KABANATA 10

3376 Words
“Amusement park?” I asked when he parked his car outside Enchanted Kingdom. Though, it’s already getting dark, I think we can still enjoy this. He smiled at me, “I saw your notes on your condo.” I looked at him, confused. “At… nabasa ko na gusto mong pumunta rito. You’ve never been here since then. This is your dream amusement park, right? That’s why I brought you here. I know you’ll so much like being here.” he held my hand gently. I smiled, touched at his surprise and his sweet simple gesture. “Thank you so much,” umahon ako at inabot siya para yakapin nang mahigpit. “Thank you.” Maramdaming sambit ko habang mahigpit ang yakap sa kaniya. “Anything for my baby,” napanguso ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ‘yon kaya agad na sumikdo ang puso ko. “H’wag mo naman akong gulatin sa mga salita mo,” saad ko dahil hindi pa rin naman ako sanay sa ganito niya. He chuckled mischievously. It’s kind of a music to my ears. I stared at him because of that. Damn. Why is he so f*****g attractive even just simply chuckling? “Dapat ay masanay ka na. You’re my girlfriend now and I always want to spoil you anything I could give.” I smiled widely at him. “Don’t spoil me too much.” Umiling lang siya at lumabas na ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto kahit hindi naman na kailangan pa. I thanked him before we finally headed to the entrance. Siya rin ang ngbayad sa entranece. Nang makapasok ay hindi na magkamayaw ang saya sa puso ko. Gusto kong sakyan lahat ng rides na naroon kahit pa nga pagabi na at paniguradong marami rin ang nakapila. “May pasok pa tayo bukas,” sambit ko nang makababa galing sa isang rides. Sumakit ang lalamunan ko kakasigaw dahil ang bilis ng paikot nila. “We can go home before eleven or before twelve if you want.” he suggest. Tumingin ako sa kaniya at kinunutan siya ng noo. What about him, then? “You’ll drive our way back to Manila. Tapos ihahatid mo ‘ko…” I trailed off. Then an idea popped in my mind. “Well, you can sleep in my condo. I have three guestrooms.” Tinitigan niya ako na ikinakunot ulit ng noo ko. “What?” He sighed before messing my hair. “Nothing. I just find you so cute.” Napanguso ako sa sinabi niya. “Sa Flying Fiesta tayo!” I said enthusiastically. I saw him sigh but did not protest. The last ride I want is… the Ferris wheel. I want this ride to be memorable. For me. For us. Nakapila kami habang kumakain ako ng ice cream na binili niya. Napansin ko pa ang pagtingin-tingin sa amin ng ibang nakapila, at mayroon din sa hindi kalayuan. Is it because… they know I am a model or because of who I am with? Bumaling ako kay Blade at naabutan siyang nakatitig sa akin. Agad na naghuramentado ang puso ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Nakasandal siya sa bakal na harang sa gilid, habang ako ay nakatayo sa harap niya. “What’s the matter?” he asked lowly. Tumingin ulit ako sa paligid. “They’re looking at you…” I pointed out. Kumunot ang noo niya at napatingin din sa paligid. Naabutan niya ang grupo ng kababaihang nakatingin sa amin — sa kaniya. “I think… those guys are looking at you,” napatingin muli ako sa tinitingnan niya at… oo nga, nakatingin din sa akin ‘yong mga lalaki. Pero… what? Magkaiba ba kami ng tinitingnan? Napanguso ako roon. “Stop looking at them.” mariing saway niya sa akin. Bumalik ang tingin ko sa kaniya. “Halika nga rito,” kinuha niya ang kamay ko at mas lalong inilapit sa kaniya. Nang kami na ang sasakay ay hindi ko alam kung kinakabahan ako. This is the first time I will ride a Ferris Wheel. My first time… to be here with Blade. Hinawakan ni Blade ang kamay ko nang nasa loob na kami. Unti-unti ay gumagalaw at tumataas ang sinasakyan namin dahil nagkakarga ng mga tao. He’s looking at me while I’m looking outside. Madilim na kaya kitang-kita ang mga ilaw mula sa malalapit na kabahayan. Ang ganda… Nasa tuktok na kami at mas lalong tumaas, pero hindi man lang ako natakot o nalula, mas nagustuhan ko ‘yon. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. I closed my eyes, and before I inhale the cold breeze, I felt him sit beside me — in front of me. When I opened my eyes, I saw how he look at me with those unreadable emotions in his eyes. Then he leaned closer to me… I closed my eyes again when his face neared me. Then I felt his lips on mine, damping it. His right hand on my nape, holding me still, and his left hand on my hand, caressing it lightly. Nang kumalas siya sa marahan at mapanuyang halik na ‘yon ay namumungay ang mga matang nagdilat ako. Umiikot na ang sinasakyan naming Ferris Wheel pero nakatitig lang kami sa isa’t isa. Then he crouched again to have a taste on my lips once again. We kissed as we ride Ferris Wheel. Some passengers were screaming in so much happiness, laughing with their friends, enjoying the view… while we’re just there, kissing each other fervently. He invade my mouth using his tongue and I enjoyed it, and later on, used my tongue to respond on that wild kisses he’s giving me. Nang maramdaman naming dahan-dahang humihina ang takbo ng sinasakyan ay dahan-dahan din kaming kumalas sa halikan. He stared at me, lost with our hot and passionate kisses. Alas onse impunto ay nasa labas na kami, handa nang umuwi. I turned to look at the magnificent amusement park. This is the real first time I got here… and it’s with Blade. The memories, even in just a short time, is worth to cherish. “Did you enjoy?” he asked after a while. He’s driving our way back to Manila. Hindi ako natulog kahit na inaantok na talaga. Madaling araw pa kami makakauwi dahil ilang oras din ang biyahe. “Yes, I enjoyed. Thank you for taking me there, Blade.” I smiled at him. “It’s my pleasure to make you happy.” Agad na sumikdo ang puso ko dahil doon. “You can sleep while I’m driving, I don’t mind.” sambit niya na hindi ko na tinanggihan pa. “I’ll just take a nap, I promise.” I said as I close my eyes, taking myself rest for a while. Siguro sa pagod mula noong Biyernes ay hindi ko na namalayang napalalim ang pagtulog ko. Agad akong nagising nang maalimpungatan. And when I look out of the window, I can tell we’re already in Manila. “Why did you wake up?” he asked when he saw ne rose up from leaning in the backrest. “Malapit na tayo sa condo mo. Sorry, medyo malayo pa ang condo ko kaya… sa condo mo na lang.” Tumango ako, “it’s fine. Uh, no problem. Doon ka na lang din matulog. Anong oras ba ang klase mo bukas? Maaga rin naman akong nagigising dahil sanay akong gumising ng maaga kahit pagod.” Hinilot ko ang aking batok. “10 AM pa ang klase ko bukas, and don’t worry, maaga rin naman akong nagigising.” Hindi na nagtagal ay nakarating na kami sa condo tower ko. Dumiretso siya sa basement. Kinuha niya sa akin ang bag na may lamang gamit ko. He held my waist as we walk towards the lift. Antok na antok na ako kaya napapapikit ako habang nasa loob ng elevator. He was watching me fighting the urge to sleep there. He held me tight to keep a hold on me dahil parang anytime talaga ay matutumba ako sa antok. Nang makarating sa tamang palapag ay agad kaming lumabas doon. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. Tulog si Trouble nang pumasok kami pero nang makita at malaman niyang ako ang dumating ay agad siyang bumangon at tumakbo palapit sa direksyon ko. He tail wagged as he lick my hands. “I miss you, honey!” Salubong ko kay Trouble. Gano’n din ang ginawa niya kay Blade. Hindi na gising si yaya kaya hindi ko na rin siya inistorbo. Pumasok ako sa kusina para maghanap ng p’wedeng kainin. Inaantok na talaga ako pero nilalabanan ko para lang may laman ang tiyan namin ni Blade bago matulog. Kumain naman kami kanina, pero dahil sa mga huling sinakyan namin at sa biyahe ay nagugutom ulit ako, sure, siya rin. “What do you want to eat?” I asked while looking inside the refrigerator. “You’ll cook?” he asked, shocked to know that I can cook. Umirap ako sa ere, “of course, Blade. Hindi ako maglalakas loob na tumirang mag-isa rito sa Manila without knowing even a simple household chores. So, yes, I can cook.” I look at him and saw how amazed he is. I saw how… proud he is. “That’s impressive,” he suddenly said without tearing his eyes off me. “So, what do you want me to cook?” “As long as I want you to cook anything for me… I know you’re tired. So, a simple omelette can do… or basta, kahit pang-breakfast na lang.” I smiled at him. “Thank you,” sambit ko sa malambing na boses. Sinunod ko ang gusto niya. Simple early breakfast. Omelette, fried rice, bacon, and sausage. Pinapanood niya lang ako habang nagluluto ng mga ‘yon, nakaupo siya sa high stool at nakapangalumbaba sa island counter. Nang matapos ako ay inilapag ko ang mga iyon sa harap niya. Doon na lang kami kakain dahil dalawa lang naman daw kami. Pinakain ko rin si Trouble dahil nakamasid siya sa amin. We ate silently. While eating… I can’t help but think about what happened on that Saturday night. My father’s voice still lingers my mind. It echoed. Repeatedly. I can’t help but feel my heart getting heavy as minutes passes by. “You okay?” napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Blade. “Huh?” “Why are you spacing out? Do you have a problem?” he asked again while staring at me intently. I smiled at him assuringly, “inaantok lang ako. Sorry.” Tumango siya. “Finish your food, so that you can already rest.” Tinapos ko na ang pagkain nang tahimik, gano’n din siya. Tumulong siya sa pagliligpit ng pinagkainan namin. Hindi na namin ‘yon hinugasan dahil pagod na talaga kami pareho. Dala niya ang bag ko habang naglalakad kami papunta sa kuwarto ko. I stopped in front of my room. I should be the one who send him to his room, but he said I don’t have to. “The next room is a guestroom, kompleto naman gamit diyan. It also has some… spare clothes for both man and woman. It’s inside the cabinet.” Tumango siya sa sinabi ko. “Alright, go inside. You should rest now.” I smiled at him and nodded. “Goodnight,” I said in a sweet and low voice. He crouched to kiss my forehead. “Goodnight…” he said breathily. I smiled again and went inside my room. After just changing my clothes, I crawled to my bed and immediately fell asleep. Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising, dahil nakasanayan ko na iyon tuwing may pasok. Agad akong bumangon para makaligo dahil hindi na ako naligo bago matulog. I didn’t even do my night care routine. Nang nasa loob na ng banyo ay saka ako natauhan na narito nga pala si Blade! Natulog si Blade dito sa condo unit ko! Oh gosh! Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniform ko. He doesn’t have his uniform here. Kailangan niya pang umuwi sa condo niya para makapagbihis. Gosh! Lumabas ako ng kuwarto. Kakatukin ko na sana siya pero inuna ko munang pumunta sa kusina para magluto ng agahan para sa kaniya. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalakad palayo ay bumukas na ang pinto ng guestroom na tinulugan niya. I turned to it and saw him. He showered. He used the clothes inside the guestroom. “H-Hey, uhm… Good morning,” bati ko sabay ngiti sa kaniya. He smelled so f*****g good. He walked towards my direction. “Good morning,” he greeted back. “Uh… you don’t have your… uniform here.” I stated the obvious. “It’s okay, I called our butler to send my things here.” He held my hand like he was used to do it to me. Maaga pa naman para sa klase naming dalawa kaya makakapaghintay pa siya sa uniform at bag niya. Sinalubong agad kami ni Trouble. He played with him on the sala while I went inside the kitchen to check for breakfast. Nakapagluto na si yaya gaya ng inaasahan ko. Nahugasan na rin niya ang mga naiwan naming hugasin kanina. Dinala ko ang mga ‘yon sa dining table bago tinawag si Blade na hanggang ngayon ay nakikipaglaro kay Trouble. The latter loves my man, huh? “Matatagalan ba ang butler niyo sa pagdala ng gamit mo?” I asked while consciously looking at the wall clock. “Before 8AM I’m sure he’ll be here.” I nodded. Nakaligo na siya kaya paniguradong mabilis na lang din siyang magbibihis pagkarating ng gamit niya. He’s talking to someone over the phone after we ate breakfast when U heard the doorbell. I immediately stood up and opened the door. It was their butler. Tinanggap ko ang dala nitong paper bag na naglalaman ng damit ni Blade. Pati na ang bag na gamit nito. “Thank you, sir.” I said before closing the door between us. Saktong natapos si Blade sa tawag nang makapunta ako sa sala, dala ang gamit niya. Tinanggap niya ‘yon at nagmamadaling pumasok sa guestroom para magbihis ng uniform niya. After five minutes, he went outside, looking good in his usual uniform. I giggle inwardly as I look at him, enjoying the view. “Let’s go. Baka ma-late tayo.” Tumango ako sa sinabi niya. Agad niyang kinuha ang bag niya. Kukunin niya rin sana ang bag ko pero agad akong umiling dahil hindi naman na kailangan. Pero kinuha niya sa kamay ko ang dalang bag ng laptop ko. Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na palabas ng condo. Hinatid niya muna ako sa school, bago siya nagpaalam na papasok na rin. “Call me after your class. I’ll fetch you,” he said as I unfastened my seatbelt. Tumango, “alright, captain.” I smiled at him. He chuckled before leaning in and giving me a soft kiss. “Mag-aral ng mabuti para hindi bumagsak.” Inirapan ko siya at lumabas na ng sasakyan niya. Kinawayan ko siya bago tuluyang pumasok ng school. Baliw na ‘ata ako dahil nakangiti na ako mula nang ihatid ako ni Blade kanina. Kahit na nainis sa klase kanina dahil naka-bokyang score sa quiz ay nakangiti pa rin ako. Kakasabi lang sa akin na mag-aral ng mabuti para hindi bumagsak, naka-bokya agad ako? Ang malas naman ng salita ni Blade. The next subjects and hours went smoothly. Parang hindi kami stress ng midterm kung makangiti ako sa mga kaklase ko. Tinapos ko ulit ang assignment na meron ako habang naghihintay kay Blade. Tumunog ang cellphone ko para sa isang text kaya tiningnan ko ‘yon. And I was shock it was from my mom. From: Mom We’re going to Manila this week. Make sure to clear your schedule for weekend. We’ll have an important dinner with the Villegas. Napahilot ako sa sentido nang mabasa ‘yon. Who’s that Villegas? Then I remembered my dad’s words on that party. Napahinga ako nang malalim. Tumunog ulit ang cellphone ko para sa isa na namang mensahe. Tiningnan ko ‘yon at agad na gumaan ang pakiramdam nang makitang si Blade ‘yon. From: Blade I’m already outside your school. Niligpit ko na ang gamit ko at naglakad na papunta sa labas. Luminga pa ako para hanapin ang sasakyan niya. Nang makita ‘yon ay agad akong lumapit doon. He’s leaning in his car while thinking deeply, crossing his arms over his chest. Lumapit ako roon at agad niyang napansin ang presensya ko. Tumayo siya nang maayos at sinalubong ako. Niyakap ko siya saglit at nagpasya na kaming umalis doon. Maaga pa naman kaya sa condo ko muna kami nagpalipas oras. He doesn’t want to go to his condo yet, though. Mabuti na rin ‘yon para hindi ako maboring sa condo ko. “You don’t have any photoshoot?” he asked while he’s busy caressing Trouble’s fur. Umiling ako, “lahat ng shoots ko ay na-move for next month’s issue, kaya buong dalawang linggo ay wala akong ibang gagawin kung ‘di ang mag-focus sa pag-aaral at… magcheat ng diet kahit minsan.” Natawa pa ako sa huling sinabi. “I hate the fact that you’re almost starving yourself just to get the perfect body figure.” Napatingin ako sa kaniya at kita ko ang iritasyon doon. I smiled sadly at him, “my mom would be furious if I won’t continue being a model.” I said matter of fact. He frowned. “Why would she? She shouldn’t be forcing you to do things you don’t want to do.” Nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya pero nginitian ko lang siya. I sighed heavily, “you don’t know my mom, Blade.” I tried to fake a smile. “She’s… a former model. She was also the first runner up for binibining Pilipinas at her time, that’s why… she wants me to continue her legacy, kahit na… sa pagmomodelo man lang dahil hindi naman ako matalino gaya niya para lumaban ng pageant.” I saw how his eyes turned softer as he look at me. “Do you really want modeling?” he asked softly. I stopped doing my schoolwork, and look at him. I am ready to share this part of me to him. I nodded at him curtly. “Ever since I was elementary, I want to be a model, like my mom. That’s why she supported me. Marami siyang kakilala na talent scout sa modeling industry kaya… madali akong nakapasok. They said I am beautiful, at pasok ako sa pagiging modelo. Plus, when I was in highschool, I started to get taller as I age. Noong mag-teenager ako ay doon naging mahigpit sa akin si mommy, lalo na sa katawan ko. She said, hindi dapat ako tumaba o mag-gain ng mas malaking timbang dahil makakasama raw ‘yon sa body figure ko. I listened to her. Because I know she’d been in that place before. She told me what to do. Marami siyang kilala kaya mas lalo akong nakatungtong sa taas.” I look at my hands and played with it. “But I don’t know if I should be happy for that…” I tried to recall what I’ve been through before as a rising teen model. “My co-teen models started mocking me… they started to bully me in silence. They throw hurtful words to me…” I smiled sadly. “Because they said… I’m not that beautiful, I am too fat to be fit in modeling, I can’t walk properly in runway. Na kaya lang ako nakakakuha ng malalaking proyekto ay dahil kay mommy. Dahil marami siyang kilala, plus, my dad is in politics. And that always… got me. That maybe, they’re right, but I somehow wants to continue being a model until I get tired of it.” “You are beyond beautiful, Vea. I don’t like before because you’re too beautiful for me.” Napatingin ako sa kaniya at hindi agad nakapagsalita. “I thought I don’t deserve someone as gorgeous as you. And I am not lying. Until now, I’m still thinking that… you’re too good for me. You’re like a Goddess…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD