Kinabukasan, magaan ang pakiramdam ni Janelle na pumasok sa eskwelahan. Bukod sa wala ng asungot na mangbubully sa kanya ay sinabi din ng Doctor na maaari ng lumabas bukas ng Hospital ang kanyang Mommy. Ang sabi ng Doctor ay kailangan magpakondisyon ng Mommy niya para sa isasagawang operasyon. At bawal na bawal dito ang mastress, kailangan ay magrelax ito dahil nakakapagpalala ang kahit na anong pag iisip sa kalagayan ng Mommy niya.
Tungkol naman sa operasyon saka na lang niya iisipin ang babayarang gastusin dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang kaligtasan ng Mommy niya.
Lumipas na ang kalahating araw at walang Johann ang nagpapakita sa kanya. "Mabuti naman at tumupad ito sa usapan na hindi na nya ako guguluhin pa." Sa isip isip niya.
Sabay silang kumakain ni Dana sa canteen ng mapansin nyang nasa kabilang dulo lang ang lamesa nina Johann at nung dalawa nitong asungot na tropa. Nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang panaka nakang pagsulyap nito sa kanya. Actually tinititigan pa nga siya nito. Nakita niyang nagtatawanan ang mga barkada nito na malamang ay inaasar na ng mga ito si Johann. Nakakapagtaka lang dahil hindi nila kasama yung Scarlet na kung makaasta ay Jowa ni Johann.
.
.
.
"Dude, bakit hindi pa kaya tayo doob kumain sa lamesa nila?" sabi ng nangaasar na si Jhon kay Johann.
"Pinagsasabi mo?" patay malisyang sagot ni Johann.
"Dude naman kunwari ka pa, kami pa ba ang niloko mo eh kanina kapa tingin ng tingin sa freshman na yan?" sabat naman ni Chris. Isa sa mga barkada ni Johann.
"Alam nyo bakit hindi na lang kayo manahimik?" inis na sabi niya sa dalawa pero pinagtawanan lang siya ng mga ito.
"Tss!" inirapan ni Johann ang dalawang barkada bago ulit tumingin sa lamesa nina Janelle kung saan ito kumakain kasama ng kaibigan nito na palagi nitong kasama.
.
.
.
MATAPOS kumain nina Janelle ay saglit na nagpaalam sa kanya si Danna dahil may tatapusin pa daw ito sa library bago dumating ang subject nila sa hapon. Naisipan nyang maglakad lakad muna pampababa ng kanyang kinain. Actually halos hindi siya makaayos ng pagkain kanina dahil kay Johann na hindi siya tinantanan kakatingin. Tinigilan nga siya sa pang aasar at pangbubully pero nahihiwagaan naman siya sa ikinikilos nito. Para bang may kung ano na namang iniisip na gagawin sa kanya. "Hays! subukan nya lang talaga."
"Ay kabayong bakla!" nasambit niya sa gulat dahil may bigla na lang tumapik sa likod niya sa gitna ng pag iisip niya. Speaking of the devil! She rolled her eyes. Ano na naman kayang kailangan nito sa kanya?
Hinarap niya ito at sinamaan ng tingin. "Ano na naman kailangan mo? Akala ko ba nagkasundo na tayo na hindi mo na ako guguluhin kahit na kelan ha?" pagtataray niya rito.
"Hey easy ka lang.. wala akong gagawing masama sayo. Unless gusto mong may gawin tayo?" Pang aasar nito sa kanya habang pinatataas baba ang dalawang kilay.
"Bastos ka talaga!" Akmang papaluin niya ito ng hawakan nito ang kamay niya para pigilan.
"Nagbibiro lang ako masyado namang mainit iyan ulo mo." napapakamot sa noong sabi nito. Nag iba ang awra nito parang biglang naging maamo.
Sus Janelle wag kang pakatitiwala sa gwapong mukha nyan.
"Pwede bang makipagkaibigan sayo?" Diretsong tanong nito na lalo pang pinaamo ang mukha. Akala mo'y hindi makabasag pinggan ang mokong.
"Tss! Wala akong panahon sa mga paandar mo kaya pwede ba tantanan mo na ako?" nangigigl nyang sabi rito.
"Ito? makikipagkaibigan sa taong katulad ko? Mukhang malabo."
Pinipigilan nya ang sarili nya dahil baka masigawan pa nya ito. Uunahan na sana nya itong maglakad ng harangan siya nito sa harapan niya kaya napahinto siya sa paglalakad niya.
"Look I'm Serious! Gusto kitang maging kaibigan," senseridad na sabi nito.
"Well mukha naman itong sincere kaya pagbibigyan ko na para tigilan niya lang ako." sa isip isip ni Janelle.
"Sige pumapayag na ako," Pagsukong sabi niya kay Johann.
"Talaga?" Paniniguradong tanong pa nito sa kanya na parang hindi makapaniwala.
"U-uhm!" Tango niya kay Johann.
"Yes!" sigaw nito.
Sus kala mo naman nanalo sa lotto. Sinuway pa niya ito dahil baka mapagkamalan sinagot ng kanyang nililigawan. Siya pa naman ang kasama baka maissue pa silang dalawa.
"Okay Friends?" sabay lahad ng palad nito sa kanya.
Nag aalangan pa syang kunin ang kamay ni Johann pero bandang huli ay nakipag shakehands na rin siya sa binata. Napangiti pa siya. Sana ito na ang simula ng magandang samahan nila. Sa isip isip ni Janelle.
Umuwi si Johann na may ngiti sa kanyang mga labi. Lutang ang pag iisip niya dahil si Janelle lang ang laman ng isip niya sa buong maghapon. Kakaiba ang pakiramdam ng mahawakan niya ang kamay nito. Ito naman talaga ang matagal na nyang gusto. Janelle seems very interesting para sa kanya. Hindi niya lang alam kung paano kukunin ang atensyon nito kaya nagpapapansin na lang siya sa dalaga.
Hindi napansin ni Johann na naglalampaso ang katulong nila dahil okupado ang isip niya ni Janelle. Nadulas siya sa basang sahig sa tapat ng hagdan at bumagsak ang pwetan niya sa sahig. Kaya naman nasapo niya ang pisngi ng pwetan niya.
Nakaramdam naman agad ng takot ang katulong nilang si Grace.
"Naku sir. Sorry po hindi ko po sinasadya," hinging tawag agad nito hababg nakaluhod pa sa basang sahig. Pero nakangiti pa syang hinawakan ang kamay nito at inakay niya patayo.
"It's ok, grace," nakangiting wika rito ni Johann saka umakyat na sa hagdanan pataas. Nagtaka naman si Grace dahil ang inaasahan niya ay sisigawan at bubulyawan siya ni Johann pero naging kabaliktaran nito ang iniisip niya.
"Teka? Tama ba itong nakikita ko? Nakangiti ng demonyo? Este ang amo ko? Himala ata, kung ganun ay sanay araw araw na siya madulas." natatawang sabi ni Grace sa isip nito. Si Grace ay matagal ng tagasilbi ng mga Cuevas. Ito lang ang nagtyaga sa ugali ni Johann kahit noon pa man ay masungit na talaga ito.
Hindi na ininda ni Johann ang masakit nyang pwetan dala ng pagkakadulas sa sahig. Basta ang nararamdaman lang niya ay masaya siya ngayon. Paulit ulit ang imahe ni Janelle sa isipin niya na matamis na nakangiti ng tinanggap ang pakikipag kaibigan niya. She's really an adorable person. Para siyang timang nakatingin sa kawalan habang pinaiikot ang bola sa hintuturo niya.
Habang si Janelle ay nakatulala din habang nakatanaw sa bintana ng bahay nila at bahagyang nakangiti. Ewan ba niya. Pero nakaramdam din siya ng saya gayong ngayon lang naman naging maayos ang pakikitungo nito sa kanya.
Nakatulog silang pareho na ang isa't isa lang ang laman ng kanilang mga isip.