***** LOVI ***** “AAAHHH!!” naging palahaw ni Jig nang kagatin ni Lovi ang braso nito. Sa unang pagkakataon ay hindi naging mabait si Lovi sa binatang bodyguard ni Ryver nang ayaw siyang palabasin sa kanyang kuwarto kahit na sinabi niyang maayos na ang kanyang pakiramdam. Nagising siya kanina dahil sa ingay ng chopper na dumating. At agad na naalala niya ang dapat ay lakad nila ni Ryver. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya sa wall clock ang oras. Alas tress na raw ng madaling araw kaya nagkukumahog siyang bumangon. Subalit ang bantay niyang si Jig ay naging istrikto sa may pintuan. Bantay sarado sa kanya. Kahit anong pakiusap niyang hayaan siyang lumabas ay matigas pa rin ang paninindigan na sundin anag utos daw ni Ryver. Sumingasing ang ilong niya na tila toro nang nainis na