PART 3

2030 Words
***JELLA*** “Bakit ka napadpad sa lugar na ito?” tanong sa kanya ni Ryver. Kung bakit tinanong pa ang bagay na iyon kahit halata naman kung ano ang kanyang dahilan – syempre pera—ay hindi makita sa ekspresyon ng mukha nito. Blangko ang mukha ni Ryver habang nakatitig sa kanya. Tumaas ang isang kilay ni Jella. “Wala lang. Trip ko lang,” at saka parang tamad na tamad niyang sagot. “Nice trip kung gano’n. Trip ng taong walang isip,” nakangiting patol ni Ryver. “Oh, eh, di kayo na ang may isip. Kayo na ang magagaling na ang tingin sa amin na mga nagtatrabaho sa bar ay walang isip.” Kaysa depensahan din ang sinabi ay kinuha ni Ryver ang wine glass at sumimsim. Nagpakawala naman si Jella ng malalim na buntong-hininga. Pagkuwan ay hinubad niya ang kanyang coat. “Ano bang sadya mo rito? Kung s*x ang sadya mo ay umpisahan na natin nang matapos tayo agad. Baka may customer pa akong susunod sa ’yo.” “Dammit, Jella!” bigla nga lang naimura ni Ryver. “Huwag mo akong minumura-mura dahil hindi kita suki! At lalong hindi mo ako pinapakain!” babala niya rito. “Magkano ba ang kinikita mo rito?” “Bakit? Tatapatan mo?” hamon niya. “What if I say yes?” ngunit diretsahang sagot nito. Naglaban ang kanilang mga palaban na tingin. Bigla ay para silang naglalaro ng unang-kukurap-patay. Saglit ay ngumiti na si Ryver. Sadyang nagpatalo. “Jig,” at sa isang tawag nito ng pangalan ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang tauhan nito. May iniabot ang tauhan kay Ryver na brown envelop tapos lumabas din. Naglipat-lipat ang tingin ni Jella sa mukha ni Ryver at sa envelop. Pati envelop ay halatang mamahalin. Kulay itim na may sealed na kulay ginto. Hindi iyong ordinaryong envelop na nabibili sa store. Pagkatapos silipin ang laman ng envelop ay inilapag ni Ryver iyon sa kanyang harapan. “Ano ‘to?” She made a face. Wala siyang balak kunin iyon. Hindi siya interesado kung anong laman niyon. Mas interasado pa siyang malaman kung magkano ang presyo ng envelop. Kung mamahalin ba o mukha lang. “I have an offer for you,” seryosong sagot nito. Tinaasan lang niya ng kilay ang sinabi nito. “Umalis ka na rito. Magtrabaho ka sa akin, Jella,” dugtong ni Ryver. “Nasa envelop na iyan kung anong magiging trabaho mo.” Nagsalubong naman ngayon ang mga kilay niya. “Anong sinasabi mo? Hindi mo ba alam na hindi ako nakatapos ng High School?” “Alam ko.” “Iyon naman pala. Eh, anong kalokohan ito?” Dinampot niya ang envelop at bastos na tinapon niya sa may dibdib ng kausap. Hinayaan lang ni Ryver na mahulog sa sahig ang envelop. Napahimas ito ng bagong shave na baba. “Kung ayaw mo naman pala akong kalaro sa kama ay aalis na ako. Sinasayang mo lang ang oras ko,” sabi niya nang hindi na ito nagsalita. “Kailangan ko bang ulit-ulitin na hindi ka puwedeng umalis dahil bayad na kita? Gusto mo bang ipasara ko ang bar na ito kapag ako nainis ako sa ’yo? You know I can do it, don't you?” Napasinghap siya sa sinabing iyon ni Ryver. Ang yabang ng animal! “Ano ba kasi iyon?” naiinis man ay tanong niya na sinamahan ng buntong-hininga. Dinampot ni Ryver ang envelop at muling iniabot sa kanya. “The contract.” “Contract agad? Agad-agad?” nagulat niyang reaksyon. “I am a businessman, Jella. Sa mga ganitong bagay ay mabilis ako,” nakangising tugon nito. Inirapan niya ito. At kahit ayaw man ay napilitan niyang tiningnan ang laman ng envelop. Ang una niyang nabasa ay ang word na AGREEMENT na naka-bold ang font. “Anong kalokohan ito?!” protesta na niya nang marating na ng kanyang basa ang gagawin niya kapag tinanggap niya ang trabahong inaalok ni Ryver. “I am willing to pay you five times your current earnings at this bar in exchange for tutoring Lovi Make her an expert mistress just like you. Not just in bed but all aspect,” paliwanag nito. “Baliw ka ba?” singhal niya. Nagkibit ng mga balikat si Ryver at napalabi. “Kung kabaliwan ang tawag mo sa offer ko ay siguro nga.” “G*go!” mabilis na lumabas sa kanyang bibig. Sa pangalawang pagkakataon ay naibato niya sa kaharap ang envelop kasabay nang pagtulak ng puwet niya sa kinauupuan at tumayo. Sinuot ang kanyang coat saka pa-marchang tinungo niya ang pinto. “Jella, wait!” Nga lang ay mabilis na naabutan siya ni Ryver. Humarang ito. “You don’t understand. Bumalik tayo sa upuan at ipapaliwanag ko sa iyong maigi.” “Padaanin mo ako kung ayaw mong masaktan,” banta niya. “Pwede ba, Jella!” “Isa!” “Maayos ang trabahong inaalok ko sa ’yo kaysa ang trabaho mo rito kaya sana calm yourself and listen to me,” giit ni Ryver. “At paanong maayos na trabaho ang magturo sa kabit mo? T*rantado ka pala, eh!” Tumaas na talaga ang kanyang boses. “Kaysa naman nagh*h*bad ka rito at kung sinu-sinong lalaki ang—“ Hindi naituloy ni Ryver ang sinasabi dahil pinatikim na niya ito ng kanyang malakas na suntok. Sapol ito sa panga. “F*ck!” At wala siyang pakialam. Dire-diretso siya ng labas. Nagtaka sa kanya ang dalawang tauhan ni Ryver. “Tawag kayo ng boss niyo,” pilyang sabi niya sa mga ito. Nagmamadaling pumasok nga ang dalawa. Iyon ang sinamantala niya. Kumaripas na siya ng takbo pababa. “Hoy! Bumalik ka!” umabot sa pandinig niyang tawag sa kanya ng mga tauhan ni Ryver. “Yay!” Mas mabilis na niyang tinalunton ang hagdanan. Na-realize na niya ang consequence ng kanyang ginawa. May kaunting takot na siyang naramdaman. Pinaalala ng isip niya na sampung taon nga pa lang hindi niya nakita, nakausap, at nakasama si Ryver. Paano kung iba na pala ito sa Ryver Raveza na kilala niya noon? Paano kung papatulan siya kasi demonyo na ito dahil bilyonaryo na? Kasalanan naman niya, eh. Ano bang klaseng offer iyon? Parang tanga lang? Ano iyong kabit nito sampung taong gulang para turuan niya? Kagigil! ‘Kahit na. Sana hindi mo pa rin sinuntok,’ sabi sa kanya ng kanyang konsensya. Sumang-ayon naman siya. Pero wala na siyang magagawa, nasuntok na niya. Kabadong luminga-linga siya sa paligid nang makababa siya may dance floor. Naghanap siya ng matataguan. Nakita niya ang counter pero malamang mahahanap siya agad kung doon siya magtatago. Nakita niya ang papunta CR, hindi rin puwede. Mas masusukol siya roon. Naisip niya ring umalis ng bar pero nag-alangan din siya. Mas delikado ‘pag sa labas siya mahuhuli. “This song is dedicated to all of you,” malambing na boses ni Eyrna. Kakanta pala ulit ang kanyang kaibigan. Woohs and yeehs were heard from among the crowd. Ang ingay. Mabenta talaga ang boses ni Eyrna sa mga parokyano nila. Nagsimulang gumiling sa entablado ang kanyang kaibigan habang kumakanta. Kasabay nang pag-ilaw ng bombilya sa tuktok ni Jella. May alam na siyang paraan para hindi siya masakote ng tauhan ni Ryver. Paglingon niya sa kanyang likuran ay hayan na nga ang dalawang lalaki. Yay! Mabilis siyang tumakbo at umakyat sa may entablado. Takang-taka si Eyrna, lalo na nang nagsayaw siya. Lalong naging wild ang mga kalalakihan dahil nagtanggal agad siya ng kanyang coat. Naka-two-piece bikina siya na nagsasayaw. Tapos ay yumakap siya kay Eyrna mula sa likod. Ginilingan niya ang kaibigan. Naghiyawan ang mga lalaki nang ipasok niya ang kamay sa loob ng bikini ni Eyrna. Mabuti na lamang at alam din ni Eyrna ang ginagawa. Kahit napakislot ito sa una ay nakabawi naman agad. Kunwari ay feel na feel na nito ang kanyang ginawa. Tumingala ito habang kumakanta. Ang hitsura na ni Eyrna ay animo’y sarap na sarap. “Anong ginagawa mo?” pasimpleng tanong sa kanya nito nang nag-interlude ang kinakanta nito. Inalis sa bibig ang mic at hinarap