JUSTINNagsisimula Christmas season. Naririnig ko na naman ang walang kamatayang kanta ni Jose Marie Chan. Naeexcite ako...unang pasko ko na may buhay na jacket na yayakap sa akin ngayong lumalamig na ang panahon. Siempre unang pasko namin ni Kuya. Wala pa akong plano kung kelan kami magsasabi sa mga tatay tungkol sa aming dalawa. Maging si kuya ay hindi pa rin nagtatapat sa kanila. Kampante ako na hindi kami pangungunahan ng lola. Maayado din siyang busy sa mga gawain niya sa labas. Feeling dalaga at talagang laging nakaayos. Laging kasama ang mga kabatch niya noong highschool circa 1967. Busy ang lola sa mga fund raising ng kanilang batch. Kaya siya umuwi ng pilipinas para sa kanilang 50th reunion. Naging asosasyon kasi silang mga naunang nakagraduate sa school at maging ako noon

