Chapter 53 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ THIRD PERSON POV Matagal na siyang nakatayo at nakatitig sa puntod ng kanyang anak. Pinunasan ni Alyana ang tumulong luha sa kanyang mga mata saka inilapag ang bulaklak sa harap ng puntod ni Celeste. "Paalam, anak. Lalayo si mama para makalimot sa sakit, at pagdating ng tamang panahon, alam kong malilimutan ko rin ang sakit ng pinagdaanan ko mula sa mga taong makasarili at walang puso. Gabayan mo sana ako sa desisyong ito. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, at maraming salamat dahil dumating ka sa akin. Isa kang napakagandang regalo na dumating sa buhay ko, at babaunin ko ang alaala mo sa puso ko habang buhay." Hinalikan niya ang picture frame ni Baby Celeste at humakbang palayo rito. Dumiretso siya sa sasakyan ni Cedric na

