Magdamag na binantayan ni Janelle ang Mommy nito. Aabsent na lang siya sa klase. Yun ang ang balak ni Janelle. Wala rin naman silang ibang maaasahan dahil dalawa na lang sila ng Mommy niya sa buhay. Wala rin naman syang kakilalang ibang kamag anak nila dahil mula noon ay wala naman naiikwento sa kanya ang Mommy niya. Hindi na rin naman nagtanong si Janelle dahil maayos naman ang buhay nilang ng mommy niya.
Nagising si Janelle sa masuyong haplos sa buhok niya. Pupungas pungas pa siyang nag angat ng tingin at nakita ang Mommy nyang nakangiti. Maaliwalas ang awra ng Mommy niyang hindi mababakasan na may malubhang sakit.
"May kailangan ka Mommy?" tanong niya rito habang naghihikab at kinukusot kusot ang mga mata. Nakau-ob siya kanina ngunit umayos na ng pagkakaupo.
"Wala naman anak, kaya lang ay kailangan mo ng pumasok sa eskwelahan. Umuwi ka na muna sa bahay para makapag ayos ka na," sabi ng Mommy niya.
"Pero Mom hindi kita pwedeng iwan dito dahil wala kang kasama," malungkot nyang wika. Ayaw niya talagang iwan muna ito lalo na ngayon sa ganitong sitwasyon ng Mommy na walang kasama at wala rin mag aalaga.
"Anak sige na pumasok ka na at baka matanggalan ka pa ng scholarship kapag umabsent ka. Wag ka ng mag alala ha, mommy will take care of herself, okay?" pagpupumilit ng mommy niya sa kanya. Napabuntong hininga si Janelle. Gusto ng magtuluan ng luha niya pero pinipigilan niya dahil ayaw niyang maging mahina sa harap ng ina.
Lalo syang nahabag dito dahil sa kabila ng kalagayan nito ngayon ay siya pa rin ang iniisip ng Mommy nito. Naluluha na nangingiti si Janelle.
"Mommy!" Mangiyak ngiyak na niyakap ni Janelle ang mommy niya na panay ang haplos sa kanyang likuran. Tunay na napakamapagmahal ng mommy niya.
Walang nagawa si Janelle sa kagustuhan ng Mommy niya. Ayaw man nyang iwan ito pero mapilit ang Mommy niya kaya umuwi na lang muna siya para makapag ready na sa pagpasok nya sa eskwelahan. Ang sabi naman ng mommy niya ay huwag siyang mag alala dahil mga nurse na pwedeng magbantay rito. Tiwala rin siya dahil nasa isang pribadong hospital ang mommy niya. Isa na lang ang poproblemahin niya. Ang pambayad sa hospital bill.
Sa una, pangalawa at pangatlong klase ay lutang si Janelle. Halos wala syang naintindihan sa itinurong subject ng mga guro. Wala ding saysay ang ipinasok niya sa eskwelahan dahil okupado ng Mommy niya ang kanyang isipan kaya naman naisipan nyang maglakad lakad na lang muna. Hanggang sa makita niya si Danna sa hindi kalayuan. Nilapitan niya ito dahil kailangan niya talaga ng makakausap.
Napansin agad ni Danna ang pagiging matamlay niya kaya nagtanong na agad ito kay Janelle.Talagang kilalang kilala na siya nito kapag hindi na siya okay. Ikinuwento niya ang nangyari sa Mommy niya at ang kalagayan nito ngayon. Hindi na rin niya napigilan ang pagpatak na naman ng luha niya kaya agad syang niyakap ni Danna.
"Malalampasan nyo rin yan Janelle, may awa ang Diyos hindi niya kayo pababayaan." pagpapakalma nito sa kanya habang hinahaplos ang likuran niya.
Buti na lang talaga at may kaibigan syang kagaya ni Danna na palaging andyan sa kanya. Hindi na lang matalik na kaibigan ang turing niya rito kundi isang tunay na kapatid na.
Naglalakad ang magkaibigan sa gilid ng basketball court ng may malakas na pwersa ng bola ang tumama sa ulo ni Janelle. Napahawak siya sa parteng tinamaan ng bola dahil nasaktan talaga siya. Nang mapatingin siya sa pinanggalingan ng bola ay ang gagong si Johann pala ang may gawa nun.
"Ano ba? Bakit hindi kayo nag iingat sa paglalaro? Nakakatama kayo oh? Lawak lawak ng basketball court nyo nakakalabas pa iyang bola nyo!" asik ni Danna sa grupo ng kalalakihan.
Hindi nagsasalita si Janelle dahil wala syang ganang makipagtalo ngayon.
"Hindi naman namin sinasadya na tinamaan kayo ng bola ah. Syempre basketball court 'to kaya normal lang talaga na may bolang tumama sa inyo," si Johann. Kunwari pa ito si Johann pero intensyon naman talaga nitong patamaan ng bola si Janelle para magpapansin dito. Well wrong timing nga lang siya.
Naninibago naman si Johann dahil ang iniexpect niya ay susungitan siya ng dalagita pero blanko lang ang ekspresyon nito sa mukha at dire-diretsong umalis na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Bagay na labis ipinagtaka ng binata.
Nasanay kasi siya rito na palaban lagi ang babae sa kanya at hindi ito nagpapatalo kahit sa simpleng pagpapansin niya lang. Nangunot ang noo niya.
"May problema kaya siya?" naitanong na niya lang sa isipan niya.
Iniwan ni Janelle si Danna ng makita nyang nakikipagtalo ito sa unggoy na papansin. Wala siyang balak makipagtalo dito o kausapin man lang dahil lalo lang sasakit ang ulo niya.
"Madami na nga akong isipin dumadagdag pa ang mokong na yun!" sa isip isip naman ni Janelle.
Hanggang matapos si Johann sa paglalaro nila ng basketball ay hindi na nawala sa kanyang isipan si Janelle. Para bang gusto niya itong hanapin at tanungin kung may problema ba ito kaso iniisip niya na baka lalapitan pa lang niya ito ay tumakbo na kaagad palayo sa kanya.
"Kasalanan mo rin kasi Johann eh!" asik nya sa sarili niya. Napabuntong hininga na lang tuloy siya.
Sa di kalayuan ay nakita niya si Janelle na nakaupo sa malawak na upuan ng basketball court. Nag iisa lang ito at mukhang malalim ang iniisip kaya naisipan nyang dumaan sa harap nito ngunit malapit na syang lumampas sa pwesto nito ay hindi pa rin sya nito pinapansin at nananatiling nasa malayo ang tingin. Kaya bumalik ulit sya kaya ang nangyari ay nagpabalik balik siya sa harapan ng dalagita. Parang timang si Johann sa ginagawa na kapag may napapadaan na estudyante ay pinagtatawanan na lang ito.
Tila okupado talaga ng kung anong bagay ang isipan nito kaya ang ginawa niya ay binato niya ito ng bola na tumama sa tagiliran nito. Nakita nyang nagulat ito at napatingin sa kanya pero parang hindi pa rin siya nito nakita at ibinalik ulit ang tingin sa kawalan.
"Aba at sinasadya mo akong hindi pansinin ha." sabi niya sa isip nya. Hindi alam Johann kung ano ang pumasok sa isip nya at bigla na lang syang umupo sa tabi ng dalagita.
"Day dreaming huh?" pang aasar niya dito habang nakangisi. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero ramdam nyang may mabigat na problemang dinadala ang dalagita ngayon. Alam niya ang ganitong pakiramdam dahil napagdaanan na niya ito ng bawian ng buhay ang Mommy niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatanggap.
Sinulyapan naman siya ni Janelle at masama syang tiningnan. Pero parang natuwa pa siya dahil sa wakas ay napansin na siya ng dalagita.
"Ano bang problema mo ha? Wala akong panahon na makipagtalo sayo kaya umalis ka na lang. Panalo kana!" pagsusungit nito sa kanya. Bahagya lang sya napatawa. That's my girl! Bumabalik na siya sa pagkamasungit. Sa isip isip ni Johann.
"I have a deal for you!" Nasabi niya out of nowhere. Nakita niya nangunot ang noo nito. Well alam nyang palaban ito at hinding hindi uurong sa sasabihin niya kung hahamunin niya man ito kung saang laro.
Ito ang nagustuhan niya rito hindi ilag sa kanya at isa pa matapang at hindi papansin sa mga lalake kagaya ng mga babaeng nakikilala niya sa campus na halos ipagpilitan na ang sarili sa kanya.
Hindi ito nagsasalita at mataman lang na nakatingin sa kanya. Hinihintay siguro kung ano yung deal na sinasabi nya.
"Talunin mo ko sa Basketball hinding hindi na kita aasarin!" Matapang na hamon ni Johann sa dalagita.
Sa isip isip ni Janelle ay talagang hinahamon siya ng binata. Akala siguro nito ay uurugan niya ang laban pero nagkakamali ito.
Nginitian ni Janelle si Johann upang ipaalam na pumapayag siya sa hamon nito.
"Game!"
Ngiti na nakapagpatulala kay Johann.
Wrong move! Johann!