Bogus 3

1629 Words
Naglalakad ako sa university na papasukan ko. Yes, you heard me right. Mag-aaral ako as 3rd year accountancy student. Ito din ang kondisyon niya sa pagpayag ko. Gosh, nakakaloka siya. Parang gusto ko ng magback out. Hindi siya tao! Isa siyang human! Este hindi siya tao, basta di man lang marunong magpakita ng emosyon. Lagi pang galit. Mas gusto kong marinig ang tawa niya kaysa laging taas ng kilay at kunot ng noo ang nakikita ko sa kanya. Lagi nalang din kaming nag-aaway sa simpleng bagay. Pero infairness ha, ang yaman ng supladong yun. Ang nakakainis ay ako na nga itong ginawa niyang fake girlfriend, siya pa itong parang napipilitan. Ang kapal! Gwapo nga sana kaso ang sungit. Not my type! *roll eyes * "Bakit parang defensive ka?" pangongosensya ng isang bahagi ng isip ko. Ako? Defensive? Eh sinasabi ko lang naman yung totoo.Paano ko gugustuin ang isang masungit s***h mayabang na lalaki na akala mo naman pasan ang mundo dahil palaging naka-poker face? Hah! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Malamang, wala akong mapagsasabihan ng sama ng loob ko! And speaking of being a loner, kasalukuyan akong naglalakad papasok sa malaking university. Yes, ang laki niya sobra! Parang buong barangay namin sa probinsya ay kakasya dito eh. Nararamdaman ko na parang may mga nakamasid sa akin.Sobrang ganda ko siguro kaya ata sila napapatingin sa akin. Nang lumingon-lingon ako ay nakita ko ang mga taong di maexplain ang mga mukha. Nakamasid sila sa akin tapos ang epic lang ng reaction nila. Titingin sa akin, tapos tatawa. Titingnan ako mula ulo hanggang paa tapos magbubulungan at tatawa na naman. Yung totoo, uso ba ang tawa ngayon? Baka nagkamali ako ng pinasukan dahil mga baliw ang mga tao dito? Laughing day ba ngayon? ''Hey, How did you enter our school? Eww! You look like pelengkera in the market'' sabi ng maarteng babae. Yuck, ang pula ng lipstick 'di naman bagay sa kanya.Para siyang payaso. Nakaminiskirt pa eh ang itim naman ng singit. Psh, di ko nakita, nagconclude lang ako. ''Eww, you look like pelengkera. Cheh! Mas palengkera yang mukha mo at mas lalong di ka bagay dito. Duh! Punta ka kayang bar baka tanggapin ka nila!'' sabi ko sabay talikod sa kanila. Narinig ko pa ngang sumigaw yung babae. '' HOW DARE YOU! '' Di ko na siya nilingon baka kung ano pang masabi ko. Ang kapal ng mukha niya! Sa sobrang kapal, pati make up niya ay makapal din. Kulang na lang sasali siya Ms. Clown of the year. T_T Habang naglalakad ako palayo ay may narinig akong nagkomento tungkol sa akin. ''Woah, she's tough. '' ''Oo, wala sa itsura pare. Sadyang don't judge the book by its cover. Siya, panget na kaya don't judge baka mas pumanget pa!'' Dahil sa narinig kong yun ay agad na nagpanting ang aking precious ears. Sa dyosa kong 'to? Panget ako? ''Excuse me? Are you referring to me? '' matalim ang tinging ibinigay ko sa kanila. ''Sino pa bang panget dito eh ikaw lang? ''sabi nung guy na intsik. Kahit chinito siya, di siya gwapo. ''Miss, we're not afraid of you. Kung kilala mo kami, I'm sure iiyak ka na sa takot'' sabi nung guy 2 na moreno. Pero ha, kung may tall, dark and handsome ay itong kutong lupa na ito ay short, black ang ugly. Eww. Hindi ko na masyadong pinansin ang mag sinasabi nila. Ngumiti lang ako sa kanila ng pagkatamis-tamis and said, ''Wow, saludo naman ako sa beauty niyo! Yung totoo, nagsasalamin pa ba kayo? '' Nagtataka sila sa sinabi ko pero I smirked at them '' Kasi mukha kayong mga sinaunang tao'' and with that umalis ako leaving them dumbfounded. *** Inaantok ako sa boring na klaseng meron ako ngayong araw. Itong teacher naman kasi, parang wala siyang kausap. Ang hina pa ng boses! Napapikit ako at inalala ang mga nangyari ngayon araw. Grabe lang ang nangyari ngayon. What a first day for me! Ang dami ko ng haters. Sikat na pala ako? HAHA. And I haven't seen that masungit na lalaking yun, buti nga kasi baka siya rin ay mabara ko. So what happened ba ? Remember, pumasok ako sa university pero ang daming umalipusta sa beauty ko. Napakawalang modo ng mga tao dito! Hindi nila ako kilala? Ako lang naman ang dyosa, genius , at b***h na babaeng sisira sa kanila kung haharang harang sila sa daanan ko. Joke lang, masyadong mean. Well, ako lang naman ang babaeng diyosa sa lahat ng diyosa, hindi matalino pero genius at hindi maldita pero b***h. Gets? Bakit ba ayaw nila sa akin? Simple, dahil ayaw ko rin naman sa kanila! Pero ang big deal is, kung magsususuot ba ng mahabang saya na aabot sa paa, longsleeve na itim, malaking eyeglasses, may bangs tapos nakabakya lang ay panget na? Di pwedeng props baka masira ang diyosang beauty ko? Haler! Napakababaw ng tao sa mundo. ''Miss Dimakuhakuha, why are you sleeping in my class??'' narinig kong sigaw nung tigreng prof namin sa Accounting. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko kuno. Kung makasigaw siya, wagas samantalang kung makatawa 'tong mga 'to ay parang wala ng bukas. Nag-inat ako ng katawan saka sumagot, ''Ma'am, I"m bored.'' Nanlaki naman yung mga mata niya. ''What? You're calling my class boring? '' ''Hindi, hindi! Ikaw ang boring kaya bored nga diba? '' pamimilosopo ko na ikinagulat naman niya. ''How dare you! Do you want me to fail you?!'' napalakas na yung boses niya. Seriously tinatakot niya ako? ''Go on ma'am, baka gusto niyo ring mawalan ng trabaho'' I smiled. Naks! Kakuntsaba ko kaya ang anak ng may-ari .Kung hindi dahil sa kanya ay naku wala ako dito at walang magpapasakit ng mga ulo nila! May nasagap kasi akong balita na napaka-terror at walang puso ang prof na ito. Hindi sa wala na akong galang sa kanya kaya lang ay wala kasi siyang consideration. Kanina kasi ay may nakita akong babae na umiiyak habang yakap-yakap ng kaibigan niya. Narinig ko siyang nagsabi na bagsak na siya sa buong sem dahil late niyang napasa ang project niya sa teacher na ito. Uminit yung ulo ko sa narinig ko. Kaya kanina nang mag-introduce akong transferee ako ay wala na ako sa mood lalo pa't siya pala ang accounting teacher ko. Kaya ko nalaman na siya ito ay dahil sa kapangalan niya ang teacher na nagpaiyak sa babae kanina. Habang nagdidiscuss siya ay todo naman sa pakikinig ang mga kunwaring kaklase ko kasi kapag di ka nakinig ay pinapalabas ka ng classroom. Hmp! Di naman ako natatakot sa kanya. Alam na siguro niyang may connection ako sa anak ng may-ari ng paaralang ito kaya dapat siya ang matakot at hindi ako! ''You ugly b***h! Now, all of you, solve this problem on the board within 1 minute or else lahat kayo ay babagsak sa klase kong ito!'' galit na sabi niya saka tumingin ng masama sa akin. Ang sama din ng tingin ng mga kaklase ko sa akin. Malamang, kayo kaya ang magsolve ng accounting chuchu na iyan with in 1 minute. Tingnan natin kung di ba kayo mastress. Medyo natataranta sila sa pagsosolve kaya binasa ko yung problem. Napataas pa ang kilay ko sa nabasa. Mahirap? Ito ba ang tinatawag nilang mahirap eh chicken lang pala ito. Kinuha ko yung paper at ballpen and answered the problem.Wala pang isang minuto ay natapos ko ng e-solve . Yung mga kaklase ko ay wala pang naisusulat. Seriously? Wala? Gosh, ano ito? Grade 1? Sabagay, genius nga naman ako. ''Tapos ka na?'' gulat na namang tanong ng prof sa akin nang lumapit ako sa kanya. ''Hindi ma'am, titingnan ko lang yung answer niyo at kokopyahin ko'' lumaki ang butas ng kanyang ilong sa sinabi ko kaya naman ibinigay ko sa kanya ang papel ko. ''Opo, tapos na. Here'' I said and smiled at her. Yung mga kaklase ko ay napatulala sa ginawa ko. Kinuha naman niya ang papel ko saka binasa. Again, mas lumaki pa ang malaki na niyang mata na parang di makapaniwala. Tiningnan niya ako na parang ako na ang napakimposibleng taong nakilala niya. "This is impossible!" napapailing na kumbinsi niya sa sarili. Anong impossible don eh nasa kanya nga ang papel ko? Hmp! "Ma'am, makakaalis na ba ako? Tapos na ako sa QUIZ na binigay mo" I acted so friendly at her pero halos di na maipinta ang mukha niya. ''Pass your papers now!''galit na sabi ni prof sa mga kaklase kong napamaang sa nasaksihan. Napanganga lahat ng mga kaklase ko sa sinabi ng professor. Tsk, di ko na kasalanan na hindi sila nagreview. Pagkapasa ng lahat ng papel ay pagalit na nagligpit si prof ng kanyang mga gamit saka nilisan ang classroom. Bumalik na ako sa upuan ko para kunin ang mga gamit ko nang biglang galit na galit na dinuduro ako ng iba. ''I hate you b***h'' ''You'll pay for this'' ''Akala mo makakatakas ka?'' ''How dare you!'' "Akala mo maganda, ang panget mo!" "You're impossible!" Iyan ang mga naririnig ko sa kanila. Bakit nila ako sinisisi? Kasalanan ko ba na hindi nila nasagutan iyon? Gosh, baliw ba sila? Anyway, nagsmile lang ako sa kanila kaya mas lalo silang nainis. Kulang nalang ipasalvage nila ako. As if magagawa nila yun. Anyways, exciting rin naman pala ang pagpapanggap na ito. Ngayon lang ako napadpad sa lugar ng mga felingera't felingero at mga plastic. Ang dami kasing nagkalat niyan dito. Matawagan nga ang junk shop para ipadampot sila baka makabuo pa sila ng virus. "Relax guys. It's not my fault. I'm just born extraordinary than all of you" kinuha ko na ang mga gamit ko saka nilisan ang lugar. Sigurado akong nanggigigil na sila sa galit sa akin. Sigurado akong magpaplano ang mga yun kung papaano ako ididispatsa. But sorry na lang sila, hindi ko rin sila uurungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD