siya sa driver seat nito, sumasaludo sa kanila habang isinasara na ang pintuan ng sasakyan. “Hoy, Giordano magpakita ka sa amin mamaya ha?!” si Maximo na kinatok pa ng ilang ulit ang salamin ng bintana ng kanyang sasakyan, “Pasasabugin namin ang resort mo ay hindi iyon maraming madadamay, sisirain nalang namin reputasyon mo hanggang sa mawalan ka ng lovelife!” Walang nagawa ang binata kung hindi ang buksang muli ang pintuan sa mga pinagsasabi nito. “Bakit?” “Siguraduhin mong babalik ka mamaya!” si Octavo na masama na siyang sinusulyapan, “Itatakwil ka namin sa saamahan tingnan mo.” “Oo na nga, treat ko kayo sa bar.” “Aasahan namin iyan!” si Jason na sumandal pa sa gilid ng kanyang sasakyan, “Kaya tuparin mo!” “Oo na, saan ko kayo pupuntahan mamaya?” “Saan pa ba?” si Zach na pinagpapawisan na kakatawa. “Malamang sa suite ni Pariston!” malakas na sigaw ni Roch. “O sige na mga bro,” anang binata at binuhay na ang makina ng kanyang sasakyan, “Mamaya na lang!” sigaw niya pa bago humaharurot na umalis ang kanyang sasakyan sa harapan ng kanyang mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD