JUSTINSo, ayun na nga ang kwento kung paano nag-iba ang college life ko. Ang magkaraoon ng pasang insekto. Wala akong kakayanang umiwas kay Jobert. Lalo pa ngayong second sem ay full time ko na kasama si Rupert sa section namin. Madalas ko na ring kikita si Jobert sa tuwing sisilipin niya ang kapatid. Regular visitor namin si yabang kung wala pa ang aming professor. Welcome naman siya sa room dahil sa senior siya sa amin lalo na kung 70% sa klase ko ay mga babaeng nagkakacrush sa kanya. Varsity ng swimming kaya medyo angat ang estadong naitayo niya sa campus para makilala. Kasama pa diyan ang sikat na kinaaniban niyang fraternity. Kung napanood mo na ang 300, ganun ang dating nila sa school pagsamasamang naglalakad sa hallway. Iiwas ka talaga dahil sa karamihan sa kanila ay nasa 6 foot

