JOBERTMula ng maging kami ni Justin ay napadali para sa akin ang makamove on sa pagkawala ng kapatid ko. Hirap talaga akong makalimot sa nasaksihan kong kamatayan niya. Kay Justin ako nakakuha ng lakas at magpatuloy. Nabago na rin ang mga galaw ko sa school. Mas inspired ako at dedicated sa pag-aaral. Nabago ang routine ko sa bahay. Maaga akong natutulog para sunduin siya. Maaga din akong nakakauwi pagkatapos ko siyang ihatid. Maliit na sakripisyo na may malaki palang nagagawa hindi lang para sa aming dalawa kundi para sa aming pamilya. Pagkahatid kay Justin ay mas nakakatulong pa ako sa bahay at mas mahaba na ang oras ko sa pagrereview. Nagkakasya na kami sa maikling chat at ilang minutong pag-uusap sa phone bago matulog. Hindi ako nagkulang na paalalahanan siya na mag-aral ng mab

