Bogus 2

1140 Words
Tingin sa itaas , tingin sa ibaba. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Tatayo, uupo. Tatayo na naman, tapos uupo. Tingin sa kanya, tingin sa ibaba. ''Will please stop that? You're overacting'' Aba! Aba! Ano? Ako pa itong OA? Eh hindi ko nga maintindihan kung bakit ako nandito sa ano nga ba tawag dito? C-co-condy? Eh candy ba? Hindi eh, may Cond yun. Conda? Anaconda? Tsk, Ano? Condo? Yes, condo nga ata. Nasa condo nga niya ako ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito! At bakit ako? Sa dinami-raming babae diyan sa tabi tabi, bakit ako pa? Ang malas naman ng araw na 'to! ''Why o why? Why me?'' di ko mapigilang di mag overacting kasi naman parang kanina lang nakasakay na ako ng bus tapos pagbaba ko muntik na akong mapaaway tapos hinila ako ng lalaking ito papuntang kotse niya and then nandito na kami sa condo niya saying things that I don't even understand! ''Because I want to'' Kitams, walanghiya ito. I want to-hin kong pagmumukha niya eh! ''Pwedeng 'wag kang mag-english? Nakakasakit sa bangs eh'' sabi ko sabay hawi ng bangs ko. Oo, may bangs ako, pake niyo? ''Psh'' Ayan na naman siya sa mahiwagang mensahe. Paano ko maiintinihan ang mga sinasabiniya kung puro siya tsk, psh, pss ? Ano yan? Tanga-tangahan? Hindi keri ng genius kong utak eh. ''Tigilan mo nga ako ha lalaki ka. Saka aalis na ako! Ayoko dito at lalong ayoko sa iyo. May dapat pa akong aasikasuhin! Che!'' Papaalis na sana ako nang bigla na naman siyang magsalita. ''Ask anything you want, I'll give it to you'' What? Kahit ano ibibigay niya? Ganito ba siya kadesperado? ''Ayaw ko pa rin! Ano ba, may pupuntahan at hahanapin pa ako kaya aalis na ako!'' Kinuha ko ulit ang mga gamit ko nang bigla na naman siyang magsalita. ''Ten million pesos, just be my pretend girlfriend'' #___# Ten million ? ''HAHAHAHAH'' nakakatawa siya, bibigyan niya ako ng ten million? ''Why are you laughing? '' galit na tanong niya. ''I-ikaw kasi eh. Hahaha, n-nakakatawa ka'' labas sa ilong na sabi ko at pilit na tumawa. Duh, as if maniniwala ako. '' Im serious '' seryosong sabi niya at nakatingin pa ng deretso sa mga mata ko. Pinagmasdan ko naman siya ngunit nakapoker face lang siya. ''Weh? '' tanong ko na parang isang imposible yung sinabi niya kanina. I mean, he's really kidding right? Bago na naman niya ako tingnan na para bang gusto niya akong ipatapon sa Siberia at ipabihag sa mga pirata ay sumagot na ako. ''Okay okay, bakit ba gusto mo akong gawing girlfriend mo? Sa dami ng babae diyan! Kaimbyerna ka! Alam kong dyosa ang kagandahan ko pero naman huwag ngayon! Busy pa ang life ko and I still have to look for someone kaya nandito ako sa lugar niyo'' I rolled my eyes at him. ''Pretend only'' pagtatama niya pero sumimangot lang ako. Pretend lang pala ang ibig niyang sabihin kanina. May pa bogus-bogus girlfriend pa siyang nalalaman. Ayan tuloy naloka ang genius kong utak sa pagkalkal ng vocabularies sa utak ko para malaman ang ibig niyang sabihin. Akala ko hocus sinabi niya. Parang hocus pocus. Ano siya, mangkukulam? ''Oo pretend na kung pretend pero bakit?'' Ganyan na ba talaga kalakas ang karisma ko kasi pati siya nabighani sa beauty ko? ''It's for me to know and for you to find out'' Naningkit ang mga mata ko pagkatapos kong marinig yun. '' Shunga, ano nga? Last na lang, talagang aalis na ako! '' Again, a murderous look was given to me. And then it hit me. ''D-dont tell me m-may g-gusto ka sa akin? Oh no! I can't! Sorry, you're not my type!'' Nakita ko siyang napakunot ng noo at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. ''What? You're not my type either'' nakaingos na sabi niya. ''Hoy lalaki ang kapal ng mukha mo! Bakla ka ba? Sa dyosa kong ito? '' naaasar kong sumbat. Inilapit ko pa ang mukha ko sabay hawi ng buhok ko and smiled at him. ''Baliw'' naiinis na pahayag niya. "Ewan ko sayo! Bakla ka ba kaya di ka nabighani sa beauty ko?" wala sa sarili kong tanong. He's impossible! "No, I'm just not insane to believe all your crazy thoughts" Nagtagis ang mga bagang ko sa sinabi niya. At siya pa ang may ganang ganyanin ako pagkatapos niyang mag-offer sa akin ng deal? How dare him! "Ganyanan pala ha. Pwes, aalis na ako!" tumayo na ako bitbit ang mga gamit ko saka naglakad palapit sa pinto. Bahala siya! Pinapainit niya ang ulo ko! "Don't! You have to agree with me" pigil niya sa akin. What? Nagpapatawa ba siya? Bakit kailangan kong pumayag sa gusto niyo? Sino ba siya? Hari ng planetang ito? O sadyang nababaliw lang siya? "Kung ganun, give me a valid reason kung bakit ako papayag sa gusto mo. Aba naman, malay ko bang isa ka palang lider ng sindikato" Again, tiningnan niya ako ng masama saka napabuntong-hininga . "I can't tell you pero I could assure you that you'll live in this condo. Free na lahat ng kailangan mo. Kapalit nun ay be my pretend girlfriend pansamantala" Napaisip ako sa sinabi niya. Wala naman akong matutuluyan at wala pa akong kaalam-alam dito sa Maynila. Why not give it a try diba? Pero dapat ba talaga akong pumayag? Ewan ko. Kanina ang laki ng doubt ko sa kanya. ''Okay deal , papayag na ako '' sabi ko. Napansin kong may dumaang kung anong emosyon sa mga mata niya pero di ko na binigyang kahulugan pa. ''Pero sa isang kondisyon '' dagdag na sabi ko. Dapat may kondisyon na. Baka mamaya niyan eh mapasok niya ako sa kwarto ko nang di ko nalalaman. Gosh, what am I thinking? "What is it? " nakakunot noo niyang tanong. ''Bawal mong pakialaman ang buhay ko. Dapat di mo ako inaastang sunud-sunuran. Hindi ka dapat tumambay sa condong ito. Walang makakaalam na pretend lang tayo. Bawal ang touchy touchy like holing hands, kiss sa cheeks at saka lips! '' Narinig ko siyang tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Nagpapatawa ka ba? Akala ko isang kondisyon lang? " Tulala pa rin akong nakatingin sa kanya habang nakatawa siya kaya nang marealize niyang tinitigan ko siya ay bumalik siya sa pagkakaseryoso. Sayang! Ganda ng tawa niya. "Hindi ako nagpapatawa. Totoo ang lahat ng yun. Kung tingin mo ay di lang isang kondisyon yun, pwes dapat tanggapin mo. At gusto ko lang klaruhin. Kaya ako pumayag ay dahil wala akong alam sa Maynila kasi first time ko dito. Wala din akong matutuluyan. Deal? " Nagkasalubong muna ang mga kilay niya bago tumango. ''Deal'' he extended his hand. Kinamayan ko naman siya pero ang weird lang kasi nang tingnan ko siya ay may something sa mga mata niya. Mali ba itong napasok ko? Or sadyang nababaliw lang ako sa pagbabago ng buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD