Del's POV "Bakit ka pumasok? " iyan na agad ang bungad sa akin ni Drakola nang makita niya akong pumasok sa paaralan. "Haler! Bakit, di pwede? " pambabara ko. Ngumiti ako sa kanya na parang nang-aasar na ngiti. Alam ko na ang TCA kasi, niresearch ko at Take Care Always pala yun? Haha, kinilig ako. Konti lang. Tiningnan ko siya at hindi pa rin naalis ang kunot sa noo niya. Ang aga aga, ang sungit sungit na. Di man lang ako binati ng good morning. "Psh " hinawakan niya ang noo ko. "Oy, ano yang ginagawa mo?" nagtataka kong tanong. "Nevermind" pagkatapos sabihin 'yun ay nakapamulsa siyang tumalikod at naglakad palayo. Naiwan akong nakatulala. Anyare sa lalaking 'yun? Napapailing nalang ako. Ngayon lang ako nakapasok matapos akong magkasakit kahapon. Maglalakad na sana ako papunta sa fir

