PART 5

2029 Words
***JELLA*** “Paano niya nalaman ang address mo?” si Eyrna nang pumasok na siya sa bar at sinabi niya rito ang pagpunta ni Ryver sa apartment niya. “Tinatanong pa ba ‘yon? Syempre ginamitan niya ng pera. Walang maitatago ang mga mahihirap sa mga mayayaman,” yamot niyang sagot. Kaysa makisimpatya sa kanyang pagkainis sa Ryver na iyon ay kinikilig naman ang kanyang kaibigan. “Para akong nanonood ng romantic movie. Tapos ang title ay THE POOR AND THE BILLIONAIRE. Ay, kabog ka, sheb!” Inirapan niya ito. “Pinagsasabi mo? Baka mystery crime kamo dahil isa pang pakita niya sa akin ay baka mapatay ko na siya.” Ang lakas ng naging tawa ni Eyrna. “Baliw ka.” “Ang kapal ng mukha na halikan ako. Naku, ‘wag lang siyang magpapakita pa ulit sa akin at baka kung anong magawa ko sa kanya,” wika niya pa. Ang dalawang kamao niya ay nanggigil sa pakakamao kasabay nang pagngingit ng kanyang mga ngipin. Umuusok ang kanyang ilong. “Weh, baka naman drama mo lang ‘yan? Kasi dapat napatay mo na siya pagkatapos na pagkatapos ka niyang halikan kung totoo ka,” kantiyaw sa kanya ni Eyrna. “Hulaan ko. Natigilan ka sa kinatatayuan mo, ‘no? Kasi nasarapan ka?” Tapos ay tinusok pa ang kanyang tagiliran. Nakangiti niyang iniiwas ang katawan sa kiliti. “Sinasabi mo d’yan?” Malutong ulit ang naging tawa ni Eyrna. Nadidismaya man sa inaasal ng kaibigan ay natatawang tinulak niya ito sa braso. Nadadala siya sa mga tawa nito. “Jella, may costumer ka sa VIP 8.” Natigil sila sa harutan ni Eyrna nang bumungad ang inutusang waiter sa pinto ng dressing room. “Ryver ba ang pangalan?” inunahan siyang tanong ni Eyrna. “Ewan. Pero foreigner.” Dinilaan niya ang kaibigan. Wala man silang pustahan ay wari ba’y natalo niya ito. “Kung foreigner iyon ay malamang ilalabas ka niya.” “Okay lang nang mas makarami ng datong. Gusto kong lumipat ng apartment,” seryosong aniya. Kinalkal na niya ang drawer niya. Kinuha niya ang mga paborito niyang mga makeup. Gusto niyang magpaganda bago niya puntahan ang kanyang VIP costumer. “At bakit ka lilipat?” “Ayoko nang makita ang lalaking iyon.” “As if naman na matataguan mo ang isang tulad niya?” “At least makikita niya na gumagawa ako ng paraan para iwasan siya.” Napalabi si Eyrna. “Ibig sabihin niyan ay wala na talagang pag-asa sa inyo?” “Bruha ka! Sino bang nagsabi kasing meron? Eh, pinuntahan lang naman niya ako para kuning tutor ng mistress niya raw. Hindi naman nakikipagbalikan iyong tao,” matabang niyang sabi. “Malay mo dahilan lang niya iyon?” giit pa rin ni Eyrna sa gustong mangyari. Kung paanong kinikilig ito sa kanila ni Ryver ay hindi niya alam. Gayong simula naging kaibigan niya ito at ni Rucia ay puros kasamaan naman tungkol kay Ryver ang bukang-bibig niya. “Alam mo...” Kinuha ni Jella ang lipstick tapos ay makulit na inilipstick niya sa bibig ni Eyrna. “Mag-lipstick ka para mawala ang pagkapasmado niyang bibig mo. Kung anu-ano tuloy ang nasasabi.” Nagtatawang umiwas-iwas si Eyrna. Nagtitili. Pero hindi niya tinantanan. Nagharutan ulit sila. “Aisstt! Ang dugyot naman, eh!” himutok ni Eyrna pagkatapos. Iirap-irap sa kanya na nagpupunas ng wet wipes sa bibig. “Napapala mo,” irap niya. “Bukas nga pala pupunta ako sa mall kung saan nakita natin si Rucia. Susubukan ko ulit na tyempuhan siya roon,” pagkuwan ay pag-iiba niya sa usapan. “Ikaw na lang. Kung ayaw magpakita ng bruha na iyon sa atin ay bahala siya,” nagtatampo sa isa nilang kaibigan na sagot ni Eyrna. “Huwag kang ganyan. Kilala mo si Rucia, hindi tayo matitiis niyon kung walang mabigat na dahilan.” Nagkibit-balikat na lang si Eyrna ukol doon. “Sa labas lang ako. Baka this time ay makatyempo ako ng hindi kuripot. Sila na lang ang hunting-in ko kaysa kay Rucia.” Bago pa man siya makapagsalita upang ipagtanggol si Rucia ay nagmamadaling nang lumakad palabas ng dressing room si Eyrna. Naiiling na lamang siya nang mapag-isa siya roon. At kung kanina ay si Rucia ang tinatakbo ng isipan niya, ngayon ay si Ryver na. Bakit nga kaya hinalikan siya kanina ni Ryver? At bakit ba siya ang gustong-gusto nitong maging tutor ng kabit nito? Ano ang totoong motibo ng lalaking iyon? Matagal na nagkatitigan siya sa kanyang replesyon sa salamin. Naalala niya ang mga nakaraan nila ni Ryver. …Nahinto sa pag-e-erase sa whiteboard ang second year high school na si Jella nang sa sulok ng mga mata’y nakita niya ang pagpasok ng transferee nilang kaklase na si Ryver Raveza. At napasimangot siya dahil hndi man lang siya pinansin. Diretso ito sa mga upuan. Umikot ang kanyang eyeballs. Paano’y napepreskuhan siya sa bagong kaklase. Porke may hitsura at balitang anak mayaman ay akala mo kung sinong suplado. Laging tahimik sa sulok nitong upuan at nakasimangot. Ni ayaw makisalamuha. “You need help?” ang hindi niya inasahan ay boses nito na kanyang maririnig. Bata pa lang pero may pagka-husky na ang boses. Tinapunan ni Jella ng tingin ang bagong kaklase. At dapat ay ngingitian niya ito. “Baka hindi mo maabot ang taas kasi ang pandak mo,” ngunit ay dahil sabi pa ni Ryver ay naningkit ang kanyang mga mata kaysa ang ngumiti. “No thanks. Hindi ko kailangan ang tulong ng matangkad na tulad mo pero parang kawayan naman,” tapos ay pambubuska niya na rin. Sayang nga lang at hindi niya nakita kung effective ba dahil tinalikuran niya agad ito upang ituloy ang pagbubura sa whiteboard. Gayunman ay napapangisi siya. Akala siguro ng mukong ay papatalo siya sa asaran. Neknek niya! Anong gulat nga lang niya nang biglang may matangkad na umagaw sa hawak niyang eraser at ginawa ang pambubura sa mataas na bahagi ng whiteboard. “Pwede ba—" pagtataray niya dapat. Ngunit sa kanyang paglingon ay matipunong dibdib ang kanyang nabungaran. Natigilan siya sa pabangong sumamyo sa kanyang ilong. Nagustuhan niya. Tumayo nga yata lahat ang mga balahibong puso niya sa katawan. Lalo pa siyang natigilan nang tumaas ang tingin niya dahil ang guwapong mukha ni Ryver ang nasilayan niya. Malaya niyang napagmasdan ang tumataas-babang adam’s apple nito. Baba na ni maliit na buhok ay wala pang tumutubo. Ilong na tama lang ang pagkakatangos at pilikmata na daig pa ang ilang pilikmata ng ilang babaeng kaklase nila. “Done,” saglit ay sabi ni Ryver. Bumaba ang tingin nito sa kanya dahilan para magkatitigan sila. Naputol nga lang agad ang moment nilang iyon nang isang kaklase nilang lalaki ang dumating. Mabilis silang umayos pero huli na dahil nakita ng kaklase nilang iyon ang awkward moment nilang iyon. “T-thank you,” nauutal niyang sabi. “Sorry,” sabi rin nito at tipid na ngumiti bago iniabot sa kanya ang eraser at saka parang wala lang na bumalik sa upuan. Since then, parang sinasadya na nilang dalawa na parehas maagang pumasok. Minsan ay siya ang nauuna at karamihan ay si Ryver. Inuunahan siyang magbura ng whiteboard. At nang makuha nila ang loob ng isa’t isa ay naging magkaibigan na sila… Ang pagdatingan ng mga kasama nila sa bar ang siyang nagpabalik kay Jella sa kasalukuyan. “At bakit nakangiti kang mag-isa, girl?” puna sa kanya ng isa. Si Nanezze. “Huh?” gulat siya. “Nakangiti ba ako? Hindi naman, ah?” “Nakangiti ka, girl,” giit ni Nanezze bago tinungo ang pwesto. “Naku, girl, mahirap sa trabaho natin ang ma-in love. Masasaktan ka lang dahil walang lalaking seseryoso sa tulad nating marurumi,” natatawang sabi sa kanya naman ng isa. Hindi na siya kumuntra. Sumasang-ayon siya sa walang lalaking seseryoso sa kanila. Isa pa ay alam naman niyang hindi rin siya paniniwalaan kung sasabihin niya na hindi siya in love. Kakantiyawan lang siya lalo. At saka siya, ma-i-in-love? Hindi na iyon mangyayari. Sapat na si Deann na lalaki sa buhay niya. Para tuluyang makaiwas sa panunukso ay nagpasya na siyang puntahan ang costumer niya sa VIP room kahit na hindi na niya naayos maigi ang kanyang mukha. Ngunit ay kahit sa kanyang paglabas ay napapaisip pa rin siya kung nakangiti nga siya kanina. Nakangiti niyang inaalala ang nakaraan nila ni Ryver? Imposible. Dahil kung OO ay ngayon lang na hindi siya nainibugho sa mga ala-ala niya sa animal na iyon. Sa nakalipas na sampung taon ay kulang na lang ay dukutin niya ang kanyang utak kapag naalala niya si Ryver. Kung mayaman nga siguro siya ay nagpa-surgery siya ng utak kahit hindi kailangan para lang maalis ang ala-ala nila ni Ryver. Hindi niya kasi maiwasang manibugho sa tuwina na nagbabalik siya sa nakaraan. Kung kaya nakapagtataka naman talaga ang sinabi ni Nanezze na nakangiti siya. She was totally confused. “Pasok na, Jella. Kanina ka pa nakatayo riyan. Baka mainip ang costumer mo. Mukhang galante pa naman,” nagulat siya nang biglang boses ng kanilang manager sa kanyang likuran. “Sorry, mama,” nahiyang aniya. Mabilis na mama ang tawag nila rito. Isang bakla ito na mataba at may edad na rin. Laging may scarf na nakapulupot sa leeg. “Galingan mo,” anitong may ngiti sa labi. Even her rheumy eyes were smiling. Tumango siya habang nakangiti rin. Isang tapik sa balikat ang iginawad nito sa kanya bago siya iniwan. Inhale-exhale siya bago siya pumasok na nga sa number 8 na VIP room. “Here you are, baby,” salubong sa kanya ng maputi na foreigner. At doon pa lang ay may nangyari na sa kanila. Kulang na lang ay mabilaukan siya sa haba ng etits nito. Pero okay lang dahil ang kapalit naman niyon ay makapal na dolyares. Iyon pa lang ay naisip na niyang puwede na siyang lumipat ng apartment anytime. Maiiwasan na niya agad ang depungal na Ryver na iyon. Nasilaw agad siya sa pera kaya nang niyaya siya nito na sa labas naman sila magpakasaya ay pumayag siya. Hindi nga lang niya inasahan na mala-red room pala sa isang villa ang pagdadalahan sa kanya. “Aaaahhh!” hiyaw niya bawat hagupit ng latigo sa kanyang katawan. “Tama na!” tapos ay nakikiusap niyang sigaw. Umiiyak na siya. Pinakasadista sa sadista pa pala ang puti na nasamahan niya ngayon. Kulang na lang ay mawalan na siya ng malay sa pagpapahirap nito sa kanya. Iba’t ibang gamit sa pakikipagtalik ang ginamit nito sa kanya. “Aaahhhh!” mas malakas na palahaw niya nang idampi sa kanyang likuran ang upos ng sigarilyo naman. Namilipit talaga siya sakit. “Ayoko na! Ayoko na! Demonyo ka!” Tinulak niya ang foreigner nang magkaroon siya konti ng lakas. Tumakbo siya sa may pinto nang makaalpas. Sa kasamaang palad ay hindi naman niya mabuksan dahil nakakandado. “What the—“ Hinablot ng foreigner ang kanyang buhok at pabalibag na binalik sa kama. Dinaganan siya ulit. Wala naman siyang magawa nang pagsawaan ang kanyang katawan sa marahas na paraan. Nang may kumislap na bagay na kanyang nakita. Kutsilyo sa ibabaw ng side table. Nansilakbot siya. Bakit may kutsilyo? Balak ba siyang patayin nito pagkatapos paglaruan? Tulad ng mga nangyari sa iba nilang mga kasama sa bar at sa ibang bar na sinasabi lang nila na minalas? Nang natapos at pagod na ibinagsak ng foreigner ang katawan sa kama ay mabilis na niyang kinuha ang kutsilyo. Hindi siya papayag na siya ang mamamatay rito. “Sh*t!” Sa kasamaang palad ay nakita iyon ng foreigner. Tumili siya nang pilit na kinukuha sa kamay niya ang kutsilyo. Nagpambuno sila. Awa ng Diyos ay sa tiyan ng foreigner tumarak ang kutsilyo, hindi sa kanya. Nanginginig na umalis siya sa kama. Binalot niya ng kumot ang hubad na katawan. At natutop niya ang kanyang bunganga nang makita niya ang madaming dugo. Sa kung papaanong paraan ay pabalibag na bumukas ang pinto. “Jella!” tapos ay boses ni Ryver. Tinakbo siya nito’t niyakap. Ang dalawang tauhan nito ang tumingin sa foreigner. “Ryver...” Takot na takot niyang sinubsob ang mukha sa matiponong dibdib sa dating nobyo. Doon ay umiyak siya nang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD