Episode 8

1301 Words
Maagang pinuntahan ni Janelle ang kanya Ina sa Hospital dahil sa araw ng sabado ngayon kaya wala syang pasok sa eskwelahan. "Mommy!" agad nyang niyakap ang kanyang Mommy pagkakita nya dito. Yumakap naman ito pabalik sa kanya. " Kamusta ka anak? Hindi kaba nahihirapan mag isa sa bahay?" bakas ang pag aalala sa mukha ng kanyang Inay. Kung tutuusin sya pa ang dapat mag alala dito pero sya pa ang inaalala nito. Napabungtong hininga tuloy sya. "Ito talagang si Mommy, Ikaw na nga itong nakaratay dito sa hospital ako pa itong inaalala mo." hinampong wika ko. "Syempre naman anak. Paanong hindi ako mag aalala sayo, mag isa ka lang sa bahay," patuloy parin ito sa pag aalala sa kanya. "Mom, wag mo po akong alalahanin, kaya ko na po ang sarili ko hmm?" sabay yakap nya ng mahigpit sa kanyang ina. Dinampian naman sya nito ng isang halik sa kanyang. Kasalukuyang kumakain silang mag ina ng almusal na niluto nya kanina bago sya umalis sa kanilang bahay ng bumukas ang pintuan at iluwa noon ang isang nurse. "Goodmorning po Ma'am Amanda.. May gusto daw pong bumisita sa inyo." ani ng nurse. Bigla naman silang nagkatinginan na mag ina. Parehong nagtataka dahil wala naman silang kakilalang kamag anak o kaibigan kahit ang mama nya. "Mommy, may inaasahan ka po bang bisita ngayon?" nagtatakang tanong nya sa kanyang Ina. "Wala anak." tipid na sagot ng kanyang Ina. Tumango tango nalang sya. Naisip nalang niyang baka si Dana iyon dahil si Dana lang naman ang pinagsabihan nya. "Sige po papasukin mo na po" sabay ngiti nya sa nurse na tumango naman at lumabas na. Pagkalabas ng nurse ay pumasok naman ang sinasabing bisita ng kanyang ina. Ang akala nyang si Dana ay ibang tao pala. Isa itong matangkad na lalake, gwapo at matipuno parin na sa tingin nya ay kaidaran lang ng kanyang Mommy. Napansin naman nya ang pamumutla ng kanyang ina ng makita ang lalakeng nasa harapan na nila ngayon. Nakatitig ito sa kanyang ina pero kakaiba ang titig na iyon. Para bang sabik na sabik itong makita ang kanyang Ina na ngayon lang nya ulit nakita sa napakahabang panahon. Hanggang sa nalipat sa kanya ang titig nito. Titig na parang matagal na nangulila sa isang anak na ipinagtaka naman nya. "Mommy sino po sya?" Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Bahagyang napasulyap naman ang kanyang Ina sa lalaking dumating at ngumiti naman ito saka tumango sa kanyang Ina. Waring tila ay nagkakaintindihan. "Ahh anak.. sya ang iyong Un-Uncle A-Armando, Kaibigan ko nung nasa College ako" nauutal na wika ng kanyang ina. Pagkasabi nun nang kanyang ina ay bahagya pa itong napatungo na parang nahihiya. Nginitian naman ni Janelle ang lalakeng nasa harapan nila at binati. "Magandang umaga po Uncle Armando" masiglang bati nya rito. Bahagya pang napapikit ang kanyang ina sa salitang tinuran nya. May mali ba syang nabanggit? Nagtataka man ay hindi na sya nagtanong pa. Ayaw ko naman maging chismosa noh! "Anong ginagawa mo dito Armando?" tanong ng kanyang Ina rito. Pansin nyang hindi makatingin ng diretso ang kanyang sa lalakeng nagngangalang Armando at tila naiilang ito na ipinagtaka nya. Seems like. Bahagya syang napailing para iwaglit ang nasa isipan nya. "Uncle Armando siguro po kilala nyo rin ang Daddy ko? Simula po kasi nung ipinanganak ako ni Mommy hindi ko na po nakita ang Daddy ko. Kahit isang picture ay wala din ang Daddy ko dahil sabi ni Mommy hindi daw po mahilig magpapicture ang Daddy. Sabi din po kasi ni Mommy sumakabilang buhay na daw po ang Daddy ko." Walang prenong sabi ko. Siguro po magandang lalake din po sya kagaya nyo tsaka sabi po ni Mommy sobrang mahal na mahal nya daw po ang Daddy ko"? Pagpapatuloy nya sa kwento nya. Minsan talaga nya hindi nya mapigilan ang tabil ng dila nya. "Talaga? Ang swerte naman pala ng Daddy mo at sobrang minahal sya ng Mommy mo." May kakaibang kislap sa mga mata nya. "What's your name again?" nakangiting tanong ng Tito Armando nya. "Janelle po". Bahagya pa syang ngumiti. Narinig nyang parang may sumisinghot pagtingin nya ay ang kanyang ina pala. "Tingnan nyo po oh pag napag uusapan po talaga ang Daddy palagi pong umiiyak si Mommy." Nakangiti pa sya na parang nasisiyahan sa nakikitang pagmamahal ng Mommy nya sa Daddy nya. "Hmmm.. Janelle.. anak.. ibili mo muna ng kape ang Uncle A-Armado mo, sige na." pakiusap nito. Walang nagawa at sumunod nalang si Janelle sa utos ng Ina. Halata namang pinapaalis lang sya nito. "S-sige po Mommy" nginitian nalang nya ang mga ito saka nagpaalam palabas. Napapaisip man sya ay binalewala nalang nya iyon. Nagmamadali syang lumabas ng Hospital para bimili ng kape na ipinapabili ng kanyang Ina. "Ale, apat na kape po. Heto po ang bayad. Salamat po" tumango pa sya sa tindera bago sya umalis. Pagbalik ni Janelle sa loob ng Hospital ay nakita na nyang palabas na ng kwarto ang kanyang Uncle Armando kaya agad nyang sinalubong ang mga ito. "Tito Armando, pauwi na po kaagad kayo? Bakit parang ang bilis naman po" nagtatakang tanong nya. "Ah oo Hija.. May sinabi lang akong importante sa iyong Inay.. sige at aalis na kami at may aasikasuhin parin ako." Nakangiting paalam nito sa kanya. "Ahh teka lang po" bahagya itong tumigil. "May kailangan ka pa ba hija?" Hindi nawawala ang ngiti nito. "Kape nyo po, sige po babay na po" pagkabigay nya ay nagpaalam na sya saka tumalikod na at dumiretso na sa kwarto ng kanyang ina. Bahagya namang napahabol ng tingin si Armando sa papalayong pigura Janelle. Pagpasok nya sa loob ng kwarto ng Mommy nya ay nakita niyang nagpunas ito ng luha. "Umiiyak ka po ba Mommy? May masakit po bva sayo?" Nag aalalang tanong nya rito. Bahagya namang ngumiti ang kanyang Ina. "Wala anak.. masaya lang si Mommy dahil makakalabas na ako bukas." Malumanay na sagot nito pero kababakasan ng pag aalala sa mukha. Habang iniinom nya ang kapeng binili nya ay pansin nya ang pananahimik ng kanyang Inay. Parang napakalalim ng iniisip nito. May kinalaman kaya dito ang Uncle Armando nya? "Mommy?" ika nya. "Anak.." agad na ginagap ang kamay nya ng kanyang Ina. "May gusto sana akong sabihin sa iyo.." parang nag aalangan. "Sasagutin ng Uncle Armando mo ang lahat ng gastusin ko dito sa Hospital pati na ang gagawing treatment sa akin." nabitin ang sasabihin parang nag iisip. "Talaga Mommy e di mabuti po kung ganun. Mabait naman po pala si Uncle Armando mommy eh" natutuwa nyang pahayag. "Sa isang kondisyon anak.." nag aalinlangan wika ng kanyang Inay. Napakunot ang noo nya? Bakit may kondisyonis pa? "Ano pong kondisyon Mommy?" medyo kinakabahan sya sa isasagot ng kanyang inay. Malay ba nya kung ano ang hininging kondisyon niyon. "Sa kanila daw tayo titira.." halos pabulong na wika ng kanyang Ina. "Ano pong sagot mo Mommy?" parang tinatambol na ang kanyang dibdib. Pumayag kaya si Mommy? "Hindi ako pumayag anak.." malungkot na wika ng kanyang ina. Napatayo naman sya. "P-po? bakit hindi po kayo pumayag? Napakalaking tulong po niyon sa atin lalo na po sa sakit mo Mommy." bulalas nya. Naiintindihan naman nya ang kanyang Inay dahil kahit sya ay hindi nya rin kagustuhan ang makitira sa ibang bahay pero kung ang kapalit naman nito ay ang madugtungan ang buhay ng kanyang ina ay wala syang hindi kayang gawin. Kung ang aasahan lang nila ay ang pag oonline selling ng kanyang ina at ang part time nya ay malabong matustusan ang treatment at ang gagawing operasyon sa kanyang ina. Naikwento rin ng Mommy nya na may isang anak daw ang Uncle Armando nya. Kaya lang ay baka hindi nya daw makasundo dahil may pagka arogante daw ito. "Wag kang mag alala Mommy.. akong bahala sa kanya." determinadong sabi nya. Kaya nyang magtiis at magsakripisyo para sa kanyang pinakamamahal na ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD