Flashback ( One year ago ) Papauwi si Del sa bahay nila nang hapong iyon. Galing sya sa paaralan at pagod na pagod sya. Sa edad na 18 ay nasa ikatlong taon na sya sa kolehiyo sa kursong BS Accountancy. Likas na matalino si Del , halos lahat ng grades nya ay flat one. Mabait sya sa mababait pero napakamaldita naman niya sa mga taong alam niyang nasa loob ang kulo. Pagdating nya sa isang maliit na bahay na yun sa isang hindi mataong lugar sa probinsya ay napansin nya ang kakaibang atmosphere. Parang may something na hindi nya alam. ''Nay?? Nandito na po ako '' tawag nya sa ina ngunit walang sumasagot. "Nay? '' hinanap nya sa buong kabahayan ang ina at kaagad syang sinalakay ng kaba nang mapansin nya ang inang nakahandusay sa sahig at walang malay. "Nay! Ano pong nangyari? Nay, gumising

