Muling naglibot-libot si Rose sa buong paligid ng bahay. Ayaw niyang makaistorbo sa madramang moment ng mag-amang Simon at Shaimere. Baka sabihin ni Simon sa kanya na papansin na nga siya pakialamera pa.
"Simon! Tao po!" Anang ng isang boses na nakapukaw sa pansin ni Rose.
Napakunot-noo ang dalaga at pinuntahan niya kung saan nanggagaling ang boses. Agad niyang nakita ang babaeng nakasuot ng mabulaklaking bestida na hanggang hita lamang nito. Isang tuwad lang at kita na ang puwetan habang ngumunguya ng Buble gum kasama na ang makapal na make up at lipstick. Napangisi naman si Rose naisip nitong baka ito ang babaeng tinutukoy ni Aling Tasing na nagkakagusto kay Simon.
Tumikhim naman si Rose nang nasa likuran na siya ng babae. At agad namang pumihit paharap ang babae kay Rose. Ang matamis nitong ngiti ay agad na nawala at natitigan niya si Rose mula ulo hanggang paa.
"Excuse me, sinong hinahanap mo?" tanong ni Rose.
Napakurap-kurap naman ang babae na bahagya pang tumaas ang isang kilay nito.
"Si Simon. Nariyan ba siya?" Sagot ng babae.
"Ah...si Daddy Simon. Wala eh, nagpunta ng pinyahan bakit?" Tumatangong tugon ni Rose.
Kita ni Rose ang pag-asim nang mukha ng babae marahil dahil sa sinabi ni Rose na Daddy Simon.
"Daddy....Simon?" Anang pa ng babae.
"Oo. Ano nga pala ang kailangan mo sa Daddy Simon?" Kalmadong wika ni Rose.
Biglang sumimangot ang babae.
"Ibibigay ko sana sa kanya itong dala kong suman paborito nila ni Shai." Tamad na sabi ng babae.
"You can give it to me and I will tell him afterwards kapag dumating siya." Sagot ni Rose na tumingin pa sa hawak ng babae na plastic ware.
Kagyat na natahimik ang babae na tumitig kay Rose.
"Don't worry safe ang suman mo in my barely hands." Ngumiti pang sabi ni Rose.
Walang nagawa ang babae kung hindi ibigay nga kay Rose ang dala nitong suman.
"Your name?" tanong pa ni Rose.
"Thalia. Thanks I'm going back," matamlay na sagot ng babae at tumalikod na ito.
Napaismid naman si Rose na natatawa dahil kita niya kung papaano nadismay ang mukha ng babae. Nakita pa ni Rose na muling sumulyap sa kanya si Thalia at saka nito inirapan. Naningkit naman ang mga mata ni Rose sa inis at nangako siyang may araw din sa kanya ang Thalia na iyon.
"Saan galing 'yan anak?" tanong ni Aling Tasing kay Rose nang ipasok niya sa may kusina ang dala ni Thalia para kay Simon.
"Sa bruhang Thalia Aling Tasing." Simpleng sagot ni Rose kahit medyo kumukulo ang kanyang dugo sa babae.
Natawa naman si Aling Tasing sa tinuran ni Rose.
"Bakit naman bruha Rose?" tanong ng matanda.
"Aba at medyo tinarayan ako pasalamat siya at medyo nakalayo na siya sa akin. Hindi siya uubra sa katarayan ko makikita niya." Saad ni Rose.
"Nagkita na pala kayong dalawa. Ganoon lang magsalita iyon pero mabait naman kaya lang hindi iyon basta-basta umaalis kapag nandito si Simon." Turan naman ni Aling Tasing.
"So...bantay sarado niya si Simon? Wow ha? Feeling entitled ang bruha," inis na wika ni Rose.
"Naku huwag mo na siyang pansinin at talagang gustong-gusto niya si Simon. Ewan ko kay Simon kung gusto niya din si Thalia pero magkausap naman sila niyan hanggang sa uuwi na siya." Payo naman ni Aling Tasing kay Rose.
"Ganoon?" Bulalas ni Rose saka ito napangiti nang bongga may bigla kasing pumasok na ideya sa kanyang isipan dahil sa sinabi ni Aling Tasing sa kanya.
"Siyanga pala tumawag si Ma'am Dina kanina lamang kinumusta ka. Sabi ko tatawagin kita para makapag-usap kayong dalawa kaso nagmamadali siya." Kapagkuwan ay pagbibigay alam ni Aling Tasing kay Rose.
Nakadama naman nang medyo kalungkutan si Rose alam niyang hindi nagmamadali ang kanyang Tita Dina. Batid niyang iniiwasan lamang nitong may makarinig sa kanya na siya ang kanyang kausap. At baka isusumbong iyon sa kanyang Daddy na makitid ang utak idagdag pa ang kanyang Mommy na hindi man lamang siya maipaglaban. Kaya hindi niya maiwasang hindi maasar at mainis maging ang magtampo sa kanyang Mommy mabuti pa ang kanyang Tita Dina.
"Busy na po kasi siya Aling Tasing pero salamat po at sinagot niyo ang tawag niya." Masayang wika ni Rose.
"Oo naman saka sabi ko wiling-wili ka dito kahit na noong isang araw ka lang dumating. Ang sabi niya mag-enjoy ka daw nang maigi." Nakangiting sagot ni Aling Tasing.
Sinuklian din ni Rose nang isang matamis na ngiti si Aling Tasing. Kapagkuwan ay nagpaalam na siya sa Ginang na pupunta muna siya sa kanyang kwarto at maidlip saglit. Masaya namang sumang-ayon si Aling Tasing na malapit na ding maghanda ng kanilang hapunan.
Paglapat ng katawan ni Rose sa kama ay agad na siyang hinila ng antok. Marahil dahil sa sobrang init sa labas kanina habang naglibot-libot siya sa buong paligid ng bahay. Katunayan nga ay alam na niya ang bawat sulok ng bakuran ng bahay memorize na nga niya ang bawat gate na palabas ng bakuran.
Hindi alam ni Rose kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising siya dahil sa sama ng kanyang panaginip akala nga niya ay binabangungot siya. Napabuntong-hininga ang dalaga dahil maging sa panaginip ay nag-aaway sila ng kanyang Daddy. Kaya agad na bumangon si Rose upang mawala sa kanyang isipan ang masama niyang panaginip.
Pagkababa ni Rose ay napansin niya si Shaimere na nakaupo sa labas ng maindoor. Yakap-yakap nito ang kulay pink na teddy bear. Mukhang may hinihintay ang bata napansin din ni Rose na madilim na pala. Nagpasya si Rose na lapitan ang bata at baka hinihintay nito ang kanyang Daddy Simon.
"Sinong hinihintay mo?" Tanong ni Rose kay Shai pagkatapos nitong tumikhim at tinabihan ang bata na nakaupo.
Tumingin lang si Shaimere kay Rose pero hindi ito nagsalita.
"Hinihintay mo ang Daddy mo? Pagod na siguro siya ano? Kasi maghapon na siya sa taniman ang sipag naman talaga!" Sabi pa din ni Rose.
Narinig ni Rose ang pag-buntonghininga ng bata saka malungkot na tumanaw sa malayo.
"Lagi ka ba niyang iniiwan dito?" tanong pa rin ni Rose.
Subalit hindi pa din sumasagot si Shaimere nakapangalumbaba na nga ito na nakatingin pa rin sa malayo.
"Ang hirap ng naiiwan ano? Alam mo ganyan din ako noong maliit pa ako laging naiiwan sa Yaya. Laging wala ang Mommy at Daddy ko mag-isa akong naglalaro. Pero marami akong toys kaya lang nakakasawang maglaro ng paulit-ulit tapos mag-isa ka lang." Kwento ni Rose.
Sukat doon ay tumingin si Shaimere sa mukha ni Rose na nakatingin din sa malayo.
"Tapos gabi na sila nakakauwi tulog na ako paggising ko sa umaga wala na naman sila." Patuloy pang sabi ni Rose.
"You don't have friends?" maya-maya pa'y tanong na ni Shaimere.
Lihim na natuwa si Rose mukhang nakuha niya sa mga sandaling iyon ang kiliti mg maldita at mailap na anak ni Simon.
"Meron din kaya lang saka ko lang sila nakikita kapag may gathering sa family. Kapag lumalabas kami para maglaro kasi nasa bahay lang ako. Masuwerte ka nga nakakagala ka dito at nakakalaro sa labas samantalang ako sa loob ng bahay lang." Pinalungkot ni Rose ang kanyang mukha.
"My Dad brings me sometimes sa taniman but If he knows na gagabihin siya dito lang ako." Turan ni Shaimere.
"Aba okay na iyon kaysa sa akin." Sabi naman ni Rose.
"Where are your parents then?" tanong din ni Shaimere.
"May negosyo kasi kami kaya kailangan nilang mag-work." Paliwanag ni Rose.
"Is your Yaya kind?" Tanong na naman ni Shaimere.
Natuwa si Rose nagiging matanungin na si Shaimere mukhang interesado na sa kwento ng kanyang childhood.
"Oo ikaw nagkaroon ka ba ng Yaya?" Sagot ni Rose.
"Papalit-palit ako ng Yaya. My first Yaya is kind but she is dead now while my second Yaya is a monster. So, Daddy decided not to hire Yaya anymore and care for me instead." Kwento na din ni Shaimere.
Tumango-tango naman si Rose nakadama na naman siya nang awa sa bata. Alam niyang kulang lang ito ng aruga at atensyon kaya siguro nagmamaldita saka nagiging mailap. O baka na-trauma sa monster nitong Yaya kaya mailap ang bata isipin mong sa bata niyang isipan naranasan siyang pagmalupitan ng Yaya nito.
"Kilala mo si Thalia?" Tanong bigla ni Rose kay Shaimere.
Sumimangot naman agad ang bata.
"I don't like her she's maldita at mataray!" Sagot ni Shaimere.
Nagsalubong naman ang kilay ni Rose sa kanyang narinig.
"Bakit mo naman nasabi eh dinalhan niya kayo ng suman paborito niyo daw ng Daddy mo." Kunwari ay pagtanggol ni Rose kay Thalia pero gusto niya lang malaman ang totoo mula sa bata.
"Naninigaw siya kapag ayokong kainin ang dala niya pinandidilatan niya din ako that's why I don't like her. Minsan kasi pinaalaga ako ni Daddy sa kanya then ayoko na dito na lang ako." Sagot ni Shaimere.
Napaawang naman ang labi ni Rose at nakadama ito ng inis kay Thalia. At proud siya kay Shaimere dahil sa mura nitong edad ay talagang nasasabi nito ang kanyang saloobin.
"Hindi ka nagsumbong sa Daddy mo?" Tanong naman ni Rose.
"Lahat na lang daw ayoko kaya dito na lang ako." Malungkot na sagot ng bata.
Mas lalong naawa si Rose kay Shaimere wala sa loob niyang hinaplos ang ulo ng bata.
"Hayaan mo gaganti tayo sa bruhang iyon," aniya.
Tumingala naman si Shaimere kay Rose na nakangiti.
"Anong gagawin mo?" Inosenteng tanong ng bata.
"Basta ako na ang bahala!" Masiglang turan ni Rose sabay kindat kay Shaimere.
At sa unang pagkakataon ay nasilayan ni Rose ang matamis na ngiti ni Shaimere. Nakita agad ni Rose ang dalawang biloy ng bata sa magkabilaan nitong matambok na pisngi. Habang ang mga mata nito ay naging singkit bigla at nagpakita din ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Na pati si Rose ay nahawa na din sa ngiti at bungisngis ni Shaimere nang gabing iyon.