CHAPTER 3 Sikretong Walang Clue/Ang Nakaraan part 3 Wash day - Walang pasok Third day of exam week at wala akong schedule ng pagsusulit. Nagdesisyon ako na dito kina Rupert na muli magpalipas ng umaga at makitulog. Si Rupert namay hindi rin makakapag-exam sa kaniyang schedule dahil sa nangyari kaninang madaling araw. Sa pag-aalala ng kaniyang mga magulang ay pinagpahinga muna siya ng isang araw at kukuha ng lang ng special exam kahit magbayad sila ng extra fee para dito. Health muna bago future. Kahit papaano nais ko ring makilala ng lubusan ang mga magulang ni Opet. Kumukuha ng tiyempo para makapagbukas ng kung ano ang mapag-uusapan. Lalabas lang ng kwarto para umihi sa kanilang banyo,magpapaalam ako,paglabas makikita ko ang paghahabi niya ng doormat. Panonoorin ko, tatanungin ko n

