JOBERT Iniisip ko ang nangyari.... Para akong napahiya kanina sa gym ng nagalit sa akin si Justin. Napahiya ako sa sarili ko na masyado kong naenjoy ang aming ginagawang biruaan. Nalagay tuloy sa alanganin ang kapatid ko. Masyado akong umasa na okay ang kalagayan niya kung wala ako. Mainam nga sigurong ihinto na ang pagbibiro. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang totoo sa hindi. Ang takot ko kanina ng abutan kong nagkakagulo sila sa pag-aalala. Humingi ako ng pasensya kay Opet sa kapabayaan ko. "Okay na ako kuya, wala ka ng dapat ipag-alala. Hindi rin naman ako pinabayaan ng tropa ng inatake ako,lalo na si Justin." Kahit napatawad na ako ni Opet ay kargo ko pa rin ang kabigatan sa nangyari. Nahiya talaga ako kanina kaya di ako makakibo ng dumating siya at tumambay sa bahay sanda

