Episode 5

1260 Words
Sa bawat minuto na inilalaan ni Janelle sa loob ng eskwelahan ay okupado ng mommy niya ang isipan niya. Para siyang mauupos na kandila sa kakaisip kung paano nila malalampasan ang sitwasyong kagaya nito. Hindi rin ganoon kalaki ang kinikita ng mommy niya sa pag oonline selling ng business nila, lalo na ngayon na mapapatigil ang pagbebenta nila dahil sa nangyari sa mommy niya. Gulong gulo na ang isipan ni Janelle. "May bone cancer ka Amanda..." paulit ulit sa isipan niya ang sinabi ng doctor sa mommy niya. Malala na at kailangan ng maoperahan ng mommy niya sa lalong madaling panahon habang kaya pa ng sitwasyon. Ngunit paano? Saan sila kukuha ng pambayad? Buti sana kung ooperahan muna bago bayad baka sakaling magawan pa niya ng paraan ang hospital bill. Nasa ganoong pag iisip siya ng may tumamang bola sa tagiliran niya na hindi na niya napansin dahil sa sobrang dami ng iniisip niya. "Daydreaming?" narinig nyang sabi ng isang baritonong boses pero hindi pa rin niya ito pinansin at hinayaan na lang niya. Naramdaman na lang niya na tumabi ito sa kanya. Nakita niyang si Johann ito. Wag ngayon please! Sa isip isip ni Janelle. Parang sasabog na ang ulo niya tapos sasabayan pa ng mokong pangungulit ni Johann. Alam niyang pagtitripan na naman siya nito dahil yun lang naman ang alam nitong gawin. "Bakit parang naging hobby na yata ng lalaleng to ang pagtripan ako? Wala ba tong ginagawa sa buhay nya? Sabagay pag mayaman kasi pakiramdam ko wala ng problema sa buhay. Ewan ko lang tong isang to." mahabang litanya ni Janelle sa kanyang isipan. Sinamaan nya ito ng tingin at sinungitan pero mukhang mas natuwa pa ang loko. Talagang inaasar siya ni Johann. Aalis na sana siya at iignorahin ang lalake pero natigilan siya ng magsalita ito. "I have a deal for you kapag tinalo mo ako sa basketball hindi na kita pagtitripan!" Rinig niyang sabi ni Johann. Parang biglang natuwa si Janelle sa narinig. Pero paano? Hindi naman siya gaanong marunong magbasketball? "Hays! Pero bahala na. Ang mahalaga ay tigilan na ako ng gagong to!" "Okay deal!" nginitian niya ito ng pagkatamis tamis! Napansin naman niya ang pagkatulala ng lalake sa ginawa nyang pagngiti dito. Problema nito? Tumayo na siya at bigla niyang kinuha ang bola sa mga kamay nito saka nagtungo na siya sa basketball ring na malapit lang sa kinauupuan nila kanina. Dumiretso kaagad siya malapit sa may ring at nagshoot ng isa. "Oh ano? nakakaisang puntos na ko tutulala ka na lang ba dyan?" nakangising sabi ni Janelle kay Johann. "What no? Hindi yan kasali sa bilang!" sabi nito sa kanya na tinawanan lang niya. Papalamang ba si Janelle? Siyempre, hindi dahil alam niyang basketball player ito. Pilit na inaagaw ni Johann ang bola sa kanya kaya lang sa laki ng lalake ay hirap na hirap na mailayo ni Janelle dito ang bola. Dahil dun ay walang kahirap hirap nitong naagaw sa kanya at nag 3 points kaagad! "3 points!" sigaw nito sa di kalayuan sa kanya. "Ang daya mo naman e wala dapat score na 3 points! Dapat isang shoot isa lang din ang score!" nakangusonyang sabi kay Johann. Napansin nyang bahagyang natulala na naman ito sa ginawa niya, napatingin sa labing nakanguso kaya napangisi si Janelle. Tinakbo niya ang kinaroroonan nito at inagaw ang bola saka pina-shoot kaagad na ikinagulat nito. Nawawala sa sariling pag-iisip si Johann kapag napagmamasdan ang hitsura ni Janelle. "2 points!" sigaw ni Janelle. Kaya tumakbo ulit si Johann papunta sa kinaroroonan ni Janelle pero tumakbo rin Janelle paikot malapit sa ring at nagshoot pa ulit ng isa. Good thing malapit kay Janelle ang basketball ring. "Now what?! same 3 points?" nagkibit balikat si Janelle kay Johann. Hindi malaman ni Janelle kung talagang nagpapatalo ito sa una para may thrill eh. Knowing na magaling naman talaga sa basketball tapos nagpapatalo sa katulad niya na kung hindi pa lalapit sa ring ay hindi pa makakashoot. "Sa una lang yan." bulong nito malapit sa tenga ni Janelle kaya natigilan ito. Naramdaman na lang niya ang pagkuha ng bola sa kamay niya ng walang kahirap hirap! Anak ng teteng oh. "First 5 points siya ang mananalo." rinig nyang sigaw ni Johann. Kaya parang nahulaan na niya ang sunod na gagawin at hindi nga siya nagkamali dahil titira nga ito sa 3 points area! "Hindi sya pwedeng manalo kaya pipigilan ko siya sa kahit na anong paraan." Sabi nya sa isip niya. Agad na tinakbo ni Janelle ang kinaroroon ng lalake at hinawakan ito sa braso kaya nalaglag ang bola pero sa kasamaang palad ay na out of balance sila kaya ang nagyari natumba si Johann at napaibabaw si Janelle kay Johann. Nagulat si Janelle sa nangyari kaya natulala ang dalaga. Pulang pula na ang hitsura nito ngayon. "I think you like being on top of me." rinig nyang sabi ni Johann. Agad syang tumayo at nagpagpag ng damit niya. Gosh nakakahiya! Pero ang nasa isip niya ay manalo kaya hinanap niya kung nasaan ang bola. Habang medyo nakahiga pa si Johann ay tinakbo niya ang kinaroonan ng bola. Buti na lang at malapit lang ito sa ring kaya ayun! Shoot! "4 points! Sigaw ni Janelle. Nakashoot din si Johann kaya parehas na silang 4 points! Kinakabahan siya dahil mukhang siniseryoso ng lalake ang laro nila. Anong laban niya pag ganito na? Hindi niya nilulubayan si Johann hanggang sa nakalayo ito sa kanya at s**t! malaya itong makakatira. "Hays! Talo na ako," napatungo na lang sya at tila nawalan ng pag asa. Hanggang sa may nagsalita sa likuran nila. "Kelan pa kayo naging magkalaro sa basketball?" si Scarlet na nakataas pa ang isang kilay. Kaya napatingin sila pareho pero agad din nyang binawi. Napansin niya ang bola na nasa ere kaya sinundan niya ito ng tingin. At sablay! Nagkaroon pa siya ng pag asa. Napansin naman nyang hinarang na si Johann ng dalawa pa nyang barkadang lalaki at tinatapik sa balikat. Nakita pa niya ang pagkunot ng noo nito kaya kinuha na niya ang pagkakataon para kunin ulit ang bola! "5 points! I win!" sigaw niya. Para syang bata na nagtatatalon sa tuwa. "Yes! yes!" patuloy siya sa pagdiriwang pero pagtingin niya kay Johann ay nakatingin ito sa mga kabarkada madilim ang mukha. Lumapit dito ang nagngangalang Scarlet at akmang hahawakan nito sa braso si Johann pero piniksi ng lalake ang kamay ng babae na ikinagulat naman niya. "Pano ba yan? Edi titigilan mo na ako mula ngayon? Johann Cuevas?" panguuyam pa niya kay Johann. Nakita nyang kumawala ito sa barkada at lalapit sa kanya pero agad syang naglakad palayo saka kumaway sa lalake na nakasimangot pa rin hanggang ngayon. "Bye Johann!" Sigaw niya dito habang iwinawagay pa ang kamay para sabihing. Tagumpay! Sa wakas ay mawawala na ang asungot sa buhay niya. Habang si Johann ay inis na inis sa paglapit ng mga barkada niya sa kanya. Wala sana siyang balak na magpatalo kay Janelle ngunit dahik sa pagdating ng mga ito ay nabulilyaso ang lahat. Hindi niya maintindihan, gustong gusto niya itong kalaro at gustong gusto na malapit lagi sa kanya. "Akala ko ba, kinasusuklaman mo ang mukha ng babaeng yun? Bakit gustong gusto mo pang kalaro?" si Scarlet na halatang hindi gusto si Janelle para kay Johann. "Wala lang... gusto ko lang siyang pagtripan," walang ganang sagot ni Johann sa matalik na kaibigan. Ngunit kabaliktaran noon ang sinasabi ng puso nito. Lihim na ngumiti at iniwan ang mga kabarkada sa loob ng basketball court habang si Scarlet ay nakakunot ang noong nakasunod ng tingin sa papalayong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD