***** JELLA ***** NAIBSAN ang lamig na nararamdaman ni Jella nang sa wakas ay nakababa na sila sa chopper dahil nakarating na sila sa villa. “Tanggalin mo na ito,” utos na naman niya kay Ryver. “Hayaan mo muna ‘yan diyan. Nasisiyahan akong makita na nasa leeg mo siya.” Muli ay inirapan niya ito nang sobrang singkit. Hindi niya alam kung anong trip nito. Walang pakialam sa fifteen million, eh. Hanggang sa napa-‘Sana All’ na lang siya. Sana all madaming pera. “Halla!” At anong gulat niya nang umangat ang chopper paalis. “Hindi ka pa nakakasakay, ah? Aalis na?” “Dahil hindi naman ako sasama,” prenteng saad ni Ryver. Sinaluduhan pa ang piloto. “Hindi ka uuwi? Bakit?” Pinamulsa ni Ryver ang dalawang kamay. “Dito muna ako sa villa.” “Ano?” Halos magsalubong ang dalawang kilay niya. N