Del's POV "Hello?" inaantok kong sagot sa tumawag sa akin. Ang aga-aga pa. Tsk, istorbo. "Bestie!! Ano, ready ka na? Halos ready na kami dito! Nasaan ka na? " excited na tanong ni Liz. "Anong ready eh kakagising ko lang? Ganda na ng tulog ko eh" Oo ang ganda na ng tulog ko dahil napanaginipan ko si Drakola! Oy, wag komontra, totoo yun. Para akong timang na ngumingiti mag-isa dito "Whaaat?? Di ka pa ready? Hala, bestie. Seryoso?? Malapit na tayong umalis!" nailayo ko tuloy yung cellphone dahil sa lakas ng boses nya. "Bakit ka sumisigaw?? Tsaka, anong ready at malapit ng umalis? Anong meron?" naguguluhan kong tanong. "Bestie!" frustrated na tawag nya sa akin. "May outing nga diba? Saturday ngayon. Sinabi ko yan kahapon" Ah.Outing lang pala... O_O . Outing? Ohmy, nakalimutan ko! Pata

