JUSTINPinagpahinga na kami ng mama Rosie at papa Gilbert matapos ang aming maikling kwentuhan. Mama at Papa na rin ang tawag ko sa kanila. Si Kuya Obet naman ang nagsabi na iyon na ang itawag ko sa kanila para lalo pa kaming magkalapit ng pamilya niya. Almost yeo weeks na kami ni kuya at nasasanay na ako sa aming bagong relasyon. Maniniwala ka ba na straight ako pero sa isang lalaki din pala ako mapupunta? Sabi nila bulag ang pag-ibig. Ang sabi ko naman bulag nga pero may pakiramdam, nakakarinig,nakakaamoy, at nagkakapagsalita. Straight ako pero kay kuya Obet ko nakita ang gusto ko na hinahanap ko. Sa kaniya ako masaya at secure ako na tapat siya sa akin. Sugal din yang pag-ibig. Mamumuhunan ka din ng atensyon at oras. Si kuya Obet sumusugal para sa akin. Akala ko basta bisxual ay

