CHAPTER 6 TAMPURUROT

1635 Words

RUPERTGrabe si kuya at talagang hindi pinalagpas ang pang-aasar kay Justin noong gabi ng birthday niya. Abot-abot ang hiya ko ng umuwi kani na parang walang nangyari kahit alas nueve na kaming nagising at lumabas ng silid. Mabuti na lang mabait ang mga magulang at lola niya. Maging sa agahan ay inasikaso pa kami ng husto. Nakauwi kami at ang eksena kagabi ang tampok ng usapan namin sa nanay. "Ikaw ha, tigil-tigilan mo ng kakaasar kay Justin. Mamaya mapikon yun at hindi na pumunta dito. Nakakahiya sa bata. Sabihin masama ang ugali mo." Sermon ng nanay kay kuya. Pihadong nagitingiti lang si kuya na kikinig habang inaayos ang mga sako ng retaso na bagong deliver. Nasa loob ako ng silid na nakikinig sa kanilang usapan. Katext ko si Justin at kinukwento ko ang nangyayari sa labas. Hu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD