Halos hindi nakatulog ng maayos si Janelle. Alam nyang namamahay pa sya pero hindi lang iyon ang dahilan. Pero iwinaglit nalang nya sa isipan nya iyon dahil kailangan nyang magpakatatag para sa Mommy nya. Kahit medyo inaantok pa ang diwa ay bumangon na sya at naligo. Pagkatapos makapagready ay bumaba na sya at nadatnan nya ang kanyang Mommy at si Uncle Armando na nasa hapag kainan na. Masaya ang mga itong kumakain habang nagkukwentuhan. Agad syang tinawag ng makita sya ng mga ito. May hinahanap ang kanyang mga mata at nang makita nyang wala pa ito ay dumiretso na sya sa hapag kainan. Apat ang plato pero bakante ang isa. Wala ring nakaupo sa unahan na nasa katapat nya. "Kain na anak" sabi ng Mommy nya habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato nya. "Thanks Mom" Aniya na may ngiti sa mga

