Chapter 1: AVIAB Resort

1720 Words
Malakas na tumawa ang binata, nakikisabay sa kabilang linya, sa arko ng kanyang mga kilay ay makikitang nami-miss na rin niya ang mga panahon na sumasabay siyang makipag-inuman sa mga kaibigan. Iyong tipong sama-sama silang tatambay sa suite ni Pariston, lahat ay may hangover kinaumagahan sa kanilang paggising. Magkaka-ayaang kumain sa labas upang magtanggal ng kanilang hangover bago umuwi ng kanilang panandaliang inabandonang tahanan. Kaya lang hindi na niya pwedeng gawin iyon ngayon, kailangan niya ng maging responsable kagaya ng kanyang kapatid. “Dadaan muna ako sa condo unit ng fiancee ko, bago makipagkita sa inyo.” natatawang sambit nito na alam niyang aani at bibigyan nila ng ibang kahulugan, “Pakisabi nalang paggising ni Jason na need ko sa hotel niya ng isang VIP room. Hindi ako uuwi sa amin at nagtungo naman sina Mom at Dad sa Zambales.” “Ayon!” kuro at malakas na sigawan ng kanyang mga kaibigan sa kabilang linya na halatang tuwang-tuwa na sa kanya, “Fiancee! Sana lahat ay kagaya ni Giordano na may fiancee.” muli nilang kurong sigaw. “Mukhang lalangoy muna si Giordano bago tayo puntahan.” si Pariston na prenting naka de-kwatro, nakasampay ang dalawang braso sa likod ng sofang inuupuan, “Lalangoy siya sa pagmamahal.” “Sisisid ba?” sabat ni Roch na malakas na humahalakhak habang umiinom ng kape sa hawak na mug, “Sa madilim na bahagi ng dagat? Ingat ka Giordano.” patuloy itong humahalakhak. “Mukhang maghahanap muna ng perlas ng silangan sa dagat.” si Octavo na nakisali na sa mga kasama, “Ang tindi mo talaga Gior! Proud na proud kami sa'yo." Kumawala sa bibig ng binata ang kakaibang ngisi sa mga pinagsasabi ng kanyang mga barkada. Alam niyang biruan lang iyon na mayroong kakaibang kahulugan sa kanilang bahagyang marumi at nanlalabong isipan. Ganunpaman, ay natatawa pa rin siya sa mga reaksyon ng mga mokong. “Tumigil kayo, mamaya piliin niyang tumira na lang sa ilalim ng madilim at magubat na dagat.” si Maximo na hindi maitago ang tuwa sa mukha, "Mami-miss natin iyan kapag nagkataon." “Galingan mong sumisid, hanapin mo ang perlas sa ilalim ng dagat.” si Zach na mukhang hulas na sa alak, “Sisid lang nang sisid bro!” Pagkakantiyawan ay muli silang malakas na nagtawanan, dahilan upang sumigaw rin nang malakas si Jason na bahagyang naalimpungatan at tuluyan nang nagising nang dahil sa nakakarinding ingay na kanilang ginagawa sa umagang iyon. Pupungas-pungas itong humarap sa banda nila. “Inaantok pa ako, magpatulog naman kayo!” Malakas na humalakhak ang binata na mabilis pinatay na ang tawag. Ayaw niyang makinig sa panenermon ni Jason sa maingay na mga kaibigan sa umagang iyon. Sawang-sawa na siya na dating gumagawa ng mga kalokohang iyon sa kanilang barkada na pinapatulan naman ng iba. “Mga loko.” bulong niya habang binabagtas na ang mabatong daan patungo sa kanyang private chopper, maingay ang tunog nito habang sa kanya ay naghihintay. Ngumiti siya sa sumaludo sa kanyang piloto ng chopper na bago pa lang hire. “Good morning.” tipid na pagbati niya na ikinatango lang ng pilotong sa kanya ay matamang nakatitig pa rin. Walang kahirap-hirap siyang sumampa paakyat dito, inilapag ang backpack na dala sa katabing upuan. Walang imik na isinuot niya ang earmuffs upang maging panangga sa maingay nitong makina. Isinandal niya ang likod sa upuan, pinagsalikop ang dalawang palad na bagong spray ng alcohol. Unti-unti ng tumaas ang chopper. Pinagmasdan niya sa labas ng bintana sa ibaba ang Isla ng resort na kanyang pansamantalang iiwanan. Unti-unti na itong lumiliit sa kanyang paningin, hanggang sa tuluyan niya na itong hindi na makita at maabot ng tingin. Ang resort na ang kanyang naging tahanan magmula ng akuin niya itong aalagaan at pagyayabungin. Sa gitna ng Isla ay matatagpuan ang kanyang tahanan na kanyang ipinundar gamit ang mararangyang mga kagamitan. Sa palibot ng isla ay matatagpuan ang beach resort na araw-araw dinadayo ng maraming mga banyagang turista. Paminsan-minsan ay nami-miss niya ang kapatagan at bukid ng Zambales hanggang s nakasanayan na rin niya ang paninirahan sa lugar. Sanay na siya sa malagkit na tubig alat.  Gamit ang bangka, barko o pribadong sasakyang panghimpapawid ay maaari kang magbakasyon sa resort. High class ito sa high class na ilang beses nang na-feature sa mga documentation ng national TV ng bansa. Ilang beses na rin na naparangalan ang resort niya ng pinakamaganda, pinakamalinis, pinakama-accomodate at friendly na mga staff sa resort sa buong kapuluan ng bansa. Ang asul na asul na dagat na nakapalibot dito at puting buhanginan ang kadalasang dinadayo sa lugar. Idagdag pa ang pagiging maalaga ng mga staff na nag-training ng maayos sa pag-eestima ng mga turista lalo na ng mga dayuhang nagmula sa ibang bansa at sa Espanya na hometown ng kanyang ama. Isa iyon sa naging daan upang lalo pang makilala ang AVIAB Resort na nakadikit na sa pangalan ng binata. Tag-araw man o tag-ulan pareho pa rin ang dami ng kanilang bisita sa resort, wala itong pinipiling buwan. Nang nagdaang taon lang ay nakabili na siya ng iba pang mga Isla at sinimulan niya itong gawing branch. Nagpa-training siya ng mga tapat na staff upang gawing manager ng mga branch ng resort. Hinati-hati niya ang mga tauhan para sa siyam na Isla na kanyang sabay-sabay na binuksan. Madalas rin siyang bumisita doon. Hindi nagtagal ay nag-expand pa siya sa mainland ng resort, hindi kasinglaki ng Isla pero mayroon ding malaking kinikita. At nang dahil doon ay mas lalo pa siyang nakilala. Inabot niya ang diyaryo na naka rolyo pa, binuklat niya iyon at malawak na kusang napangiti nang makita sa front page nito ang kanyang fiancee na isang sikat na isang artista. May prino-promote itong bagong pelikula. Nag sa-side line rin itong magmodelo, at doon sila nagkitang dalawa tatlong taon na ang nakakalipas noong mayroong guesting ang binata sa isang noontime show. Tungkol iyon sa promotion ng kanyang sariling beach resort sa gitna ng tag-araw. Nagbigayan ng numero, kinilala ang isa't-isa, nagdate hanggang sa magkasundo silang maging silang dalawa na dahil gusto rin naman ito ng binata. Pribadong tao si Giordano, kaya naman ang relasyon nilang dalawa ay nanatiling rumor lang kahit may ebidensya pa. “Kailan natin aaminin na may relasyon tayo?” si Chanel ang kanyang nobya, nasa isang fine dining sila okupado ang isang VIP room. “Hindi naman siguro masamang mabalita na magkasintahan tayo.” “Mawawalan ka ng projects, syempre maiilang sila dahil alam na nilang ang kasintahan mo ay bilyonaryo.” pabirong tugon ni Giordano dito. Nakahilig sa kanyang dibdib ang babae, tapos na silang kumain at umiinom nalang sa baso ng kaunting wine. Minsan lang rin sila kung magkita sa loob ng isang buwan dahil pareho silang abala sa career. “Hindi naman siguro,” bulong ng babae na isiniksik pa ang katawan sa maskuladong dibdib ng binata, “Paano kapag naging engage na tayo? Ililihim pa rin ba natin ang relasyon natin sa madla?” “Syempre hindi na, gusto mo na bang maging fiancee ko?” bahagyang kinagat ng binata ang manipis na labi habang nakatitig sa namumulang mukha ng nobya. Mababakas doon ang pagmamahal niya. Umahon sa pagkakasandal ang kanyang nobya, “Kung aalukin mo ako bakit ko naman iyon tatanggihan?” ngiti nitong agad siyang siniil ng mapusok na mga halik."Gusto kong kasama ka saan mo man ako dalhin at piliing manirahan, kahit pa sa malayong Isla iyon." wagas rin ang pagmamahal ng babae sa kanya. "Sige, pag-iisipan ko iyan." bulong ni Giordano at muli siyang hinalikan. Pagkaraan ng isang buwan na paghahanda kasama ng kanyang mga kaibigan ay inalok niya na ang dalaga ng kasal sa rooftop ng JRC Hotel na pag-aari ng kanyang kaibigang si Jason. Itinuloy nila ang kasiyahan ng gabing iyon sa pa libreng cruise ship ni Octavo na akala mo patungo na sila sa honeymoon. Sinagot ni Maximo ang mga wine na kanilang iinumin sa gabing iyon. Sama-sama silang magkakabarkada at ang kanyang fiancee na pinagmasdan ang sinet-up na fireworks ni Zach sa harapan ng kanyang mall na malapit lang sa tabi ng dagat. “Kapag kinasal na kayo mas bongga pa iyon dito.” si Maximo na siyang nagsasalin ng dalang wine sa baso, “Di ba mga bro?” “Tama, baka pakasalan pa ni Giordano ito sa lahat ng branch ng kanyang beach resort.” si Octavo na naiiling pa sa kaibigang may sarili ng mundo kasama ang fiancee nito. Malakas silang nagtawanan na humalay sa medyo malakas na hampas ng hangin. “Bro, anong gusto mong regalo?” si Roch na sumandal pa sa upuan. Nasa roof deck sila ng kakatapos lang na cruise ship ni Octavo. “Di na nila kailangan iyan,” si Pariston na tulalang may malalim na iniisip sa dagat ng mga bituin, “Nasa kanila na ang lahat ng bagay. Wala na silang kakailanganin pa." “Oo nga, wala ng ibang kailangan pa si Giordano sa buhay niya bukod kay Chanel.” si Zach na humahalakhak na naman ng nakakaloko, tila hindi naniniwala ito. “Ganundin naman ako," pagsakay sa kanila ng babae, “Wala na akong ibang kailangan pa at mahihiling bukod ang makasama at makapiling si Giordano.” Malakas silang nagtawanan, kasunod ng maingay na paghalik sa isa't-isa ng hawak nilang baso ng wine. “Oh, huwag kang kiligin diyan kasama mo kami ngayon dito!” si Jason na itinuro pa siya ng hawak na baso, “Nakakalimutan mo na ba Gior?” “Oo nga, kapag kasama mo kami ay bawal kang kiligin!” segunda ni Maximo, “E save mo nalang iyan kapag kayong dalawa nalang ang magkasama." Pabiro silang binato ng binata ng kanyang nilamukos na tissue habang namumula ang mukha. “Huwag niyo akong ipahiya!” bulalas niya na may namumula pa "ring mukha sa mga kasama na pinagtawanan lang siya na parang isang bata. Pagak na tumawa ang binata habang muling nirorolyo ang diyaryo, miss na niyang mayakap at mahalikan ang kanyang fiancee. Dalawang buwan na ang nakakalipas nang huli silang magkita. Sa tawag at video calls lang sila nagkikitang dalawa. Marami itong nakahilerang projects, endorsement at photoshoots. Ganundin ang kanyang mga kaibigan na bagama't sinasadya siya sa resort ay abala rin sa mga buhay nilang alam niyang unti-unti na ng mga itong inaayos para sa kanilang nalalapit na paglilok ng sariling bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD