Landon's POV "Kuya! Saan ka galing?" narinig kong tanong sa akin ni Liz. Kararating ko lang at pagod na pagod ako sa byahe. "Kay Del" Halatang nagulat sya sa sinabi ko pero dere-deretso lang akong naglakad paakyat sa kwarto ko. "Talaga kuya? Pinuntahan mo sya? Nasaan sya? Kumusta si Del kuya?" natigilan ako sa pag-akyat nang marinig kong ang pananabik at pag-aalala sa boses ng kapatid ko. Humarap ako sa kanya . "S-She's fine. Gusto muna nyang mapag-isa" nakita kong naluluha sya sa sinabi ko. "P-Pero babalik sya diba?" puno ng pag-asang tanong nya sa akin kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Pati ako naluluha na kapag naalala ko ang pagkikita namin kanina. "Yes. B-Babalik sya, don't worry" hinagod ko ang likod ni Liz na ngayon ay umiiyak na. Isa rin sya sa lubos na nasasaktan s

