Tuwing linggo ay nakasanayan na nilang mag ina ang pumunta sa simbahan pero iba ngayon dahil tatlo na silang magkakasama. Kung titingnan tuloy sila ngayon ay parang isang masayang pamilya. Nang malaman ng Uncle Armando niya ang plano nilang pagpunta sa simbahan ng kanyang Inay ay hindi na ito nagdalawang isip pa na sumama. Gusto din daw nitong magpasalamat dahil muling lumakas ang pangangatawan ng kanyang Inay. Habang nakasunod si Johann sa papalayong pigura nilang tatlo ay hindi na naman nito maiwasan ang makaramdam ng inis sa kanyang Daddy. "Looks like hmm Dad is become a religious person today?" napangisi ito sa sariling isipin. He looks so bitter nang makita nyang willing ang daddy nya na kumumpleto ng ibang pamilya. Samantalang ang sariling pamilya ay hindi man lang nito ipinaramd

