Abalang abala si Janelle sa cake na ginagawa nya para kay Johann. Tikim dito. Tikim doon. She make sure na magiging masarap ito pag tinikman na ni Johann. Napangiti naman sya sa isiping iyon. Natutuwa naman ang kanyang Inay at si Grace habang pinapanood sya ng mga ito. Nang sa tingin nya ay masarap na ang timpla nya ay inilagay na nya ito sa isang bake pan at maingat na isinalang sa malaking oven. Habang nakasalang ang gagawin nyang cake ay isinunod naman nya ang ilalagay nyang Icing sa ibabaw nito saka tinikman ulit at nang masatisfy na sya sa lasa ay napangiti sya ulit. Lumapit naman sa kanya ang kanyang Inay at si Grace saka tinikman ang tinapay na inuna nyang lutuin para gawing tikiman. "Wow Janelle ang galing mo palang gumawa ng cake. Sobrang sarap!" Ani Grace. "Talaga ba? Sa tin

