Dala dala ang bolang papasok sa gate nila. Galing sa pagpapapawis ay natigilan si Johann nang makita nyang may kasamang bumaba ang kanyan ama mula sa sasakyan nito.
Nagtagis agad ang panga nya ng makita nyang magkahawak ang mga kamay ng babae at ng Daddy nya. Hindi na sana nya ito papansinin at papasok nalang sana sya sa bahay nila ng mapansin nyang hindi lang pala iisa ang kasama ng Daddy nya kundi dalawa.
Bumaba ang isang babae mula sa loob ng sasakyan at nanlaki ang mga mata nya sa gulat kung sino ito.
"Anong ginagawa nila dito? Bakit kasama sila ni Daddy?" Natigilan sya ng bigla syang tawagin ng kanyang ama.
"Johann, anak.. Come here. May ipapakilala ako sayo." Tawag sa kanya ng Daddy nya.
Nakatingin lang sya sa mga ito lalo na sa babaeng nasa gilid ng kanyang ama.
"I want you to meet Amanda." turo nito sa babaeng kahawak kamay ng Daddy nya.
"And also this is Janelle. From now on mag i-stay na sila dito. Amanda as my wife and Janelle as your step sister. You okay with that?
Hindi sinasadyang nabitawan nya ang bolang hawak nya. "Janelle as your step sister" paulit ulit sa isipan nya. Parang nag eecho ang sinabi ng Dad nya sa buong isipin nya. Hindi pwede to. Tinitigan nya ang mga ito nang masama saka sya biglang umalis at walang lingon na pumasok sa bahay nila.
"I can't take this! Gagawa ako ng paraan para paalisin sila dito. And that Janelle!" Natigilan sya at biglang nagtagis ang bagang nya. "Sya ang mananagot sa akin."
Nang papasok na ang mga ito ay nagpakita kaagad sya ng pagkadisgusto. Sinalubong nya ang mga ito ng nakamamatay na tingin. Bigla ay naalala nya ang kanyang Ina. Ito siguro ang babaeng tinutukoy ng Mommy nya sa tuwing mag aaway ang mga ito.
"At si Janelle! ahhh!" Halos mapasigaw sya sa isipan nya. Para syang mababaliw sa kung ano man ang nasa isipan nya sa ngayon.
Naupo ang mga ito sa sofa na sinundan pa nya ng tingin. Pinagmasdan pa nya si Janelle na marahang inaalalayan ang kanyang inang animo'y may sakit.
Aalis na sana sya ng tawagin sya ng kanyang ama para paupuin din sa sofa sa harap ng mga ito. Hindi nawawala ang masamang titig nya sa dalawa. Halos hindi naman makatingin ang Babaeng nagngangalang Amanda sa kanya. Tsk! "Acting like an innocent pero immoral ang gawain." Sa isip isip nya.
Nang hindi na nya matagalan ay bigla na syang tumayo at nagsalita.
"Dad! Kakalibing lang ni Mommy nung isang linggo, dinala mo na kaagad iyang bagong babae mo dito? Ano nalang ang iisipin ni Mommy?" bulyaw nya. Wala syang pake sa kung anuman ang iisipin ng mga ito sa kanya.
"Let me explain first Johann" kalmadong sabi ng Daddy nya.
"Explain or excuses Dad? Ibig sabibin ba nito Dad ay may relasyon na kayo ng babaeng iyan habang nabubuhay pa si Mommy? No wonder hindi mo minahal si Mommy dahil sa babaeng iyan" Bahagya pang napapikit ang kanyang ama sa kanyang tinuran. "At ang babaeng yan. Sya ba ang pinakamamahal mong anak" sabay turo nya kay Janelle. Bakit parang ayaw nyang malaman kung ano ang kasagutan sa itinanong nya?
"No I'm not!" Si Janelle na ang sumagot para sa tanong nya sa Daddy nya kaya ito naman ang hinarap nya saka pinakatitigan ng may pang iinsulto.
"Your mom is so amazing huh. She have many husbands!" pang uuyam nya. Bigla namang tumayo si Janelle na inaawat ng kanyang ina.
"Wag mong insultuhin ang nanay ko dahil hindi mo sya kilala?" Matigas na wika ni Janelle. Bahagya syang natigilan pero kalaunan ay nakabawi rin sya. " Oh really huh?" Magsasalita pa sana sya ng magsalita na ang Daddy nya para patigilan sya.
"Stop it Johann if you want to be angry, be angry with me. Wala kang karapatan na pagsalitaan si Amanda ng ganyan!" pigil na saway ng kanyang ama sa kanya. Halata na ang matinding pagtitimpi nito.
"Alright, I won't scold the Mom so I scold the daughter instead." Si Janelle naman ang binalingan nya at tiningnan ng diretso sa mga mata.
"So.. How is it? What do you want to become after you've graduated huh? Are you going to become you're mom? When husband died go affair with other husband because that's the easy way to get the money!" sigaw nya. Hindi na nya napigilan ang pagpupuyos ng damdamin nya.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya na ikinabigla nya. Lalo syang nakaramdam ng galit para sa mag-inang nasa harapan nya. Nakita pa nyang biglang inagap ng babaeng si Amanda ang kamay Daddy nya para pigilan ito. Pero wala syang pakialam dito.
"Before you judge them, just listen to me first Johann!!" malakas na boses na kanyang ama.
Sinamamaan nya ng tingin ang mga ito. "I won't listen Dad! Para ano? Para bilugin ang ulo ko? Para pakinggan ang kasinungalingang sasabihin nyo?" palatak nya.
"Okay.. Ikaw ang bahala kung ayaw mong makinig. Basta dito na sila titira simula ngayon sa ayaw at sa gusto mo! At wala rin akong pakialam sa walang kwentang feelings mo!" Galit na sigaw ng kanyang ama.
"Alright" Pagsuko nya sa sinasabi ng ama.
"Okay. Then. Stay. If. You. Can. Tolerate." May diin ang bawat salitang binibitawan nito.
Wala na syang nagawa kundi ang magwalk out nalang. Kelan nga ba sya pinakinggan ng kanyang ama. Kelan nga ba ito nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman nya. Ni minsan ata ay hindi ito nagkaroon ng atensyon para sa kanya.
"Tanging si Mommy lang naman ang nagparamdam ng pagmamahal para sa akin." Hinampong bigkas nya sa isipan nya.
Dumiretso sya sa kwarto nya at kinuha ang panyong itinali ni Janelle sa kamay nya. Nilamukos nya iyon saka inihagis sa sahig at tinapak tapakan pa. Hindi pa sya nakontento at inihagis pa iyon sa basurahan. Para bang doon nya ibinaling ang galit na nararamdman nya sa mga ito.
Biglang pumasok naman ang katulong nilang si Grace. "Malamig na juice para sa mainit na ulo" na lalong ikinalukot ng mukha nya. "Ah joke lang po yung sir. Eto po meryenda nyo po." Aniya at inilapag ang juice sa mesa. Nang paalis na si Grace ay tinawag na ulit ito na agad namang lumingon.
"Yes sir? My kailangan pa po kayo?" Tanong agad nito.
"Gustong kong ireport mo sa akin ang lahat ng gagawin ng mag inang iyon." Aniya kay Grace na balak pa sanag tumanggi pero wala rin itong nagawa nung samaan nya ng tingin.
At ganoon nga ang ginawa ni Grace, nakasunod sya sa mga ito. Nakita nyang dinadala si Janelle sa bagong kwarto nito. Nang makita sya ni Armando ay inutusan syang iakyat ang mga gamit ni Janelle pero mariin agad itong tumnggi na ikinatuwa naman ni Grace sa dalagita. "So Adorable.." nasambit nalang nya bigla.
Sunod ay dumiretso na sina Amanda at Armando sa silid nila.
"Naku pagnalaman ito ni Johann na sa kwarto ng Mommy at Daddy nya dumiretso ang dalawa tiyak na lalong magagalit ito." Ani grace.
Wala na sana syang balak na sabihin iyon kay Johann ngunit pagharap nya sa likod ay naroon na pala iyon at masamang nakatingin sa pintuan na pinasukan ng dalawa.
"I knew it!" Galit na bulong ni Johann sa sarli nya. Lalo lang nadagdagan ang galit na nararamdaman nya parabsa mga ito.
Saan nga ba nanggagaling ang galit nya. Dahil nga ba sa pagdadala ng Daddy nya ng bagong babae sa bahay nila? O dahil kay Janelle na magiging step sister nya? Kung ano ang dahilan ay sya lang ang nakakaalam.