I felt guilty after that incident. Everything got messed up after that. Zaimon got beaten up by Tito Klintton’s men, and Dane got grounded. I couldn’t even contact her. I was worried and I felt guilty for everything. But . . . I know I don’t have a fault because I didn’t tell her parents where they really but still I feel like I betrayed her just by telling them I was with her before she left San Jose.
Kinabukasan ay nabalitaan kong nasa hospital si Zaimon. I immediately went there without my parent’s knowledge. Nanlalamig ang sistema ko habang papalapit sa room ni Zaimon. I saw her sister with someone I am familiar with. Hindi ko na nga lang pinansin ang tahip ng aking puso habang papalapit.
“Candice,” I called Zaimon’s sister as I went near them.
Napatingin siya sa akin, kasama na rin ang pagbaling ng lalaking kasama niya. Napalunok ako at hindi pinansin ang lalaki dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni Zaimon. He’s a friend, too. At kilala naman ako ng kapatid niya dahil sa anak ako ng Gobernador dito sa lugar namin.
“Ate . . . Vea, bakit po kayo nandito?” she asked as she lingered her gaze at me.
I felt cold when someone’s eyes stare at me. I shivered but I still managed to act calm. This is my talent, to act professionally.
“K-Kumusta si Zaimon? Hindi ko ma-contact si Dane. I’m sorry for what happened. I really am sorry.” I said, almost begging.
She smiled sadly at me, “ayos lang, Ate Vea. Uh . . . nasa loob si Kuya kasama sina Mama at Papa. Nagpapahinga na siya at naagapan na rin naman ang mga sugat niya.” aniya sa isang maliit at mahinang boses.
“Did you already contact Dane?”
Umiling siya at pagod at malungkot na nakatingin sa akin.
“Hindi po. Hindi kami pinapahawak ni Mama ng gadget kaya hindi namin magawang kontakin si Ate Dane. Gusto ko siyang tawagan para kumustahin pero wala, e.” malungkot siyang nakatingin sa akin.
“I’m sorry, hindi ko rin siya matawagan. Gusto ko siyang puntahan pero nagagalit sa akin ang parents ko dahil sa nangyari.”
I stayed there for a while, not entering the room and just waiting outside. Nakatayo lang ako hindi kalayuan sa pintuan habang nakatingin sa kawalan. Nakatanggap ako ng tawag sa kapatid ko at hinahanap ako ni Mommy, ang sinabi ko na lang ay may pinuntahan ako para bumili ng gamit. He bought that, though.
“You look so guilty,” a cold baritone voice made me back in reality. Napabaling ako sa pinanggalingan at tiningnan siya.
“Yes, I am. Hindi ko naman din inaasahang ganito ang mangyayari sa kaniya.” Yumuko ako at malungkot na bumuntong hininga.
“You shouldn’t. You’re not the one who committed on that mistakes, they are. Kaya h’wag mong sisihin ang sarili mo. They’re at fault since then.”
Hindi ko alam kung pinapagaan niya ang loob ko o ano pero hindi ko na lang inintindi ‘yon. Mas inuna ko pa ang pagpuna sa panlalaki niyang bango at ang mabilis na pagpintig ng puso ko.
I sighed heavily before looking up at him. Nakatitig siya sa akin at hindi ko alam kung ano na ngayon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay anytime bigla na lang aalis ang kaluluwa ko at iiwan ako rito.
“I just feel like . . . I betrayed my best friend and a close friend,” I look up at him and smile sadly. “Kung siguro naging mas maingat lang kami, baka hindi nangyari ‘to.” Nanunubig ang gilid ng mga mata ko pero nag-iwas ako ng tingin para mawala ang panunubig no’n.
“It’s not your fault if Dane’s parents found out about their relationship. They’re also careless about their so-called-secret relationship. It is supposed to be secret yet their dating publicly. And in the plantation,” naiiling na sambit niya.
Huminga ako ng malalim, “my best friend is in chaos now. I don’t know what to do because my parents doesn’t want me to visit her and even contact her. My phone is also . . . confiscated by mom. Because she’s too furious of what happened.”
“Why are you here, then?” he asked slowly.
Huminga ako ng malalim, “maniniwala ka ba kapag sinabi kong . . . tumakas ako?” I then chuckled without humor. “Of course, hindi. Unang kita mo pa lang sa akin, iritado ka na, e. Baka iniisip mo pang ginagawa ko itong dahilan para lang makita kita.” I look at him and saw how amused he is right now.
“You’re thinking too much.” naiiling niyang sambit.
Natahimik na lang ako. I want so badly to talk to him more but I know he doesn’t like talking much. I bit my lower lip and for minutes, we stayed silent.
Our silence broke when my spare phone rang for a call. Kinakabahan ko iyong kinuha at nakita ang pangalan ni Mommy doon. Mariin akong napapikit at binalingan si Blade na nakamasid lang din sa akin.
“I . . . I have to go now, pakisabi na lang kay Candice.” Hindi na ako nakapagsalita pa nang maayos hanggang sa makalayo na ako roon.
Nang palapit na ako sa elevator ay saka ko sinagot ang tawag ni Mommy.
“Where the hell are you, Veatrice?!” bungad niya sa akin.
“Uh . . . ma-may dinaanan lang ako, my. Uhm, ba-babalik na po ako. I'm sorry, hindi po ako nakapagpaalam.” I answered as went inside the elevator.
“Bilisan mo at pupunta tayo ngayon sa Manila! And oh, your best friend is leaving, anyway. Wala ka nang dahilan para pumunta pa sa kung saan.” Natulos ako sa pagkakatayo at hindi agad nakapag-react sa sinabi niya.
“What? Mom, w-what do you mean po?”
“I just heard from Donilla that Dane is leaving Cebu and is going to America? I don’t know, I forgot the country. Anyway, bilisan mo.” Then she ended the call.
I tried to call Dane but I can reach her. Then I called her sister, but she didn’t answer the call. Gusto ko siyang puntahan. Pero nakagapos din ako sa kamay ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pupuntahan.
Days had passed, and I heard she went to Canada. I can’t call her, because she’s always out of coverage area. And her social media were all already deactivated. Ate Kate informed me she’s fine. But I can’t just be at peace on that. Sinabi ni Ate Kate na susunod sila ng fiancee niya sa Canada para samahan si Dane. And I have also decided to go there, to be with her. I have an offer abroad, in Canada. Pero sa susunod pang dalawang taon iyon. I could visit her every semestral break, or vacation, holidays. I don’t want her to feel alone.
“Dito lang po muna ako, Manong. Sunduin niyo na lang po ako kapag nag-text ako.” sambit ko sa driver.
“Sige, i-text mo lang ako dahil wala naman akong ibang gagawin.”
Nagpasalamat ako at pumasok na sa isang coffee shop, malapit sa library na pupupuntahan ko mamaya. Nagpalinga-linga ako para humanap ng bakanteng lamesa nang may mamataan ako na mag-isang nakaupo sa pangdalawahang lamesa sa bandang dulo. And I notice a bunch of books he’s with there. I arched a brow and with a smile on my face, I walk towards the table.
Umupo ako sa katapat na lamesa dahilan ng pag-angat ng tingin niya sa akin. I smiled sweetly. I made sure it’s the sweetest smile I ever had!
“Hi! Are you alone?” I started.
He arched a brow, “you’re here now, so I am not.” he replied sarcastically. He went back to what he’s reading.
I rolled my eyes. Kung hindi ko lang ito crush!
I saw it’s about republic acts.
“You are . . . a criminology student?” I asked carefully.
I didn’t know he is. I just know that . . . he’s handsome and kind of mysterious and cold. I didn’t know he’s a criminology student.
He looked up at me, brows were forrowed. Na para bang natatangahan siya sa akin dahil nagtatanong pa ako, e obvious naman na.
“Yeah,” he answered languidly.
Tumango ako. “That’s cool.” I smiled at him.
Natahimik na naman kami. He really is a silent person. Hindi ko naman matagalan ‘yon kaya naman dinadaldal ko siya kahit pa nga ayaw naman niyang sagutin. Minsan ay tango lang ang sagot niya na iniirapan ko na lang pero nagpapatuloy pa rin ako.
I like him, okay? I don’t like chasing someone, more so a guy, but he’s different. Like, I would do the chase just for him. For me to have his attention on me.
“How’s Zaimon, by the way? Hindi na ako nakabalik sa San Jose kaya naman hindi ko na alam kung kumusta na siya.” Nag-angat siya ng tingin sa akin, masama ang tingin. Na para bang kasalanan ang pagtatanong niyon.
“He’s fine and doing great. Nakalabas na siya ng hospital pero hindi pa siya makapasok sa trabaho. I mean, hindi na siya makakapasok ng trabaho dahil sa mga magulang ni Dane.” I felt a pang on my chest.
Nalungkot na naman ako dahil doon. Dane’s blaming herself why this is all happening. Kaya nga halos ayaw ko siyang balitaan tungkol sa mga nangyayari rito. Lalo na ang tungkol kay Zaimon.
“Hindi ako nakakabalita lately, dahil busy ako sa mga shoots ko. At . . . malapit na rin ang pasukan kaya busy na rin ako.” I sighed. “Hindi ko man kasalanan, pero I want to say sorry for what happened.”
“Dane’s parents were furious. Hindi naman natin mapipigilan ‘yon.”
“Pero hanggang kailan? Nalulungkot ako para sa kaibigan ko. She wants to be better, pero ganito ang ginagawa sa kaniya ng mga magulang niya.”
“Ikaw rin naman,” napabaling ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yon.
Kunot noo ko siyang tinitigan, “bakit? Anong ako rin naman?”
“Dinidiktahan ka rin naman ng mga magulang mo, ‘di ba?” I was caught off guard. “Pareho lang kayo.”
“Is this why you don’t want to be friend with me?” I asked, narrowing my eyes on him.
“Hindi,”
“Then why?”
“I just don’t like you. Playgirl.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Hey! I am not!” I was offended, but something about his statement made me happy. Kaya ba ayaw niya sa akin dahil malapit ako sa mga lalaki?
I can change! I mean, I’m not really a playgirl! I just don’t like serious relationship with them. Kasi masyado silang demanding sa akin.
“Tss,”
“Lapitin lang talaga ako ng mga lalaki, but I am not—”
“You had three boyfriends in just a month.” Napalatak ako sa kaniya.
“H-Huh? Wait, how did you know that—”
“You didn’t even deny.” Naiiling siya habang ang mga mata ay nakatingin na sa binabasa.
“That was just my flings. ‘Yong isa, yes, naging boyfriend ko. Pero—” he cut me off again.
“You’re still a playgirl for me. And that’s final.” he said dismissively.
Natahimik ako at hindi na alam ang sasabihin. Nag-iwas ako ng tingin at napahiya.
Siguro nga, oo. Gano’n ako. Because I don’t take them in a serious relationship because I know they will eventually hurt me. And I would dump them before they do that to me. At . . . siguro uhaw rin ako sa atensyon? Dahil ang mga magulang ko, hindi iyon maibigay sa akin ng buo. Mula noon. But they always pressure me to do things they want me to do. Kahit ayaw ko. Those attention I got from others is kind fulfilling. Kasi nakakakuha pa rin ako ng atensyon kahit hindi sa mga magulang ko.
My mother want me to enter modeling industry because she want that for me. And an advantage for them to be known in our city. My father is a Governor, we’re famous in our city, and I am known as good model since I was six. And they’re taking that advantage as they made their way on top.
Ako ang panganay kaya marami silang expectations sa akin. And I also want to make them proud. Kaya kahit maging sunod-sunuran ako, ayos lang. Basta maging proud sila sa akin. My mom is okay, but my dad . . . he’s more demanding than my mother. He always wants perfections. And he won’t take a no from me.
I never heard hurtful or offensive words from others. Sanay akong marinig lang ‘yon sa mga magulang ko. That’s why hearing him saying these to me kind of hurt me. Na gusto ko siya, pero ito ang impresyon niya sa akin. Panira ng move. And I’m offended of course. Because I think, he’s right. I am a real playgirl. Kasi, sino ba namang matinong babae ang magkakaroon ng mga “fling” lang sa buhay, hindi seryoso sa relasyon, if given a chance to have a boyfriend she’s dumping them. Kaya tama siya.
Kunwari akong tumingin sa orasan pagkatapos ng halos dalawang minutong pananahimik. I know he’s watching me intently but I just couldn’t look at him back.
I cleared my throat, “mauna na pala ako. M-May pupuntahan pa ako.” Kahit wala naman talaga, iyon na lang ang dinahilan ko.
Tumayo ako at ramdam ko ang pag-angat ng tingin niya sa akin. Hindi ko siya tiningnan. Umalis ako roon na may mabigat sa dibdib. Hinsi ko alam pero naapektuhan ako sa sinabi niya. Masakit? I don’t know.
Nang makalabas ako nang tuluyan ay huminga ako ng malalim. I just suddenly felt suffocated. But I’m not mad at him. He was just saying what’s in his mind and what’s the truth. Just good for him because I am not a freak.
Pumara ako ng taxi, dahil paniguradong hindi pa naman ako susunduin ng driver ko. Nang may tumigil ay sasakay na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko at pinigilan ako sa akmang pagsakay.
“What the hell!” I yelled and look back. I stilled when I saw who it was. It’s him. “Bakit?” mariin kong tanong sa kaniya.
I was confused. Why is he here in front of me? E, ‘di ba ayaw nga niya ako makita roon? What now?
His eyes held an unreadable expression. I don’t know if I really saw regret and fear in his eyes. But it was suddenly washed out.
“I’m sorry,” he utter.
“Huh?” Bigla akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit.
“I know I offended you with my words. I’m sorry.” Then, realization hit me.
Tumango ako, “ayos lang. Totoo naman.” Dumilim ang ekspresyon niya pero nginitian ko lang siya. “You don’t have to say sorry. It was just your point of view for me, your impression. Pero siguro, when time comes, it will change. And I am willing to change it.” I smiled even more. “Mauna na ako, may pupuntahan pa akong importante.” I tiptoed and kiss his cheek. “See you around!”
I waved my hand as he stand still there, shocked. Pumasok ako sa taxi ng may matagumpay na ngisi sa labi.
“I will get you, Mr. Hard-to-get.” I whispered. It seems like a curse.
Wala na akong ibang ginawa maghapon kung ‘di ang siputin ang mga meeting ko sa araw na ‘yon at pumunta ng library na sinasabi ko.
Malapit na ang pasukan pero tinatamad pa rin ako. Siyempre, hindi na kami magkasama ni Dane sa iisang school. She’s in Canada now and I am still in the Philippines. Susundan ko rin naman siya roon, pero matagal-tagal pa ‘yon.
Magkaiba kami ng University na papasukan ni Blade. But I will still find a way to see him. Hindi naman ako magsasawa sa kaniya, siguro siya, oo.
I still took a business related course even though Dad want me to take Political Science or something related to Law. Pero hindi ko naman gustong maging abogado or maging parte ng politics. Tama nang pinagbibigyan ko sila na maging modelo ako kahit ayaw ko rin naman nito.
“Hija, what do you think about this?” Ipinakita sa akin ni Mommy ang planner niya about sa upcoming event na gaganapin sa San Jose. “You should be there for a support. Kailangan makita nilang maayos ang pamilya natin. Next year ay halalan na naman, kailangan magpakitang gilas ang pamilya natin.”
E, ‘di mag-circus kayo. Napairap ako sa sinabi ni Mommy.
“Mom, I’ll be in Zambales that day. I have a shoot for a commercial.” saad ko dahil ayaw ko talagang pumunta roon. Wala naman akong gagawin doon kung ‘di ang plastikin ang aking ngiti at makipagplastikan sa mga naroon.
“Cancel that shoot!” she yelled at me.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Mom! It’s a big known brand! I just can’t cancell that! Masisira ang pangalan ko.” protesta ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
“Find a way to make it move or . . . humabol ka sa event!” suhestiyon pa niya na ikinairap ko na naman.
I sighed. Pumunta lang siya sa condo ko para rito.
“I can’t. Hindi ako ang masusunod doon. At hindi kakayanin ng oras ko, Mom. It will be for three days. Kaya hindi ako makakapunta riyan.” Hindi ako pupunta para riyan.
“You’re such a disappointment!” sigaw niya sa akin bago kinuha ang planner at ang bag niya. Lumabas siya ng condo ko at padabog na sinara ang pinto.
Napahilot ako sa sentido ko at hindi na alam ang gagawin sa mga magulang ko. Konting pag-ayaw, disappoinment. Konting mali, disappointment. Lahat na lang . . . disappointment. Maging sikat man ako, hindi pa rin siguro sila proud. Maging successful man ako, gano’n pa rin. Makatayo man ako sa sarili kong mga paa at pinaghirapan, wala pa rin.
They can tell to others that they’re proud of me, but I can’t see it in their eyes. That they really are. I can’t feel it. They’re good at lying. And I am good at pretending. That everything is okay. Everything is fine. Everything . . . will be fine. For me.
“Why are they like that, Trouble?” I asked my German Shepherd dog, who’s just looking at me like a good boy while I am thinking deeply. “Hindi ba ako magaling? Why can’t I make them proud?” I asked again.
Napahinga ako ng malalim.
“I need a drink.” I stated before standing.
Nagbihis ako ng white sleeveless tank top and navy blue highwaisted jeans and partnered it with a black boots. I also wore a leather jacket and a black cap, then my sling bag. I tapped Trouble’s head before heading out of my condo.
I drove my own car I bought last month. Alas otso na ng gabi pero lumabas pa rin ako ng condo. Hindi naman din ako pinapabantayan ng mga magulang ko kaya p’wede kong gawin kahit anong gusto ko. Ito lang ‘ata ang pinakagusto ko. Na malaya pa rin akong magliwaliw.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Then I saw that Theo is calling.
“Yes, Theodore?” I answered teasingly.
“I f*****g hate you, Veatrice.” Natawa ako sa sinagot.
“Why are you calling?”
“I’m in front of your condo,” napakunot ang noo ko.
“Bakit?”
“May ibibigay sana ako sa ‘yo.”
“Wala ako riyan.”
“Gabi na, nasaan ka?”
“Papunta sa isang exclusive bar. I just need a drink to cool down.” Tumigil ako dahil sa traffic.
“You can drink inside your condo. Bakit kailangan mo pang lumabas?” Bakas ang inis sa boses niya. Brother mode na naman.
“Boring pag mag-isa lang. Alangan namang yayain ko si Trouble uminom, ‘di ba?” I chuckled.
“Tss. Saan ka ba at ihahatid ko na lang ‘to sa ‘yo.”
Binigay ko kung saan ang bar na ‘yon at pinatay na dahil medyo malapit na ako.
Nang makapasok doon ay agad akong pumunta sa counter at um-order ng maiinom. I was drinking and tried to look at the dance floor when a bulk of a man was now in front of me.
“What the . . .” I muttered and look at who is it.
Nanlaki ang mga mata ko nang salubungin ko ang madilim nitong mga mata na nakatitig sa akin na para bang may kasalanan na naman ako sa kaniya.
“Blade . . .”