Chapter 54 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ ALYANA'S POV Humihingal ako mula sa jogging at napaupo sa bakal na upuan sa tabi ng parke. Alas kwatro na dito sa Melbourne, at kitang-kita ko na ang paglubog ng araw. Binuksan ko ang bote ng tubig at uminom mula rito. Kahapon, galing ako sa doktor na ni-refer ni Dina, at nagpacheck-up. Naisip ko na masuwerte pa rin ako dahil wala namang nakitang problema sa puso ko. Sabi ni Dr. Elvie, madali lang kao magheal basta consistent sa pagpapainject ng gamot at pag-inom ng mga bitaminang inireseta niya. Wala na talagang imposible ngayon basta may pera ka — lahat kaya ng gawan ng paraan. Sa kaso ko, noong una, si Cedric ang sumasagot sa mga gamot ko, pero kalaunan, tinanggihan ko na iyon dahil kumikita naman na ako. Lalo na’t may part-tim