siya. Magkaharap na sila na sumasayaw ng pa-sexy. Idinantay ni Eyrna ang kamay nito sa leeg niya. Ginawa nila womance sexy dance na noo’y gawain nila ni Rucia. Kung ang lalaki ay bromance, womance naman sa babae. “Mamaya na ako magpapaliwanag. Sumabay ka na lang,” aniya. Kumanta ulit si Eyrna. Sa audience naman ito humarap. Habang siya ay panay ang tingin sa dalawang lalaki. Nasa gitna na nila si Ryver. Kay sama ng tingin sa kanya. Palalim na tingin. Mala-demonyo. Muntik nang mawala sa kanyang sinasayaw si Jella. Naginhawaan lang siya nang bigla ay tumalikod na si Ryver at lumakad palabas. Sumunod ang mga tauhan nito. “Ano ‘yon?” galit ang hitsura na tanong sa kanya ni Eyrna nang natapos sila at papasok na sa dressing room. “Binigla mo ako.” “Sorry,” tipid niyang hingi ng paumanhin. Nanlupaypay siyang umupo sa kanyang trono doon sa may malawak na vanity mirror. “May nangyari ba?” Hinalukipkipan siya ng kaibigan. Tumango siya. “Napakatireble. Teka may alam ka bang trabaho kung sakali na mapasara itong Pegasus?” “Ano? Magsasara itong bar? Sinong may sabi sa ’yo?” over reacting ng kaibigan. “Ang sabi ko ay kung sakali mapapasara.” “Eh, bakit nga magsasara kung sakali. Ano bang nangyari?” Napakagat-labi siya. Seryosong may ilang sandaling nakipagtitigan siya sa kanyang repleksyon sa salamin. Kita agad sa mukha niya ang stress. “Hoy, sheb, ano nga?” kalabit sa kanya ni Eyrna. Wari ba’y nagsulputan ang mga kuto sa kanyang ulo sa klase ng kanyang pagkamot. Nagulo-gulo talaga ang kanyang buhok. “May problema ba?” tanong pa sa kanya ni Eyrna nang hindi pa rin siya kumibo. “Si Ryver ang nasa VIP kanina,” sabi na niya. “Eh, ano naman ngayon kung si Ryver ang nasa VIP? Bakit naman mapapasara ang bar dahil sa costumer na — biglang tigil sa sinasabi si Eyrna. Naalala na kung sino ang Ryver na pinag-uusapan nila. Pagkuwan ay lumaki ang mga mata. “Sinabi mo bang Ryver? As in Ryver Raveza?” Tumango siya. “Ryver na may-ari ng Lofty?” Tumango ulit siya. “Ryver na Ex mo?” Para ba’y masakit sa tainga ang sinabi na iyon ni Eyrna dahil napangiwi siya. “Luh! Seryoso? Pinuntahan ka rito ng ex mo after ten years?” Hindi na talaga makapaniwala si Eyrna. Gayunman ay may halong kilig na iyon. “Oo,” matabang niyang sagot. “Bakit daw? I mean, bakit siya nagpunta rito?” Umikot ang kanyang mga eyeballs bago niya sinabi ang offer ni Ryver sa kanya. Nagtatawa si Eyrna pagkatapos. “Oh, ‘di ba? Parang tanga lang?" Sumasang-ayong tumango si Eyrna. “Ano ba iyong kabit niya? Ten years old na dapat mong turuan?” “Ewan ko ro’n,” mahaba ang nguso niyang saad. Animo’y may pagkain sa kanyang bunganga na hindi niya malasahan. Natawa na naman si Eyrna. “Tutor paano maging kabit? Ayos, ah. May work na palang gano’n?” “Nakakainis ‘di ba? Magpapakita lang para sa offer na ganoon? Anong akala niya sa akin desperada para magturo sa mga kabit? Anong akala niya gusto ko na ganito ako? Isang dakilang mang-aagaw ng asawa?” “Ang tanong magkano naman daw ang isasahod sa ’yo?” “Hindi ko na tinatanong. Na-highblood ako agad, eh. Hindi naman ako interasado," pagsisinungaling niya dahil baka 'pag nalaman na five times sa kinikita niya sa bar ang offer ni Ryver ay ipagtulakan siya ng kaibigan. “Kung gano’n naman pala ay di hayaan mo na. Chillax ka na. Baka ma-highblood ka riyan ng totoo. Ayokong magdala ng pasyente sa ospital sa ganitong oras.” Gustuhin man niyang sundin ang kaibigan ay hindi niya magawa. Sa halip ay umasim ulit ang kanyang mukha. “Sana lang talaga ay hindi niya ipapasara ang bar.” “Hindi ‘yon mangyayari. Malamang ay panakot lang niya ‘yon.” “Kaso ano, eh...” “Anong kaso?” “Kaso sinuntok ko siya, sheb.” Ang lakas ng, “Ano?!” ni Eyrna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD